Chapter 3

9 1 0
                                    

CALI's POV

Sinamahan ako ni Gab sa pool area ng TU. Mamaya pa kasi ang klase namin. Hindi namin kasama si Ava. Kasi may klase sya. Sya lang kasi ang naibang course saming tatlo. Computer Science kasi sya. At kami ni Gab, eh Accounting.

"Excited ako para sa'yo." sabi ni Gab nang hindi ngumingiti, habang papasok na kami ng pool area.

Muka namang di sya masaya.

Sanay na ko sa kanya. Malaking grasya para samin ni Ava ang mapatawa sya. 2 years ago nung makita naming naging masaya sya.

Gagong Perth lang talaga ang sumira sa kaibigan namin.

"Hi, Cali." bati sakin ng mga co-swimmer ko na mga naka rash guard na. Si Gleni at Karen. "Hi, Vice!" bati naman nila kay Gab.

Tumango lang si Gab.

Konti lang ang nasa pool area. Ang nakakainis pa ay may mga lalaki pang nagkakabiruan sa gilid ng pool.

"Babalik kami. Kukunin lang namin yung goggles namin. Karen, let's go.." paalam ni Gleni.

"Eh, ikaw Cali? Di ka pa ba magpapalit?" tanong ni Gab habang nakatingin sa malayo.

Bakit ba sya ganyan? Minsan talaga kinakapa ko pa ang mood nya kung nasa mood ba sya. Tsi. Weird.

"Oo. Magpapalit na ko. Gusto mo bang sumama?"

Hindi sya umimik saka umupo sa may bench don. Siguro ayaw nya. Mukang napagtanto kong mahirap para sa kanya na sabihing hindi kaya dumiretso na ko sa locker room para makapagpalit.

GAB's POV

Ako lang at ang isang grupong nagkakabiruan sa gilid ng pool ang nasa pool area.

Nagdikit ang dalawang kilay ko nang biglang lumingon ang isa sa kanila.

Ang vocalist nanaman ng Catastrophe band. Tsk. Umiwas ako ng tingin.

Nagkakabiruan sila habang tumitingin tingin pa sakin.

Maya maya pa. Narinig kong biglang may nahulog sa pool. Hindi na ko nabigla dahil alam kong mangyayare yun.

Nahulog na ang tsikot na vocalist. Masyado kasing pabibo.

"Fuck!" sigaw ng isa nilang kasama. Lumilingon lingon na parang gustong humingi ng tulong.

Umiwas ako ng tingin.

Ayokong makialam. Problema nila yan.

"Ba't mo kasi tinulak?" sabi nung isa na nagpapanic na.

Tumayo na ko.
Naiinis ako.
Napatalon nalang ako bigla sa pool.

CALI's POV

Pabalik na ko sa pool area. Tanaw ko si Gab na biglang tumayo. Lumapit sya sa pool. At saka tumalon.

Napatakbo ako ng biglaan ng makita ko syang tumalon.

Saka ko lang napansin na may nalulunod pala. Nang masagip sya ni Gab. Inis pa yung lalaki. Hinampas ang tubig at dinuduro ang dalawang lalaki na nasa gilid ng pool.

Inahon sya ni Gab kaya nilapitan ko na din si Gab.

"Ba't mo ko sinagip?", singhal nya kay Gab, gusto kong matawa sa mukha nya. Halatang pinaghaharian sya ng ego nya.

"Fool." sagot ni Gab saka sila tinalikuran.

"You moron!" singhal ko, "You don't even know how to say thank you? O'cmon!"

Kumunot noo naman ang lalaking suminghal kay Gab. Letse to! Siya na nga ang niligtas, nakuha nya pang sigawan si Gab!

"Look.." lumapit sya sakin at tinitigan ako ng buong yabang, "I don't care. Am I asking for help?"

Aba't----

"Cali, let's go. Baka di nya alam ang ginagawa nya. At di nya rin siguro alam na hindi na makakahingi ng tulong ang taong nalulunod na. Wag mo nang patulan ang katangahan ng isang yan." sabay ngisi ni Gab saka ako hinila palabas ng pool area.

Vovo.

Nakita ko sa muka ni Vovo man na pikon na pikon sya. Nakita ko syang aakmang hahabulin pa kami. Pero pinipigilan sya ng mga kaibigan nya.

Buti nalang at lagi akong may extrang damit sa locker ko. Yun na lang ang pinangpalit ko para kay Gab.

Guys nowadays.

No String AttachWhere stories live. Discover now