ONLY LOVE (part 2)

3.8K 92 12
                                    

But I believe that you and me
The sun will shine one day.

Bea POV

Napapikit ako sa pagod ngayon habang yakap ko si Jho. Nakadantay ang kanyang paa sa hita ko at nakapatong ang kanyang ulo sa aking braso habang yakap yakap ako sa ilalim ng kumot na hanggang dibdib lang namin.

She keeps on tickling me with her small kisses na siyang ikinangiti ko. 

"Babe!" saway ko sa kanya pero hindi pa din siya tumitigil. Natatawa lang din siya sa kanyang ginagawa.

Andito kami ngayon sa private room ng kanyang opisina. It is meant to be na kwarto niya sa tuwing may overtime siya at ayaw na niyang umuwi o di kaya gusto niya munang magpahinga. 

"I.miss.you." sabi niya at may halik sa bawat sambit ng salita. 

Napangiti ako dun kaya mas niyakap ko pa siya.

"Miss na miss din kita." sabi ko sa kanya then I kissed her on her forehead then to her lips. Sumilay naman ang kanyang ngiti matapos kong gawin yun.

"I'm sorry kung naging busy ako ha." biglang sambit ni Jho sabay ng pagsiksik niya sa leeg ko. "Kung medyo nawawalan ako ng oras sayo. I hope you understand." 

Hinagod ko naman ang kanyang braso at saka hinalikan siya sa kanyang ulo.

"Naiintindihan ko naman eh but I'm sorry if I took a little time on you right now, sobrang miss lang talaga kita." hingi ko ding paumanhin. Alam ko namang importante sa kanya ang bawat minuto ng kanyang trabaho but here she is, nasa tabi ko ngayon.

Tinulak niya ako ng konti saka napangiting tiningnan ako.

"Ako nga dapat mag thank you kasi naka pagbreaktime ako sa trabaho." Then we smiled at each other.

"Babe?" tawag pansin ko sa kanya habang nakayakap na siya sa akin ngayon. "May problema ba sa company?" 

Medyo nabigla siya sa tanong ko kaya hindi agad siya nakasagot.

"Bakit mo naman natanong?" tanong niya sa akin.

"Wala lang. Hindi ka naman kasi nagsasabi sa akin tungkol dun sa ginagawa mo. It's always Sarah who handles all the papers." Medyo tampo kong sabi sa kanya. Totoo naman kasi,halos hindi na sa akin finoforward yung mga papel na lalabas at papasok sa opisina niya.

"It's because galing yun kay Daddy and Sarah is his secretary kaya daritso na yun sa akin and since ako din yung acting CEO ng company kaya ako na yung gumagawa ng trabaho ni Daddy." Paliwanag naman ni Jho na siyang ikina intindi ko na.

Napabuntong hininga nalang ako matapos niyang magsalita.

"Don't worry Babe, konting tiis nalang matatapos na din tong trabahong to and gusto ko magbakasyon tayo. Saan mo gusto?" Tanong niya.

Ngumiti ako sa kanya at pinisil ko ang kanyang ilong.

"Whenever Im with you Jho, sobrang sapat na po." Saka ko siya hinalikan sa labi.

"Sweet!" Nagtawanan kami pareho saka ko siya niyakap.

"Um.. Maam Jho." Tawag ko. Everytime kasi may gusto akong sabihin sa kanya na may kinalaman ang trabaho ko ay tatawagin ko siyang "maam".

"Hmm?" Ungol niya na hinahalikan na ako sa aking leeg.

"Pwede ba akong mag half day?"

"Bakit?" Parang naramdaman kong nilalagyan na niya ako ng kiss mark sa leeg.

"Mag go grocery lang, diba nga your my date tonight." Pagreremind ko sa kanya.

"Hmmm? Okay. Sa condo ka ba matutulog, wala si Jia ngayon." Medyo seductive niyang sabi sa akin na nag uumpisa ng gumala ang kanyang kamay sa dibdib.

The Greatest Story Ever Told (JhoBea Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon