Chapter 2

18 1 0
                                    

GAB's POV

"Congrats Gab!"

Smile dito, smile don. Di ako sanay nang ganto. Every year nalang ganto pero hanggang ngayon di pa rin ako sanay -__-

"Di ka ba proud sa sarili mo, Gab?" sabi ni Cali

"Di naman sa ganon. Kaya lang kase---"

"Alam mo, sana kasing utak mo nalang ako."

Psh sana nga.

Cali got the third spot sa dean's list. To think na nag mo-Mobile Legends pa yan ha. E ako, kaya ko lang naman nakuha ang first spot e kasi talagang sinubsob ko yung sarili ko.

Kasi gusto kong makaahon.
Na kahit broken ako, kaya ko.
Kahit sa gantong paraan, panalo ako.

"Gab, Cali!!!!" napalingon kami ni Cali sa papalapit na si Ava.

"Ba't ngayon ka lang?" kunot noo kong tanong

"Si Kuya kasi, ang tagal. Kailangan ko pang hintayin. Congrats nga pala Gab. Alam mo, usap usapan ka sa facebook page ng university." reactive na sagot ni Ava with actions pa.

Ngumisi lang ako. Ayoko ng bina brag lalo na ni Ava. Madalas kasi OA na. -__-

"Oo nga pala! Ngayon ang audition for the Band of the Univ. And Gab.." napalingon ako kay Cali. "Pumunta ka daw sa Auditorium para sa audition. Kinuha ka nila as a judge."

"Ha? Ano namang gagawin ko don?"

"Magja judge nga."

Tinamad na kong magtanong. Kaya dumiretso na ko sa auditorium.

Masyadong maaga para magpa audition sila. July palang. Madalas kasi August ginaganap ang mga extra curricular activities na pwedeng salihan ng mga estudyante.

Nakarating kami nila Ava sa Auditorium. Tanaw ko na ang mga nag seset up sa stage. Kasabay non ay nagda dry run na mga bassist at drummers.

Nakakapagtaka at ngayon lang nila ko ininvite sa ganitong audition. Last year kasi, declamation at spoken poetry ang jina-judge ko. Vice-president kasi ako ng Student Council. At kung nahalata nyo, tamad ang President namen. Tsi. -__-

"Akala ko di ka na darating Gab." bati ni Ms. Paulino.

"Sorry po, Maam. Ako nalang po ata ang hinihintay."

"Obviously yes. Lumabas lang si Ms. Gomez. Pero pabalik na rin yun. Let's have a seat." inaya nya ako sa mahabang mesa sa front ng stage. Lumingon ako para senyasan sila Cali at Ava. Umupo naman sila sa audience seats, two rows bago ako.

"This is the contestant's backgrounds. We do this for the new picture of our band. Kasi halos lahat pala ng former band members ay 4th year na. Mas pinili na nila na mag disband at magfocus sa OJT nila. And we understand that." sabi ni Ms. Paulino sabay lingon, "Alright, nandito na din si Ms.Gomez. So let's start."

Tumango naman ako kay Ms.Gomez as my greeting. Umupo na din si Ms.Paulino at tinawag ang first contestant.

When I Dream About You anf kinanta ng unang contestant. Female ang vocalist nila. At ewan ko ba sa kung anong dahilan ay inantok talaga ko.

Habang tumatagal ay dumadami na din ang mga estudyante sa auditorium. Dahilan para maging noisy ang ambiance at biglang uminit.

Napalingon ako sa nagsalita sa bandang likod ko.
"Seb will do the rest, believe me!" may halong kilig ang pagsasalita nya. Bigla syang tumigil nung napansin nyang tumingin ako.

Pumasok na ang fourth contestant for the day. Nabingi akong bigla nang magsigawan ang halos lahat ng nasa auditorium.

Napalingon akong bigla para bisitahin ang kalagayan ni Ava at Cali. And hell, pati si Ava ay sumisigaw at nagccheer. Habang si Cali eh parang inis na inis na. Tsi. Ano pang aasahan ko kay Ava. Eh, halos di ko nga mabilang ang lalaking kinkwento nya ARAW ARAW. Natawa akong bigla. At bumalik ng tingin sa harap.

"Goodmorning, judges." inisa isa kaming tiningnan ng nagsasalita. Tinigil nya bigla ang tingin nya sakin. Kumunot noo ako. Like what, fool? Tatlong segundo bago sya tumingin kay Ms.Gomez. "We are Catastrophe Band, and we aspire to represent Trinity University."

Isang malakas na sigawan ang nangibabaw sa buong auditorium. Feel ko tuloy immuned na yung tenga ko. Nagsimula na silang tumugtog. Pero introduction pa lang...

Intro palang nasaktan na ko.

Yung kanta..

Broken by Secondhand Serenade.

Pinilit kong ngumiti kasi favoritevko yung kanta. Two years ago simula nang huli kong marinig ang kabuuan ng kantang to.

"~Not a million fights could make me hate you, you're invincible" tumitig sakin ang vocalist, dahilan para mainis nanaman ako. "Yes it's true." yung pagkanta nya parang para sakin talaga.

Pero umiwas ako ng tingin at kumunot noo. After then, hindi na ko tumingin. Hindi nila tinapos ang kanta, nilagyan lang nila ng production. They delivered it good. They are amazing. Pero hindi ang vocalist.

Hanggang sa natanggap din sila. After that wala nang ibang naging contestant kaya tumayo na din ako.

"Thank you, Ms. Fajardo." sabi ni Ms. Paulino. Tumango naman ako at ngumiti.

Iniwanan ko na sila Ms. Paulino at hinanap sila Cali at Ava. Pero wala na sila sa upuan nila. Masyadong naging crowded ang Auditorium. Siguro nasa labas na sila.

Naglakad na ko palabas. Medyo masikip pero okay lang hindi ganun kainit kasi may aircon naman.

Nairita ako ng biglang may tumulak sa likod ko. Hindi ganun kalakas pero nainis ako. Di ko nalang napansin.

Medyo nairita na ko nung naulit. Lumingon ako at yung vocalist na nagperform ang nasa harapan ko. Kumunot noo ako.

"Anong problema mo?"

At dahil matangkad sya, hindi nya ko pinansin at halata mong tumatanaw sya sa exit door habang nakikipagsiksikan din.

Ang aga aga para mambwisit. Ang daming tao dito at kung bakit ako pa ang napili nya.

Tsi.

No String AttachWhere stories live. Discover now