Chapter 5

8 2 0
                                    


Perth's POV

"Ba't nandito ka?" mahinahon na tanong ni Gab habang nakatingin sa ibang direksyon.

"G-Gab. Let's talk about it?"

Binaling nya ang tingin nya sakin. "Anong pag uusapan natin?"

"Pag usapan natin lahat. Maaayos pa natin 'to. Alam ko medyo mahirap---"

"Perth! Medyo? Medyo mahirap? Two years? Tapos sasabihin mo MEDYO MAHIRAP? This is a bullshit!" natatawa sya pero alam ko dahil yon sa galit.

"Sorry."

"Alam mo ba kung anong nangyare saken two years ago at kung ano ngayon? Perth! Para mo na kong pinatay!! Buo ang tiwala ko sayo. Pero ano? Ganto? Please, just stop!" nasaktan ako lalo sa pag iyak nya.

Hanggang ngayon nasasaktan pa rin ako sa twing nakikita ko syang ganito. Two years ago was my fuck mistake.

Tinalikuran nya ko pagkatapos nyang bitawan ang mga salita nya. Kaya hinawakan ko sya sa braso para pigilan. Laking gulat ko ng bigla nalang mamanhid ang kaliwa kong pisngi dahil sa lakas ng sampal nya. Sampal na ngayon ko lang naramdaman mula sa kanya. Sampal na galit na galit.

I hate it.
Fool you, Perth hurting this kind of woman na hindi nagloko sayo.

"Gab, please pakinggan mo ko. Alam ko hindi tama ang nagawa ko. Alam ko yun at ngayon pinagsisisihan ko na yun. Please, magbabago na ko. Para sayo. Para satin." naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko.

Kinwelyuhan nya ko. "Magbago ka para sa sarili mo." Binitawan nya ko. "Hindi para sa kahit na sino at lalong hindi dapat para sakin. Ikaw ang unang gumago diba? Pwes! Panindigan mo!"

Saka nya ko tuluyang iniwan sa pagkakatayo ko. Di ko na sya nagawang pigilan pa. Kung pwede lang saluhin ko ang bawat tulo ng luha sa mata nya ginawa ko na.

May dahilan ako kaya ko nagawa yun sa kanya. Pero alam na alam ko, walang wala ang kahit anong dahilan sa nakita ko sa mga mata nya ngayon.

Gab's POV

"Gab, kain na." aya ni Ava.

"Busog ako." tugon ko.

Naramdaman kong nagkatinginan sila ni Cali. Kahit hindi ako tumingin, alam ko.

Iniisip ko parin yung nangyari kanina. Bago ko pa maalala, nagpaalam na ko sa dalawa na aakyat nako sa kwarto ko.

"Gab, may nangyari ba sa school kanina?" pagtatakang tanong ni Cali.

Umiling ako. Ayokong mag alala sila. Ayokong malaman nila na pumunta si Perth at nagpakita sya. Alam ko maaapektuhan sila. Babantayan lang nila ang mga kilos pag nangyari yun.

"No, pagod lang ako." dagdag ko.

"Sige pahinga kana. Baba ka nalang pag nagutom ka na ha?" -Ava

Nang makaakyat ako sa kwarto. Binagsak ko agad ang katawan ko. Heto nanaman ako. Kakausapin ang sarili ko sa mga nangyayari.

Ayokong pakinggan ang mga dahilan nya. Kung ano man yon wala na kong pakealam. Hindi ko lang malubos maisip na binigay ko ang lahat sa kanya. Buong buo ang tiwala ko na hindi nya ko sasaktan. I can't believe that within 5 years eh nagawa nya pa ang ganto sakin.

Nakakagigil! Nakakagigil kasi hanggang dun lang ang kaya kong gawin nang mga oras na nakita ko syang may kahalikang babae. Parang binalak nyang lahat. Binalak nya ang bar-stop-over na nangyare. Ang pagiwan sakin sa kotse. At ang tuluyan kong pagpasok sa bar sa mga oras na yon. Kaya hindi ako maniniwalang hindi nya sinadya ang lahat. Nakakainis dahil pagkatapos kong bitawan ang tiwala ko eh kasama don ay naiba ang paniniwala ko sa maraming bagay.

No String AttachWhere stories live. Discover now