Chapter 10

12 0 0
                                    

Gab's POV

Akala ko makakapagpahinga na ko! Scumbag ang lalaking 'to!

"Tss. San ba tayo pupunta?" inis na tanong ko.

"Nagddrive ako, wag kang magulo."

Psh! Kanina pa sya nagddrive! Feeling ko nga ang layo layo na namin. Nasa Glory na kame! Paaabutin pa ata ng Fairview!

Kinuha ko nalang ang phone ko. At nag mobile legends.

Nangingiti ako sa isip ko. Kasi aa wakas makakapaglaro ako. Kahit hindi maayos, atleast nagka time ako. Di kasi ako makapaglaro sa bahay, bukod sa inaasikaso ko sila Cali at Ava, e nag aaral pa ko. Ayoko kasing manaya sa pagkakataon na meron ako lalo na sa pag aaral.

"Anong ginagawa mo?" biglang tanong ni Seb na lumilingon lingon sa daan at sakin.

"Pake mo. Dalian mo! At mag aaral pa ko." inis na sabi ko saka ko ibinalik ang tingin sa phone ko.

Seb's POV

Tss. Bakit ba naman kasi nagsara pa ang resto ni Julius! Napalayo pa tuloy kami!

Hinahampas hampas ko ang steering wheel ko habang napapailing pa ako. Nakakainis talaga.

"Tss. Ang tanga talaga." inis na sabi ni Gab na animo'y kinakausap ang phone nya.

Mobile legends.

Kaya sa lahat ng online games, yan ang ayoko. Kasi sinisira nya ang sistema mo.

Maya maya pa.
"Nandito na tayo."

Paglingon ko, tulog si Gab. Ngayon ka pa talaga natulog.

Inuga ko sya gamit ang index finger ko.
"Hoy gising." pumungas pungas pa sya bago lumabas ng kotse.

Pinatay ko ang aircon. At kinuha ang phone ko sa dashboard at lumabas na din ako ng kotse.

"Pazar Food Park?" tanong nya saka humikab.

-__-

"Hoy. Pwede ba ayusin mo 'yang buhok mo?" sita ko.

Ganun ba kahangin sa loob ng kotse ko? Tss.

Nag ayos naman sya ng buhok. Habang papasok kami ng food park.

Nang makaupo na kami. Umorder ako ng tig dadalawang Beef Sandwich, Rich Chicken Alfredo Pasta and S'mores Dip. At bumalik na ko sa table namin.

(Author's note: Masarap ho sa Pazar Food Park. Try this one ^.^v)

"Tubig lang ang akin." sabi ni Gab.

Gusto kong mahulog sa upuan. Pagkatapos kong umorder ng ganung kadami?!

d>.<b

"Bakit ano bang inorder mo?" tanong nya

"Tss. Di ko na matandaan!"

"Galit ka ba?"

"H-Ha. Hindi naman. Pero dapat sinabi mo kani----"

"Di ka kasi nagtatanong. Hindi porket masyado akong payat e kailangan kong kumain ng kumain! At isa pa.." tumingin muna sya sakin, "..wala ko sa mood." saka sya umiwas ng tingin.

-_____- <----- Me.

"Bakit kasi--- tss." angal nya

"Nagugutom na kasi ako."

"E bat nandamay ka pa, pwede namang----"

"Sir, Maam. Ito na po ang order nyo. Thank you." biglang dating ng waitress.

"Thank you." sabi ko.

She sighed.

"Kumain ka na."

"Tubig nga lang ang gusto ko. Gusto ko nang umuwi." pagsisimangot nya.

"Di pwede. Kumain ka muna. Saka kita iuuwi pag nakakain ka na."

Hindi na sya umimik pa. Abay dapat lang! Nagsimula na rin syang kumain. Matagal ang pagtahimik naming dalawa. Busy sya sa pagkain nya. Ha! Hindi pala gutom ha. Hahahaha.

Madalas dito kami nagkakainan ni Jacob at Ruish. Suki na kami dito at isa pa, masarap ang mga pagkain dito.

"Ito lang ba ang alam mong kainan dito?" biglang tanong nya.

"Hindi."

Tumitig lang sya sakin kaya napabuntong hininga ako sa tingin nyang yun.

"Sarado kasi kina Julius kaya dito na ko pumunta. Bukod kasi dito, wala na kaming pinagkakainan na---"

"Mm. Okay."

Bastos 'to ah! Nagsasalita pa ko e. Nagkunot noo ako sa kanya pero kumain lang sya at di na nagtanong pa.

Nang matapos na kami. Lumabas na kami ng food park at sumakay sa kotse.

7:39pm.

Na traffic kami.

Gab's POV

Kanina pa ko naiinis. Pero nagpipigil ako. Unang una, ang layo ng pinuntahan namin! Sinasabi ko na nga ba't papaabutin nya to ng Fairview! At ngayon, dahil sa pagpapasikat nya, natraffic pa kame!!

Ayoko sa lahat e ginagabi sa daan lalo na kung non sense lang naman!

"May pupuntahan muna tayo." sabi nya.

Tumingin ako sa kanya ng masama pero hindi sya lumingon. Padabog akong sumandal dahilan para mapalingon talaga sya.

"Baka masira yan." cool pa yung pagkakasabi nya.

Tss. Cool mo ulo mo.

"Kaya kong bilhin yan!" - -,

Hindi sya umimik kaya talagang nagreklamo nako.

"Alam mo, iuwi mo na ko! Hindi nakakatuwa 'to. Sinasadya mo e! Kailangan kong magreview, okay? May quiz pa kami bukas kay Ma'am Paulino. Favorite---- Basta iuwi mo na ko."

Natawa sya sa sinabi ko bago sya nagsalita. "Saglit nga lang, mahalaga yung dadaanan ko. Please. Pagod na rin ako."

Wow! Kasalanan ko pa at pagod sya!



Hindi na ko nakipagtalo sa kanya. Pimagmasdan ko nalang ang mga sasakyan sa bintana. Nakakainis talaga. Sobra!

############

Please support this story. I'm open for any comments. I need your review for this story.

Thank you. Please vote!!

-rocogtrst

No String AttachKde žijí příběhy. Začni objevovat