Chapter 9

21 0 0
                                    

Gab's POV

"ANO BA YAAAAAN! ANG TATANGA NYO, MAGMID KAYO!!!" sigaw ni Ava na halos panggigilan ang phone na.

"Hahahaha, puro ka kasi kill. Di kat talaga mananalo nyan!" -Cali.

Masyado silang addict sa ML. Sabagay nakakaadik naman talaga.

"Defeat! Boooo!!" pang aasar kay Ava sala tinapik ito. "Next time wag puro pa-muscle. Mag push ka rin."

"Tss. Naka isang victory ka palang sakin, ang yabang mo na." nakangusong sagot ni Ava.

Tinawanan lang sya ni Cali.

"Tama na yan." sabat ko.

"Di ako papasok bukas."  si Ava.

"Bakit?"

"Magpapasalamin ako."

"Bakit? Di na ba akma sayo yang grado mo? At kailangan mo pang umabsent?" si Cali.

"Oo nga. Saka di ba pwedeng sa weekend nalang?"

"Ang sakit na kaya sa mata."

Malabo na pala e ba't nagcocomputer pa? Tsk.

"Friday na pala bukas." sabi ni Cali at saka sumandal sa sofa.

"O bakit?" tanong ni Ava.

"Sa monday, di na ko masyadong makakasama sa inyo."

"At bakit?" sabat ko

"Eh kasi start na ng pagiging assistant ko sa director's office." saka sya ngumiwi.

Hindi ko talaga maintindihan kung bakit gano'n ang judgment ng Director sa kanya. Bigla akong na-curious.

Hindi kaya may tinatago si Cali na hindi namin alam? Tsk. Erase erase. Wala naman siguro sa ugali nya yon. Tahimik si Cali pero alam ko hindi sya magtatago ng sikreto samin. Kahit sa ano pang dahilan.

---Friday****

Isang subject lang kami pag friday. Kaya madalas after class dumederetso kami lagi sa starbucks. Tapos mag aarcade, tapos saka matutulog. Friday ngayon, pero mukang hindi namin magagawa 'yon.

Naglalakad kaming tatlo ni Cali at Ava. Nang biglang may humila sa bag ko.

Nilingon ko. Si jacket-guy.

"Hoy! Seb!" tawag sa kanya ng paparating nyang kaibigan. I think that's Jack? Jash? Letse. Whatever.

So Seb pala ang pangalan ni Jacket guy. Tss. Panget!

"Pwede ba bitawan mo ang bag ko." utos ko

"At pwede ba? Yung jacket ko?!!" singhal nya. "Ilang araw na kitang nakikita sa hallway, sa canteen, hanggang ngayon di mo pa binabalik!"

O_____O

Halatang nagulat din si Cali at Ava sa narinig nila. Tss. Uusisain nanaman nila ko.

Nakalimutan ko!

"Sa monday na. Hindi ko nadala e." sinimangutan ko sya.

"Tsk! Sige." -Seb.

Tinalikuran ko na sya saka lumakad pero bigla nanaman nyang hinila ang bag ko.

Hayup!

"Pwede ba? Tawagin mo nalang ako sa pangalan ko. Masisira ang bag ko sayo e!" singhal ko.

"Teka." lumapit sya sakin. Limang metro ang layo nya sakin pero lumapit pa sya lalo dahilan para mapaatras ako. Na parang naliliitan na din ako sa sarili ko dahil matangkad sya. Tinapat nya ang bibig nya sa tenga ko. "Susunduin kita sa room nyo mamaya." saka nya kami iniwanan. Tatawa tawa naan yung kaibigan nya bago kami maiwan.

No String AttachWhere stories live. Discover now