Chapter 4

13 2 0
                                    

Seb's POV

"Crap that girl!" I expressed. Habang pinapatuyo ko ang buhok ko sa comfort room.

"You should be thankful." ngisi ni Jacob habang tinitingnan ako sa salamin. "Ang lakas mo naman kasing pumwesto sa 10ft e." sabay tawa ng malakas.

Tiningnan ko sya ng masama. "You know what? Kasalanan nyo 'to e! Kung di nyo ko tinulak, di ako mahuhulog!"

"At kung di ka nahulog, di ka malulunod?" mas nainis ako sa malakas na tawa ni Ruish. "I can't believe na di ka pala marunong lumangoy tol!" pinagpatuloy nya ang pagtawa nya.

Tiningnan ko sya ng masama. Hanggang sa makatapos syang tumawa.

Pinahiya talaga ko ng babaeng 'yon. Psh.

Lumabas na kami ng comfort room nang mahunasan na ako. Hindi dahil sa hindi ako marunong lumangoy, takot lang ako sa tubig!

"Dyan na kayo." sabi ko sa kanila saka ko sila tinalikuran

"San ka pupunta?" pagtatakang tanong ni Ruish.

"Gagawa pa ko ng floor plan. Ayokong magbulakbol ngayon. Wag ngayon, mga pre."

"Basic lang sayo 'yan, ikaw pa. If I were you, mas magppractice akong magswimming." pang aasar ni Jacob sabay tawa.

Nakakainis talaga yung tawa ni Jacob pakshet.

Iniwan ko sila ng nagtatawanan. Mga lintek sila! Pumunta ko sa library para simulan ang floor plan para sa exercise namin para bukas.

Habang gumagawa, nakita kong papasok ng library si Gab. Kilala ko siya. Syempre Vice President sya ng Student Council. At sa itim nya, kitang kita ko sya! Psh.

Sinundan ko sya ng tingin. Lumapit sya sa librarian para ibigay ang library card nya. Kasabay non, ay nagring ang phone ko. Si Lian tumatawag. Dahilan para mawala sa paningin ko si Gab.

"Hello? Bakit?" nagreact ako ng naiinis.

"Busy ka ba?"

"Obviously yes. I'm on a mission. Bye. Mamaya ka na tumawag."

Nilingon ko ang paligid dahil kumawala si Gab sa mga mata ko. Little do I realize that like---- what hell do I care? Bumalik ako sa ginagawa ko.

Pero di pa rin ako mapakali. Bigla kong naramdaman ang creepy ambiance. Dahilan para tamarin ako sa paggawa. Nilapag ko ang lapis ko at lumingon.

Halos mahulog ako sa upuan ng makita ko si Gab na nasa likod ko at NAKATITIG sakin ng masama.     -___-

Ang pangit nya. Tsk.

Tumayo na ko ng biglaan. At nagmadaling lumabas ng library. At sa kamamadali ko, nakabunggo ako.

"Di kasi tumitingin sa dinadaanan!" si... Teka sino ba sya. Yung kaibigan ni Gab na madaldal. I mean yung isa pa.

Lumingon ako kay Gab. At nakita kong kinakawayan nya ang nasa harapan ko. Nagsensayasan sila.

"Kaibigan mo ba si Ga-- este si Vice?"

She frowned at me. Na parang alam ko na ang nasa isip nya. Sasabatin ko na sana sya. Pero bigla syang nagsalita.

"Oo bakit? Uh-huh. Di ba ikaw yung nalunod sa--"

"Pwede ba, sabihin mo dyan sa kaibigan mong pangit, wag masyadong hambog. Akala mo kung sino, tuwang tuwa na ba sya na nakasagip sya ng isang anghel?" ngisi ko sabay simangot ulit, "and please stop spreading a rumor? Tsk. Mga babae talaga." saka ko sya tinalikuran. Wala naman sya nun ah, ba't nya nalaman. Malamang kinwento siguro ni Gab.

Takang taka sya bago ko sya iniwan sa kinakatayuan nya. Siguro maging sya eh hindi alam ang kalokohan ng kaibigan nya.

Pumasok na ko sa Engineering class ko. At nakakatamad talaga pag July. Di ko gusto ang ambiance ng panahon. Masarap matulog. Masarap magpahinga. Malapit nanaman ang Intrams at kung ano ano pang activities.

Naglalakad na ko sa hallway nang matanaw ko si Lian palapit sakin. Bestfriend ko sya. Magulong bestfriend.

"San ka ba galing?" tanong ni Lian.

"San pa, edi sa klase ko. Saka bakit ba ang kulit mo these days? Tawag ka ng tawag!"

"Ha? Bakit? Lagi naman talaga kitang tinatawagan ah. At look, ngayon ka lang nagreklamo ng ganyan. May nangyare ba?"

Umiwas ako ng tingin. Kalahi din sya ng mga tropa kong ugok! Aasarin lang ako nito pag sinabi ko pang nalunod ako. Psh.
"Psh. Tara na. 6pm na din. Iuuwi na kita. Kamusta ang thesis mo?" nagtataka ang ekspresyon nya pero lumiwanag yun nang kamustahin ko na sya.

"Okay naman. Alam mo ba...." nagsimula na syang magkwento habang naglalakad kami pauwi.

Kababata ko si Lian. Sa lahat ng oras, matatakbuhan nya ko. Psh, mas kailangan nya ko kesa sa kailangan ko sya. Malamang. Sya rin ang nag orient sakin ng course ko. Ewan ko ba, nung una ayaw ko ng Engineering kasi mahirap daw ang every level. Pero naging interesting para sakin.

Salamat kay Lian. Akala ko magiging in vain ang pag aaral ko. Siraulo kasi ako nung highschool.

Napukaw ang atensyon ko, nang matanaw ko sa malayo si Gab. May kausap syang lalaki. Mas matangkad sa kanya ang lalaki kahit matangkad din si Gab. Naka-cap ang lalaki kaya di ko na nakita ang mukha. Dahil kay Gab din ako nakatingin. Nagulat ako ng bigla nyang sinampal yung lalaki. Hanggang sa tinutulak nya.

Di na ko tumingin pa. Baka boyfriend nya.

Pero ewan ko, bigla akong nacurious. Kaya binalik ko ang tingin sa kanila. At ngayon, kinwelyuhan nya na ang lalaki. Psh.

Ngayon ko lang syang nakitang ganyan.

Sadista.
War freak.

No String AttachWhere stories live. Discover now