GETTING TO KNOW EACH OTHER TOO WELL

5.1K 134 16
                                    

Every time that your eyes meet mine
I light up like a neon sign
Yes, We're getting to know each other
A little too well  

Jho POV

"Good noon Maam, please have this way." agad naman kaming sinalubong ng receptionist ng makapasok kami sa restaurant. Sumunod naman ako dito pero paglingon ko ay nanatiling nakatayo lang si Bea at nilibot ang paningin sa buong lugar.

Ang hilig talaga niyang mag observe sa paligid.

Kaya naman kinuha ko yung kamay niya at pinag-intertwine ng sa akin. It fits like it was made only for me. Nangingiting sambit sa isipan ko.

Nakita ko namang nagulat si Bea sa ginawa ko at napatingin sa kamay namin.

"Let's go." aya ko  sabay hila  ng mahina sa kamay niya. Hindi naman siya tumanggi dun at sumunod nalang sa akin. 

Nang makarating na kami sa table namin ay tahimik pa ding nagmamasid si Bea. Bumitaw siya sa pagkakahawak ng kamay ko at pinaghila niya ako ng upuan.

Mas mabilis pa kay manong waiter. Sweet. Parang gusto kong mag sisisigaw dito sa loob dahil sa kilig.

"Thank you." ngiting sabi ko.

Ngumiti lang siya sa akin at umupo na rin  sa upuan na nasa harap ko. Kinuha ko ang menu at naghanap ng o-orderin kong pagkain. Sinabi ko sa waiter ang pagkaing gusto ko at mabilis naman niya itong sinulat sa kanyang papel. Pagtapos ay tiniklop ko ang menu at binigay ko pabalik kay Manong Waiter.

"Nag order ka na?" tanong ko kay Bea na hanggang ngayon ay tahimik pa din.

Umiling lang siya sa tanong ko at napakamot pa sa kanyang kilay. 

"Ma-- I mean.. J-Jho." lumapit siyang bahagya sa akin na parang may ibubulong kaya naman lumapit din ako sa kanya. 

Gano ka close? ika nga ni Laida Magtalas. Napapangiti tuloy ako sa mga naiisip ko ngayon. 

Sa ginawa niyang paglapit ay mas namasdan ko pa siya ng malapitan. Ang cute ng mga mata niya. Ang kinis ng mukha niya. I wonder kung tinutubuan ba ito ng pimples saka I always find her hot pag seryoso yung mukha niya and sexy when she smiles.

"Hindi ko alam kung ano ang mga pag kain dito. First time ko kasi." nahihiyang sabi ni Bea sa akin dahilan para mapangiti ako. 

Im her first. Date here in a fancy restaurant. Natatawa ako sa date na pinagsasabi ko kasi alam kong wala lang naman to sa kanya.

Bumalik na din siya sa kanyang inuupuan at sinabi ko din sa waiter na pareho nalang kaming dalawa ng order. Tumango siya sa sinabi ko at magalang na umalis.

"First time mo pala dito?" kuha ko ng attention niya. Nagtama ang tingin naming dalawa and she nods.

"Masanay ka na Bea." sabi ko sa kanya sabay patong ng mukha ko sa dalawang kamay kong pinagsaklop na nakapatong sa lamesa.

"H-Ho?" gulat niyang tanong sa akin. 

It's so charming to me na sa lahat ng reaction niya I always find her cute. Ano bang gayuma ang ginawa niya para mahulog ako ng ganito sa kanya. Cause actually, siya pa lang talaga ang una kong nagawan ng ganito. 

The Greatest Story Ever Told (JhoBea Fanfic)Where stories live. Discover now