Chapter 6

14 2 0
                                    

Seb's POV

"Nasan ka ba?!!!!" sigaw ni Jacob sa kabilang linya.

Tsk. Pinapainit nya lang ang ulo ko. Ba't ang lamig masyado ngayon. Buti nalang at nakajacket ako.

"Wag kang sumigaw. Nandito na ko, papasok na ng hallway." Then I hang up.

Naglakad na ko papasok ng hallway. Dahan dahan akong napalakad nang matanaw ko sa unahan ko si Vice este si Gab.

O___O Ano 'yung nasa baba ng likod nya?

Medyo nagpanic ako. At napapatadyak pa. Titigil hihinto ang paglakad ko dahil halos 10 metro lang ang layo ko sa kanya.

Lumakad ako papalapit sa kanya. Naramdaman kong bumagal ang paglakad nya kaya naglaylo ako. Maya maya binilisan naman nya ang lakad kaya halos hinabol ko sya.

Bigla syang tumigil kaya naman dahilan yun na mabunggo ko sya. Tsk.

Lumingon sya at naging creepy ang dating sakin. Hindi ako nagpahalata. Hinubad ko ang jacket ko. At pinalibot sa bewang nya saka ko tinali.

I can't believe that I'm doing this. Tsk.

"What the hell are you doing?!" angal nya.

"You have a period." deretsong sagot ko.

Nagulat sya. Medyo nagpanic sya pero pinipigilan nya.

"Wala pa man din akong--"

Di ko na sya pinatapos at hinila ko na sya. Baliw ka, Seb. Why you're being like that?

Hinila ko sya hanggang sa canteen. Sa tabi nun, may Wellness Store na tinatawag. Dun binibili ang sanitary napkins, facial wash at kung ano ano pa.

"Give me one sanitary napkin." tumitig muna yung nasa counter at natatawa.

Hell! Saka ko lang naisip na dapat si Vice nalang ang pinabili ko. Tsk. Badtrip talaga.

Nagtitinginan samin ang mga estudyante at mga nagbubulungan pa.

"Nakakakilig sila no? Imagine si Kuya pa talaga ang bumili para sa kanya." bulong ng nasa likod ko.

Malisyosa.

"Oh!" singhal ko kay Gab habang inaabot ang sanitary napkin sa kanya. "Aalis na ko. Ibalik mo nalang yang jacket ko after ng klase mo."

Saka ko sya tinalikuran. Di sya umimik. Di sya umangal. Kaya nilingon ko sya. Kinukusot nya ang mga mata nya. At mukang inaantok pa sya.

Para syang bata. Pero pag may topak, akala mo kung sino. Hmp!

Nilapitan ko ulit sya.
"Tara nga! Sasamahan na kita!" singhal ko pa.

Tumayo sya. "Wag na." mahinang sagot nya saka ako tinalikuran.

"Tsk. Tara na. Wag ka nang maarte. Tara sa cr."

Sinamahan ko sya hanggang sa makapagbihis sya. Pero paglabas nya ng cr, antok pa rin sya.

Ano bang pinagpupuyatan nito?

Nakakaawa.
"Salamat." nagulat ako sa nasabi nya.

Di ako umimik.

"Mauna na ko." paalam nya habang nakatitig sya sakin.

Ginulo ko ang buhok nya saka ko sya nginitian.

"Anong ginagawa mo?" she frowned. Dahilan para itaas ko ang kamay ko mula sa ulo nya.

No String AttachWhere stories live. Discover now