Chapter 7

10 1 0
                                    

Ava's POV

Napatulala nalang ako ng pumasok sa kwarto ni Cali. Balak ko sanang mag sorry. Pero nakita kong pinapagalitan sya ni Gab kaya di muna ako pumasok.

"Pano kung pinatulan kang gunggong na yun?!" singhal nya kay Cali.

Sumimangot lang si Cali. Pero kahit ako ay nagulat sa ginawa nya. Never syang nakipag away. Madalas naman kasi gumaganti ako sa kaaway ko. Pero yung kanina di ko nagawang lumaban.

"Tsk! Basta! Mali pa rin sya. Di nya dapat ginawa yun. Dapat lang yon sa gagong tulad nya!" naghalukipkip sya. Saka sya napalingon sa direksyon ko. "A-Ava."

Napalingon din agad si Gab. Sumenyas sakin, kaya pumasok ako.

Umupo ako sa kama ni Cali.

"Sorry." sabi ko.

Binigyan nila ko nang sweet na tingin. Saka nila ko tinapik.
"Magkwento ka nga, ano bang nangyare?"

"Eh kasi. Yung lalakeng yon.." tumaas bigla ang presyon ko. "Anak sya ng ka negosyo ni Mommy. Alam ko malaki ang pagkakautang ng kompanya. Pero nasisiguro kong walang kinalaman si Mommy dun lalo na sa pera. Yung lalaking yun, sinisisi si Mommy. Kaya nagkasagutan kami. Hanggang yun na, umabot na nga sa ganon."

"See, Gab? Sinong mali?" angal mi Cali.

"Oo alam ko. Pero sa susunod, magkontrol ka. Babae parin tayo."

Bumuntong hininga nalang si Cali. Na para bang pagiging mahina ang pagiging babae. Hell, no!

"Osya. Basta guys, Ava." parang special mention yung tawag nya na yon. "Lalo kana. You did great. Pero sa susunod hangga't kaya mong pigilan, wag mo nalang patulan, okay?"

Tumango tango naman ako.

"Sige na. Let's have a group study. Letseng trial balance na yan!" angal ni Gab.

Accounting though.

"Kunin ko lang yung gamit ko." paalam ko.

Bumalik agad ako sa kwarto ni Cali dala ang laptop at bag ko. Nagkwentuhan kami bago pa kami makapagsimula. Puro tawanan pa.

"Napapadalas ang pagtulog nyo dito ah!" angal ni Gab.

Oo nga. May sarili naman kaming bahay ni Cali. Medyo mas malaki pa nga dito. Pero ayaw namin. Mas gusto naming magkakasama. Alam naman ng parents namin na nandito kami. For sure, mas okay pa ngang wala kami sa bahay. Dahil puro business minded ang parents namin ni Cali. Magkasyoso ang parents ko at parents ni Cali.

Wala nang parents si Gab. Lola nya from abroad ang nagpapaaral sa kanya ngayon. Pero kahit ganon, di nya ginagamit yun. Dinderetso nya sa bank account nya. Tutal naman daw ay scholar sya.

"Ito naman! Alam mo naman ang endless reasons namin." sabi ni Cali.

"Biro lang." -Gab

Saming tatlo, walang mahina. Lahat marunong. Pag di kaya ng isa, tinuturuan namin. Katulad nung Jiu-jitsu. Nang mga panahon na yun, kami lang ni Gab ang nagtake ng training na yun. Hanggang sa nainggit na din sya. Kaya sumama na sya. Kilala ko si Cali sa bakbakan. Pero yung ginawa nya kanina, iba yun sa lahat ng pinakita nya nung nagttraining kami. Bigla kong natawa.

"Anong tinatawa tawa mo dyan?" masamang titig ni Cali sakin.

Umiling iling ako. Saka ako nagsimulang magsulat. Ganon din sila.

Cali's POV

"Calirina Fuente of BS Accounting, please proceed to Director's office. Again, Calirina Fuente of BS Accounting, please proceed to Director's Office." pag aannounce sa intercom.

No String AttachTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon