Chapter 12

9 1 2
                                    

Gab's POV

*TOK TOK TOK***

"Gab! Gab!"

"Ano ka ba, Ava! Dahan dahanin mo naman!"

"Aba! Tanghali na yan."

"Alam mo kagabi ka pa!"

Nagising ako sa maagang away ni Cali at Ava. Kaya dahan dahan akong bumangon. Umupo ng mga isang minuto. At saka binuksan ang pinto. Halatang nagulat naman sila pareho at natahimik.

"Ang aga aga naman 'yan."

"Goodmorning!" si Cali at Ava.

Hindi ko pinansin ang pagbati sa kanila at bumaba ng hagdan.

"Diba aalis ka?" tanong ni Ava habang sumusunod sakin kasabay ni Cali.

O____o

Oo nga pala---

Binilisan ko ang kilos ko. Nag toothbrush, nag almusal, naligo at nagbihis ng mabilisan. HINDI AKO PWEDENG MA-LATE.

Every Saturday kasi ang meeting ng Student Council. At hindi talaga nakabuti sakin 'yon! Dahil don, nabibitin ang tulog ko -___-

Pumasok na ko at iniwan ang dalawa sa bahay. Tumakbo ako papuntamg SC office. Oo, may sarili kaming office.

"Yeah, Masquerade Ball." sabi ni Clyde. Ang President ng SC.

WOW! Nandito sya. Infairness.

"Oh, Vice!" bati sakin ni Jonas. "Mukang puyat ka ngayon ha."

Nginitian ko lang sya at saka umupo.

"Should I have to restart again the agenda?" tanong ni Clyde na nakatingin sakin.

Tsk! Akala mo naman boss! Nahuli lang konti, pabibo masyado.

"No.. Continue. Kaya ko namang sabayan." - -,

Kumunot noo sya.

HAHAHAHAHA ^--___--^

"Okay. So yun nga, magkakaron tayo ng Masquerade Ball. It will serve as our acquaintance party."

Halata namang excited ang lahat. Madalas talagang gawin ang mga ganitong activities kapag June or July.

"Any suggestion, please?"

Nagtaas ako ng kamay dahil trip ko sya.

"Yes?"

"How could it be called Acquaintance Party, if it is a Masquerade Ball?"

Medyo natawa naman ang ilan. Engot talaga 'tong Presidente na 'to.

"Pwede naman ah!" inis na sagot nya.

"Wala naman akong sinabing hindi pwede. Tinatanong ko lang.."

"Nagtatanong ka ba o masyado ka lang pasikat!" pagtataas nya ng tono na para bang naghahamon sya ng away, na para namang papatulan ko.

Well, HA HA HA sayo Mister President!
- -,

"Excuse me.." lingon ko sa kanila, "I'm just asking here."

"No--"

"No, Mr. President, you're asking for suggestion, right?"

"And that's not a suggestion. That's an insult!"

"Guys, wait. Kaya nga tayo nagmemeeting diba? To share pur thoughts about this." sabat naman ni Oli.

Si Oli lagi ang referee namin. Hindi lang isanh beses nangyare 'to. Marami na. Kaya naging ugali ko na rin ang hindi magpatalo. Although this time, alam kong medyo naguilt ako kasi alam kong trip yung motive ko. Pero seryoso ako sa tinanong ko.

"Ito kasi e! Akala mo kung sino! Late na ngang dumating tapos aangasan pa ko dito!"

'Yan ang ugaling ayaw ko sa lahat. Na parang pinapakita nya pa na sya ang hari dito! Aba!

"No, Clyde. Gab has a point. This is about the 'Acquaintance Party' , it means we have to be acquainted. Pano naman natin makikilala ang iba kung naka maskara tayong lahat." sabat ni Lexi.

Narinig ko ang bungisngisan ng iba pero sa twing lilingon naman ako ay tumitigil sila.

"Tama nga naman." si Jonas.

Tumingin ako kay Clyde. At kulang nalang ay umusok na ang ilong nya sa galit. Pero hindi ako tumawa. Padabog na inayos ni Clyde ang papel sa harapan nya, kinuha iyon at saka nagwalk out.

'Bakla!'

Si Clyde ang pinaka ayokong estudyante dito sa TU. Hindi ko alam kung anong nagustuhan ng mga estudyante at sya ang binoto. At ngayon, nagsisisi din naman silang lahat. Dahil since na umupo as a SC President, e naging untouchable na masyado. Feeling nya siguro sya na ang Dean! Inis talaga ko sa kanya. Hindi sya bakla na matatawag. Pero parang. Parang bakla. Hindi naman nya inamin e, kahit inaasar na sya never syang umamin.

"Hayaan na natin sya." si Oli. Pumunta sya sa unahan. Mas okay na sya ang magpaliwanag. Tumingin sya sakin na parang 'okay-lang-ba-na-ako-dito-look'. Tumango naman ako.

Nagsimula syang magpaliwanag. In the end, grinab nila ang suggestion ko. Sabi ko kasi, Foam Party nalang para medyo unique. Although ginagawa na din 'to ng colleges around Manila, but not the universities. So I think maganda dim kung maexperience din ng mga univ students.

Pauwi na sana ko nang biglang may tumawag sakin. Nilingon ko.

"I'm Ruish, and he is Jacob." turo naman nya sa kasama nya. "Nahihiya kasi si Seb e." turo nya sa malayo, natanaw ko si Seb na nakasimangot sa direksyon namin.

"Hmm?"

"A-Ah." kumamot naman sya sa ulo na tumitingin tingin kay Jacob.

"Ahh oo nga pala. Tutal magkakaharap na tayo, diba kayong tatlo ay Catastrophe Band?"

Tumango naman silang dalawa. Napansin kong papalapit si Seb.

"Magkakaroon ng event. Pwede ba kayong magperform?"

"Ha? Kelan ba?" si Jacob.

"Baka next two weeks pa naman. Kaya be ready."

"Kaya lang yun nga ang problema namin. Kulang kami. Itatanong sana namin sayo kung may alam ka na musicians? Kulang na kasi kami. Dalawa lang kami ni Seb na 3rd year and the rest is graduating na. May nakuha na kaming bassist, ito.." si Jacob, "Pero still kulang parin kami e." paliwanag ni Ruish.

"So ilan at ano ba ang kulang sa inyo?"

"Dalawa sana. Pianist at drummer."

"Sige. Hahanap ako."

"Sige. Thank you."

"Basta make sure na tutugtog kayo ha." tumingin ako kay Seb.

"Ano nanamang tinitingin tingin mo?" singhal nya.

d>.<b

Anong ginawa ko sayo, fool you?!

"Sige na, mauuna na ko."

Tinalikuran ko na silang lahat. Kailangan ko na ring umuwi dahil sasamahan pa namin si Ava sa pagpapasalamin nya.

Kinuha ko na ang bike ko at tumungo pauwi.

*****************************

Please support this story. I'm open for any comments. I need your review for this story.

Thank you. Please vote!!

-rocogtrst

You can follow me on:

FB: http://www.facebook.com/gabm8833

Instagram: colenetvo

THANK YOU HOPE YOU JUST NOT LIKE IT BUT LOVE IT!

No String AttachWhere stories live. Discover now