GUSTO KITA

4.2K 97 16
                                    

Kahit sabihin na mali ako
Alipin mo o bihag mo
Ako'y iyong iyo
Kung pag-ibig lang
Ang pag-uusapan
Di ko na ililihim pa
Ang damdamin ko sayo
Sa akin ay gusto kita...  

Bea POV

Everything go along with the plan. Pumayag naman si Bryan sa plano namin at isasagawa na din agad ang over-all check up niya next week.

Sobrang saya namin ni Jho when he said yes pati na rin ang mga kaibigan namin. Well, Bryan is a nice guy, may hawig din siya kay Jho and he is so cool. Agad ko din siyang naka sundo maging ang kanyang bestfriend na si Brix. 

Nakagaanan ko din agad ng loob dahil may pagkakaparehas kami ng trip sa buhay. Mahilig siyang magluto at sa mga musika. Dami nga naming napag usapan tungkol sa mga hobbies namin.

Kinabukasan, nag aya sila Maki, Jia at Maddie na pumunta ng beach para naman masulit daw nila ang bakasyon dito sa Batangas. Actually, sobrang daming magagandang beach resort dito kaya hindi na namin pinoproblema kung saan kami pupunta.

Nag aya din si Jho kina Brix at Bryan para naman daw mas maka bonding pa namin ito.

Tanging si Carlos lang ang hindi nakasama dahil may meeting siya sa mga investors ng mga mangga mamayang lunch time pero hahabol din naman siya pagtapos nun.

"Sunblock Babe, you need this." Winagayway pa ni Jho ang cream na dadalhin.

Napatingin ako kay Jho habang busy siya sa pag pe prepare ng mga gamit namin. Mag oovernight kasi daw kaya may mga baon kaming damit.

"Bakit? May nakalimutan ka pa bang ilagay sa bag?" She asked.

I shook my head and suppress my smile.

I guess mas kailangan mo ang sunblock, Babe. Gusto ko sanang sabihin but I choose not to dahil baka ikalat lang niya mga damit ko sa sahig. Mahirap na pag ma beastmode tong asawa ko.

Sabay kaming napalingon sa pintuan nang biglang bumulaga doon si Maddie at Maki na ready at excited na.

"Hey Lovebirds, okay na ba kayo? Let's go.. nag aantay na silang lahat sa labas." Sabi ni Maki.

Tumayo na rin ako sa pagkakaupo at kinuha ang bag na prinepare ni Jho saka umakbay. Sabay na kaming apat na bumaba ng kwarto.

Pakanta kanta pa sila Maki at Maddie habang naglalakad kami palabas ng bahay.

"Im so excited." Ngiting bulong ni Jho kaya napalingon ako sa kanila.

"Me too." I said and kiss her on the forehead. Inihilig naman niya ang kanyang ulo sa balikat ko.

------------

Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa resorts. Ayos din tong pinili nila Jia at Lu dahil exclusive lang talaga sa amin kaya magagawa namin lahat ng gusto naming kalokohan. Pero joke lang yun, behave naman kami.

Nagkanya kanya na rin kami punta sa aming mga kwarto. Apat na kwarto ang kina uupahan namin. Sila Brix at Bryan sa kabilang banda, magkasama naman sila Jia, Maddie at Maki sa tabi ng kwarto namin at sila Lu at ang kanyang mag-ama na dadating mamayang gabi.

"Kapagod!" Agad na bulalas ni Jho ng maka upo na siya sa kama. Naka sunod lang ako sa kanya habang bitbit ko ang mga gamit namin.

I put our bags down saka tinabihan ko siyang nakahiga sa kama. Agad akong yumakap at sumiksik sa kanyang leeg.

The Greatest Story Ever Told (JhoBea Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon