Chapter 13

2 0 0
                                    

Cali's POV

"Mauna na ko." paalam ko kina Gab at Ava.

"Kailangan ba talaga mauna kana? Masyado pang maaga ah." si Ava.

"Oo e. Mahirap na pag na-late ako. Baka kung ano pang ipagawa sakin ng direktor na yun!"

Sinuot ko na ang sapatos ko, kinuha ang bike saka dumiretso na sa school.

Dumiretso na din ako sa Director's office. Sa labas ng office, nasa informant desk ang secretary nya.

"Goodmorning. Excuse me?" bati ko

"Calirina Fuente, right?" tumango naman ako, "There is no instruction was given. Wala pa kasi si Sir e. Di pa tumatawag."

"Ganun ba?" I replied.

Naghintay nalang ako na kasama nya sa informant desk. Medyo kinakabahan ako, baka kung ang ipagawa nya e!

Kinuha ng secretary ang phone nya at saka nagdial. Lumayo sya sakin ng kaunti.

"Hello, Sir goodmorning po......Ah san po?....Okay po...Sige po....Kakarating nya lang po..." sabay tingin sakin. "...Sige po." saka nya binaba ang phone nya at lumapit sakin. "Pumunta ka daw ngayon sa Chill Out Food Park."

O___o

"P-Po?"

"Pumunta ka daw sa Chill Out Food Park sabi ni Sir."

"Ba't po kaya 'don?"

"May meeting kasi si Sir. And he needs you."

Medyo kinabahan ako don. Akala ko ba school assistant ako? E bat parang chaperone ata ako ng isang yon! Humanda ka sakin, direktor!

Kinuha ko ang bag ko at pumunta sa sinabi sakin ng secretary.

Tanaw ko na sya agad kahit hindi pa ako gaanong nakakapasok sa food park. Mag isa lang sya dun at nagkakape.

Pumasok ako. Nilapitan ko sya. At tumingin sya sa orasan nya.

"Ganun ba kalayo ang food park na 'to sa university?"

d-.-b

"Have a seat."

Umupo lang ako.

"Bakit ba tayo nandito? Akala ko ba school assistant mo ko?!" sabi ko.

Nagtinginan ang mga tao sa paligid namin. Habang sya nginingitian lang ang mga 'yon. Tss. Hambog!

"I have a meeting."

"Pwede mo naman akong utusan nalang sa office mo ah! May pa foodpark foodpark ka pa!"

"Pwede mo rin namang sabihin yan sakin ng hindi nakasigaw diba?" humigop sya ng kape nya. "You don't need to shout. Wala tayo sa office, okay?"

"So ibig sabihin ba sinisigawan nya si Sir sa mismong office nya?"

"Oo nga. E diba estudyante lang yan?"

"Oo nga e bat ganyan sya umasta?"

"No girls, hindi nya siguro kilala ang kausap nya!"

Bulungan ng mga taong nakapaligid sakin. Agad ko silang nilingon laya natahimik agad sila.

"Tsk." ako. Ako? Naiinis na ko.

Parang mas tatanggapin ko pa ang expulsion sa school kesa maging chaperone ng isang 'to!

"Okay." tumayo sya at hinila ako palabas ng foodpark. "Let's go."

"See? Si Sir pa ang nag adjust!"

"I can't believe he's doing this!"

"Oo nga! Hindi nya yan kailangang gawin!"

Bulungan pa ng iba. Nakita kong kinuha ni director ang phone nya sa bulsa ng suit nya.

"Hello? Nasan kana ba? Trip mo bang pag antayin ako?....What?!!!...Fvck you!" sabay baba ng phone.

Naramdaman kong medyo nabadtrip sya sa kausap nya sa phone. Hell, this can't be.

Sinakay nya ko sa sasakyan at tahimik lang akong nakatingin sa dashboard. Matagal din bago sya magsalita.

"If you're not comfortable being with me then speak up." saka nya inistart ang engine ng kotse nya.

"H-Hindi naman sa ganun, Sir. K-Kaso, I think, this is so---"

"So you're comfortable. Yun lang ang tinatanong ko."

Seryoso sya kaya hindi na ko umimik. Pinaandar na nya ang kotse.

"Pupunta tayo sa Starbucks."

Napabuntong hininga nalang ako.

Nang makarating kami ng SB. Napansin kong dalawang motor lang ang nandoon. Napansin ko ang isang lalaki na nasa isang motor sa kaliwa.

At parang kilala ko sya.

Nakacap sya. Nakaitim at nakatalikod sakin kaya di ko rin makilala.

Pero parang kilalang kilala ko ang kabuuan nya.

"Hello?" nabaling ang atensyon ko kay Director. "Nandito na ko.....Hell---what?" tumingin sya sakin at tumanaw sa may bintana saka binalik ang tingin sakin. "..I see. So next time nalang?... Sige, sige."

Saka nya binaba ang phone.

"Alam mo? Ang malas ko pag kasama kita." saka nya pinaandar ang kotse palayo sa SB.

Tinanaw ko yung lalaki, pero wala na sya dun sa motor.

"Bakit naman ako?"

"Because this is the first time na postponed ang lahat ng meetings ko."

Malay ko dyan?

"Pakealam ko dyan, at sayo?"

Tiningnan nya ko ng masama.

Prineno nya ng malakas ang sasakyan nya kaya muntik na kong mauntog sa dashboard nya.

"Pwede ba!!!!" sigaw ko.

"At pwede ba galangin mo ko bilang direktor mo. It's not good if you're on the higher voice than me. You're so insensitive. Ganyan ka ba kaisip bata? Saka you know what?.." hinahampas hampas nya ang steering wheel nya, "..--okay. I'll stop." he only sighed for awhile and started the engine.

Bipolar?

Baliw -____-

*****************************

Please support this story. I'm open for any comments. I need your review for this story.

Thank you. Please vote!!

-rocogtrst

You can follow me on:

FB: http://www.facebook.com/gabm8833

Instagram: colenetvo

THANK YOU HOPE YOU JUST NOT LIKE IT BUT LOVE IT!

Ai ajuns la finalul capitolelor publicate.

⏰ Ultima actualizare: Dec 04, 2018 ⏰

Adaugă această povestire la Biblioteca ta pentru a primi notificări despre capitolele noi!

No String AttachUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum