MAHAL PA RIN KITA

3.5K 84 11
                                    

Ngunit paano nga ba ang
pag ibig mo'y magbabalik?
Batid ko na nasaktan kita ng labis.

Bea POV

Naka ilang buntong-hininga ang ginawa ko sa kotse bago ko napagdesisyonang pumasok sa loob ng restaurant.

Alam kong naghihintay na sila Daddy sa loob pero parang gusto ko ng umurong dahil alam ko na sila Jho at Miko ang kakaharapin ko ngayon.

Kailangan kong magpakatatag sa harapan ni Jho at kailangan kong labanan ang sarili kong hindi maluha pag nakita ko na sila.

Alam ko namang masasaktan ako pero ito ang pinili ko eh kaya dapat ko lang maranasan to.

Nagpalinga linga ako ng makapasok na ako sa loob. Busy din kasi ang receptionist kaya ako nalang ang naghanap sa kanila.

Pero ng nagtagpo ang paningin namin ay doon na nag umpisang kumabog ang dibdib ko. Hindi ako makahinga sa lakas nito pero nilakasan ko pa din ang loob ko na ihakbang ang mga paa ko palapit sa kanya.

Medyo pumayat si Jho at kahit naka make up ito ay kita pa din ang panglalalim ng kanyang mga mata. Nakita ko din ang pagtataka niya ng makalapit na ako at humalik sa pisngi ni Daddy.

Kahit hindi naman kami nagtagal noon ni Jho ay nakabisado ko na bawat emosyon na pinapakita niya sa akin at base sa reaction niya ngayon ay para itong nag seselos.

Selos? Sa ama ko!

Hindi pa din nagsalita si Jho at malikot ang mga mata nitong nagmamasid sa aming dalawa ni Daddy. Ramdam ko din ang pagiging sarcastiko ng mukha niya kahit wala siyang imik.

Pinakilala ni Miko ang kanyang sarili pati na din si Jho sa akin. Napako ang tingin ko sa babaeng katabi niya ngayon. Gusto ko itong hilahin at yakapin pero pinipigilan ko ang sarili ko dahil wala na akong karapatan sa kanya.

"By the way, have we met before? You seem so familiar." Tanong sa akin ni Miko habang nakakunot ang noo. Siguro dahil sa tagal na ng panahon ay nakalimutan na niyang ako yung sekretarya ni Jho dati.

Nadinig kong natawa ng bahagya si Daddy sa sinabi ni Miko kaya I keep my silence nalang at hindi na sinagot ang tanong sa akin.

"This is my daughter, my heiress, Bea De Leon." Pakilala ni Daddy sa akin.

Ngumiti sa akin si Miko at naupo na din ako.

Ilang sandali lang ay dumating na rin ang mga orders namin at medyo nagkakwentuhan muna bago pumunta sa proper talk about the legal commitment of the company.

Napansin kong uneasy na si Jhoana at hindi pa din siya nagsasalita. Tatango tango lang siya minsan at ngingiti pag na pupuri siya sa mga achievements niya before.

Panaka-naka naman akong sumasali sa usapan nila Daddy as he shares about my schooling at ang pagtatapos ko nung nakaraang buwan.

Nakita ko ding napa angat ng tingin sa akin si Jho at parang hindi siya makapaniwala sa nangyari sa buhay ko.

Lihim din akong natuwa sa reaction niya dahil kahit hindi niya sabihin ay alam kong proud siya sa mga achievements ko.

"Excuse me. Powder room lang ako." Paalam ni Jho sa amin at tumango naman si Miko sa kanya.

Hinatid ko siya ng tingin habang  papalayo sa amin at kating kati na ang mga paa ko na sundan sana siya pero naghintay muna ako ng ilang minuto bago magpa alam sa kanila.

Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko habang papalapit na ako sa comfort room. Palinga linga naman ako ng makapasok na ako at good thing walang tao maliban sa isang nakasaradong cubicle at sigurado akong si Jho iyon.

The Greatest Story Ever Told (JhoBea Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon