THIS TIME

4K 92 9
                                    

This time I'm not gonna let you slip away
This time I'm not gonna let another day go by
Without holding you so tight
Without treating you so right

Bea POV

Natapos na ako sa pagluluto ko pero andun pa din si Jho sa chopper. Nakita ko pang nagpagala-gala ang kanyang tingin sa buong paligid. Namamangha sa ganda nito kahit madilim na pero kita pa din sa liwanag nanggagaling sa mga ilaw. 

Ilang sandali pa ay bumuhos ang malakas na ulan na may kulog pa. Natawa tuloy ako sa reaksiyon niya dahil naalala ko yung gabing magkasama kami habang takot na takot siya dahil sa kulog. 

Kaya naman biglang nagliwanag ang idea bubble ko.

Hmm.. kung di ka madala sa santong dasalan! Pwes! Tingnan natin kung uubra ba siya dito.

Kinuha ko ang remote ng buong bahay para patayin ang  ilaw at palalabasin na nagbrown-out. Dinig na dinig ko ang sigaw ni Jho mula sa chopper. Sobrang sakit na ng tiyan ko sa kakatawa kaya habang sumisigaw siya ay nag reready na ako ng jacket, payong at flashlight.

Takot naman pala eh. Mahina kong sambit.

Pero nang makalapit na ako sa pintuan ay biglang nagka idea na naman ako. 

Hmm... total na miss ko siya ng sobra -- aasarin ko muna to. Natatawa kong sabi.

"Kunin mo na ako dito! Natatakot--ahhhhhh!" sigaw ni Jho.

"Akala ko ba diyan ka lang! At saka di ko kita yung daan! Brown out eh!"  tapos tinakpan ko ang aking bibig sa kakatawa.

"Your not funny!! Ano ba! Beatriz! Kunin mo na ako dito!" 

This is it. Sege nga -- pag ako tinawag niya ng babe tonight ibig sabihin mahal niya pa talaga ako. Pustahan pa tayo o! 

"Hindi kita madinig, Babe!" umpisa kong pang-aasar sa kanya. Nakasandal lang ako sa pintuan habang hawak-hawak ko ang mga gamit para sana kunin siya sa chopper.

"Kunin mo na ako dito!!!" galit na sabi ni kumander.

"Hmm nope! I still didn't hear you, Babe!" saka pakamot kamot ako ng kilay dahil na iinip na ako sa magic word na yun. Tsk!

"Kunin mo na ako dito--- p-please!" nanginginig na sa takot ang boses niya ngayon. Hahakbang na sana ako para puntahan siya pero agad ko din iyong binawi.

I still didn't hear it.

"Hmmm -- mahina talaga boses mo dito, Babe!" di ako mag gigive up!

"Ano ba Bea! Kung gusto mo akong patayin sa takot dito sana inihulog -- ahhhh -- please please Beatriz! Kunin mo na ako dito! Natatakot na talaga ako!!" pagmamaka awa na ni Jho.

Sumilip ulit ako at kita ko  na tinatakpan na niya ang kanyang tainga at nagpalinga-linga pa siya. Sa tuwing kikidlat kasi ay naaninag ko siya sa chopper.

"Hindi nga kasi kita madinig, Babe!"  konting-tiis nalang Bea.

"Please, kunin mo na ako dito---B-Babe."   

Nang madinig ko yun ay agad akong nag martsa papunta sa chopper at kinuha siya. Nanginginig na siya sa takot kaya naman kinuha ko yung jacket at pinatong ko sa kanya saka ko siya pinasampa sa likod ko.

The Greatest Story Ever Told (JhoBea Fanfic)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang