RANDOMANTIC(Cont.)

4.2K 110 5
                                    

Ola!

Yung plano ko sana is for The Gala Night na itong chapter na to pero parang may hang over pa ako sa mga sweetness nila sa mga last chaps tapos they won pa against UST kaya Ive decided to continue all the ganap in the Randomantics. 😂

Sana magustuhan pa din niyo at tuloy tuloy niyo lang ang pag vo-vote o pag co-comment for motivation. Char. Haha...

=====

Jho POV

Sobrang saya ko ngayon habang naglalakad na kami palabas ni Bea sa sinehan. Hawak hawak ni Bea yung kamay ko at pa sway sway ko namang ginagalaw yun tapos ay ngingiti sa kanya.

Napapatigin naman siya sakin at napapangiti habang yung isang kamay niya nasa bulsa sa suot niyang sweater.

Yung iba nga napapatingin na sa aming dalawa dahil siguro PDA na kami or what but I dont care at ayokong sirain nila yung kaligayan na nararamdamn ko ngayon pero may iba ding napapangiti sa amin.

Anyways, when Bea held me kanina para magyayang manood ng sine ay nagulat ako ng slight.

Matagal na kasi akong hindi na niyayaya na manood ng sine simula nung mawala si Mommy, siya lang kasi ang nagyayaya sa akin nung bata pa ako.

Kaya nung makita ko yung Coco ay yun talaga ang pinili ko dahil na mimiss ko lang manood ng mga animation pero parang iba ang gustong panuorin ni Bea at kahit parang hindi naman genre ng movie ang gusto niya ay pinagbigyan niya pa din ako which I find it so sweet.

Nakakataba ng puso. Ang swerte ko at nakilala ko si Bea.

"Are you hungry?" Tanong niya.

Napatingin naman ako sa relo ko at nakitang mag aalas syete na pala ng gabi kaya naman bigla ko nalang naramdaman ang pagkalam ng tiyan ko.

"Umm.." sagot ko habang napayuko ako at nilagay ko sa tiyan ang isa kong kamay.

"Let's have dinner."

Napa angat ako ng tingin sa kanya.

"Date?" Bigla kong tanong.

Napakunot ang kanyang noo sa sinabi ko na parang naguguluhan.

"We're done on our lunch date, breakfast date which is kanina so.. this might be our dinner date." Ngiti kong sabi sa kanya at napasuntok pa sa ere ang kamao ko.

Natawa din naman siya ginawa ko at napakamot sa batok.

"Sure.. okay! This is OUR dinner date but it's on me." Turo niya sa kanyang sarili.

"Yaman mo ngayon, kanina ka pa nanglilibre." Puna ko naman sa kanya pero ngumiti lang siya.

"Yaan mo na ako, konting bawi ko lang dahil sa ginawa mong pagtulong kay Mama at sa pag aasikaso mo sa amin sa hospital."

"Sus! Wala yun pero dahil mapilit ka.. sege, libre mo na ako." Nangingiti kong sambit.

Nagpalinga linga pa ako kung saang restaurant ba kami kakain. Pero napatingin ako sa kanya ng magsalita siya

"Um.. I know a place. Sa totoo lang paborito ko tong kainan. Okay lang ba sayo?" Medyo nahihiya pa siya pero dahil paborito niya ay sus! Paborito ko na rin kahit ano pa yan! Larga! 😂.

"Okay.. saan ba tayo?" Ako pa ngayon ang excited dahil hinila ko pa talaga siya pero napalingon naman ako nung hinila niya ako pakabila.

"Dito yung daan." Nag mosyon pa ang kanyang ulo kaya napatingin ako dun.

-------

Nakangiti akong nakatingin kay Bea habang bitbit niya ang mga inorder naming pagkain kanina.

The Greatest Story Ever Told (JhoBea Fanfic)Where stories live. Discover now