Napalingon ang dalaga sa binatang katabi, "Like what?"

"Nothing," napapangiti niyang sagot sa dalaga at saka itinuon ulit ang tingin sa libro, Jennica's so adorable. Paano pa kaya si Daisy?

"Who wants to answer item number 1?"

"Sir!" taas kamay na sagot ni Jennica.

"Yes, Ms. Perez. The question is... how does William Shakespeare interpret love in his Sonnet 47?"

"Sir, the Sonnet 47 of Shakespeare is an interpretation of the poet's admiration for his patron, his friend. This friend of him is a distance away from him but still, he can feel how he was admired, how he was loved by that person," nakangiting sagot ni Jennica.

Tumango-tango si Sir Mountus at saka nagtanong ulit, "Follow up question, do you know who that friend was?"

"It was the Earl of Pembroke sir."

"I beg to disagree, Ms. Perez," naka-smirk na saad ni Reymond, "I believe that it was the Earl of Southampton."

Jennica rolled her eyes at Reymond and said, "Ikaw si Jennica? Ikaw tinatanong?"

Nagtawanan ang lahat. Iilang tao lang kasi ang may lakas ng loob at kakayahan na barahin ang isa sa mga PS, "That was good, Ms. Perez. Kaya lang tama si Reymond, but if you want to contest your answer then you're free to present me any evidence na para nga sa Earl of Pembroke ang Sonnet 47 ni Shakespeare," naaliw na saad ni Sir Mountus.

Nag-pout na lamang ang dalaga at tiningnan nang masama si Reymond.

"Bleh," pang-aasar naman ng binata.



***



Nang uwian na ay humingi ng pabor si Jennica kay Reymond, "Pwede ko bang bisitahin ang bestfriend ko?"

"No, Jen. You'll be in great danger," saad ni Reymond habang naglalakad sila papunta ng parking lot.

"Please? At saka gusto ko ring bisitahin ang mom at dad ko. Sige na naman, Reymond?" nakasunod lamang si Jennica sa binata habang hinihila-hila niya ang laylayan ng polo nito.

"Hindi ka naaalala ng mga magulang mo."

Napatigil sa paglalakad si Jennica, "A-ano?"

Bumuntong-hininga naman si Reymond saka tumigil din sa paglalakad, "Sasabihin ko sa 'yo mamaya sa Headquarters, it's not safe here."

Bumagsak ang mga balikat ni Jennica at sinabing, "Okay." 

Napatingin si Reymond sa nakabusangot na mukha ng dalaga, "Come on, cheer up."

Ngumiti naman nang pilit si Jennica at tuluyan na silang pumasok ng kotse.

Nang matapos silang mag-seatbelt na dalawa ay nakaramdam bigla si Reymond ng kung anong malamig kanyang leeg. Shit. A knife.

"K-kuya Lence?" nagtatakang sambit ni Jennica nang makita niya sa likuran ng kotse ang kanyang kuya Lence na may hawak na kutsilyo at nakatutok kay Reymond, "Bitawan mo 'yan, kuya!" Pinagsisihan niya na tinawag niya ito dahil nang lingunin siya ng binata ay maitim na mga mata ang sumalubong sa kaniya at parang wala ng buhay.

"Jennica, may nakikita ka bang kung anong bagay nakadikit sa batok niya?" madiin na tanong ni Reymond as he started to think a plan for them to escape.

"H-hindi ko alam, p-pero may kung anong nakadikit sa sa noo niya."

"Ano?"

"I-isang c-camera lens," halos maiyak na sagot ni Jennica.

"He is programmed by someone," huling pahayag ni Reymond bago niya mabilis na kinuha ang baril at kinalabit ang gatilyo nito.

Tumalsik ang dugo ng binatang si Lence sa bistida ni Jennica, "N-no. K-kuya L-lence." Nasapol ito ni Reymond sa noo at agad na napahiga sa back seat ng sasakyan, "No! Kuya—" napatigil si Jennica sa paghagulhol ng makitang unti-unting bumabangon ang katawan ni Lence.

Shit. Iisang tao lang ang alam kong kayang magprogram ng ganitong bagay., Reymond cussed as he pushed Jen out of the car, "Labas, Jennica! Labas!"At saka niya pinaputukan ulit ang ulo ni Lence.



—-



Hello, readers!


If you liked this part, please do Vote. If you have something to say, please do Comment. If you can't do both, please do Share.


Love, SheIsLexa

The Philosopher Stones (Book 1)Where stories live. Discover now