Chapter 14

21 1 0
                                    

Hindi ako makapaniwalang susugod silang lahat sa cafe. What the hell? Nagkape lang ako kasama si Logan. What's wrong? Mabait yung tao kaya ako sumama sa kanya.

Nakaupo lang si Max sa labas ng veranda nya. Nakarating sila ng 6 p. m. Simula nung lumabas si Sam sa Cafe, hindi na nya ito tinignan. Si Sam naman ay sumusulyap sulyap sa kanya kapag may pagkakataon. At noong nakarating na sila sa mansion ay ni isa sa kanyang mga asawa ang hindi nya pinansin.

Alas nuebe na ng gabi at hindi pa sya tinatablan ng antok. Malamig na din sa labas pero hindi nya pa gustong humiga. Masyadong maraming laman ng isip nya para makatulog.

Siguro kailangan kong kausapin si Sam? Kaso hindi ko pa alam ang mga itatanong ko.

Napabuntong hininga sya saka tumayo. Napag-isipan nyang uminom ng mainit na tsokolate lalo na at malamig ang panahon ngayon.

Walang tao sa hallway nung lumabas sya. Kakaunti na lang din ang ilaw na nakabukas. Tinahak nya ag kusina at saka kumuha ng mga sangkap na gagamitin.

Habang hawak hawak ang isang mug ng chocolate, naglakad lakad sya sa labas ng mansion. Wala syang pakialam kung malamig at wala din syang pakialam kung gabi na.

Ano ba ako sayo Sam? Alam mo bang pinapahirapan mo lang ako?

Umupo sya at nilubog ang mga paa sa swimming pool habang hawak ang mug. Tumingala sya sa langit at saka tinignan ang mga bituin.

Ilang minuto syang ganon hanggang sa napagdesisyunan nyang umalis.

Siguro tama nga itong desisyon ko... Para sa ikabubuti ko.

Saka sya naglakad papalayo.
































"Wala kang karapatang utusan ako, Sam gaya ng ginawa mo sa kanya noon. Alam mo bang galit na galit pa rin ako sayo dahil nawala sya sakin ngayon? Tapos ngayong may asawa ka na, di mo pa pinapahalagahan. Anong klase kang lalaki at pinauwi ng mag-isa ang asawa mo habang ganon ang suot?" 

"Kapag nakita ko syang nasasaktan dahil sayo... Kukuhanin ko si Max sayo. Hindi ko ulit hahayaan mangyari yung mga nangyari noon. Dahil sa walang kawalang puso mo, nawalan tayo pareho." 

"Asahan mong gagawa at gagawa ako ng paraan makuha lang sya sayo, Jax." 

Kanina pa umiinom ng alak si Sam simula noong dumating sila ng mansion. Iniisip nya pa lang na mahuhulog si Max kay Logan ay para na din syang pinatay.

Alam kong malaki ang kasalanan ko sayo Max... Pero wag ganito... Wag sa ganitong paraan mo ako saktan.

He's not druk. He's just tipsy. Nasa tamang katinuan pa naman sya. Hindi nya lubos maisip na sya ang iiyak ngayon. Parang bumaliktad ang mga nangyari. Ang kaso... Posibleng suklian ni Logan ang nararamdaman nito sa kanya, kabaliktaran ng ginawa nya noon.

Gagawin ko ang lahat Max. Bumalik ka lang sakin. Tatalikuran ko lahat. Mahalin mo lang ulit ako.

Kahit malamig, pinagpapawisan sya. Kaya naman naisipan nyang lumabas ng kwarto. 

Max...

Huli na noong nalaman nyang nasa harap ng pinto na pala sya ng kwarto ni Max. Gusto nya itong kausapin. Gusto nya itong yakapin. Hindi nya kayang matulog ng galit sa kanya si Max.

Lumapit sya sa pinto at saka doon umupo at sumandal.

"Max? Are you still awake?" Nanginginig na sabi nito. Wala syang pakialam kung tulog o gising si Max. Ang mahalaga ay nasabi nya ang kanyang nararamdaman.

"I'm sorry Max... I begging you. I want you to be mine again." Bulong nito. Bigla nalang syang napamulat at saka tumayo. Kinatok nya ang pinto. Gusto nya iyong sabihin kay Max ng harapan. Desperado na kung desperado. Ang mahalaga nasabi nya.

"Max? Open the door. Talk to me please?" Paulit ulit syang kumakatok pero walang sumagot sa kanya. Kaya naman napilitan syang buksan ang pinto. Nagulat sya ng sarado ang ilaw ng kwarto nya.

Mabilis nyang binuksan ang ilaw. At mas lalo syang kinabahan noong wala ito sa kama nya. Tinakbo nya ang closet at cr pero wala doon. Nawala ang pagkalasing nya dahil doon.

Mabilis syang tumakbo palabas at pumunta sa kusina. Pero wala sya doon. Hinalughog na rin nya ang living room pero patay ang ilaw doon. Hanggang sa may isang bagay na pumasok sa kanyang isip.

"N-no. Hindi pwede. Hindi nya ako pwedeng iwan ulit." Dali dali nyang tinakbo ang pinto palabas ng mansion. Tinakbo nya ang buong balcony at wala din si Max sa Garden.

Hanggang sa tumigil na sya. Pinagbabato at pinagsisipa nya ang mga upuan at lamesa.

He's screaming her name. Begging her to forgive him... To be with him... To love him again.

"M-max.... Max.... W-wag ganito. Una pa lang di ko na kaya.... Max!" Nagsisisigaw sya na para bang wala ng bukas. Inikot nya muli ang buong garden pero wala sya doon.

Napaupo nalang sya dahil sa sakit. Hindi sya pwede mawala. Not again.

May isang butil ng tubig ang tumulo sa kanyang noo. Na nasundan pa ng isa. Hanggang sa tumama na ito sa buong katawan nya.

Pati ang langit... Umiiyak.

Nanatili syang basa sa ulan habang umiiyak.

Pinagsisisihan nya ang ginawa nya noon. Hindi nya alam na sya pala ang hahabol pagkatapos nya itong palayuin noon. Halos gabi gabi din syang di makatulog dahil sa konsensya nya.

"Max... Don't leave me." Saka sya humagugol ng iyak. Nakakainis man ang ginawa nya noon, nakakalungkot namang isipin na umiiyak ang lalaking ito ngayon. Lagi syang matapang. Siguro panahon naman para ipakitang nasasaktan din sya.








































"Sam."


~*~*~*~*~*~

Yay! Mabitin kayo hahahaha.
Paramdam naman kayo guysss.

dTT____TTb

Kailangan ko rin po pala ng mga names. 3 names sa lalaki. Pili ako. No update kung walang magbibigay😂😂😂



Note: Expect typos and grammatical errors.

BTS - SINGULARITY❤❤❤

~Sky❤

To już koniec opublikowanych części.

⏰ Ostatnio Aktualizowane: May 10, 2018 ⏰

Dodaj to dzieło do Biblioteki, aby dostawać powiadomienia o nowych częściach!

My Forged Wedding [ON-GOING]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz