Chapter 4

13 2 0
                                    

"Dito ka na muna pansamantala. Mukhang ayaw mong katabi si Sam eh." Tumango naman ako. Kanina ko pa sya pinipilit habang nasa daan kami about dun sa nangyari. Pero tahimik lang sya.

"Thanks." He's nice though. It's an enough reason to be nice of him too.

"Matulog ka na. Bukas ko nalang sasabihin sayo lahat."

"Lahat?" Nginitian ko sya ng bongga.

"Nope. Kung ano lang yung mahalaga." Sabi nya pa sabay iling. Wala din. Psh.  Padabog akong pumunta ng kama.

Malaki din tong 'Kwarto' ko daw. Pero mas malaki yung kay Sam. Tapos puro red ang gamit nya. Pati nga higaan eh. Pero hindi naman lahat.

Dito naman sa kwarto na to, sky blue ang pintura tapos pink yung bed sheet ng higaan.

"Good night Max." He said. Saka unti unting naglean kaya napaatras ako. Pero hinawakan nya yung likod ng ulo ko at pinigilan at saka nya ako kiniss sa noo.

'W-what the?'

Pumunta na sya sa pinto at saka binuksan iyon. Nginitian nya ako bago umalis.

"H-hey. W-wag mong isarado please?" Ako? Duwag? Oo. Isang malaking duwag.

Natawa sya bago tumango.

****

Nagising ako sa liwanag ng araw na natatakpan ng kurtina.

"Wow!"

Nakakamangha talaga. Mas maganda kasi sya sa umaga. Tumayo ako at binuksan ang pinto.

"Ang gandaaaa."

Para akong isang prinsesa na nakatayo dito sa veranda ng kwarto ko. Ang daming bulaklak sa baba. Tapos kapag lumingon ka sa kaliwa, may malaking swimming pool. At kapag sa kanan naman, yun ay yung napakalaking gate ng mansyon.

Nakarinig ako ng tunong ng sasakyan. Kaya naman napatingin ako doon.

'LAMBORGHINI!'

O my gooosh! Lumabas doon ang isang lalaki na matangkad, medyo dark blue ang buhok, hindi masyadong kaputian pero in total...

GWAPO!

Kinausap nya muna yung lalaki na nasa tapat ng naglalakihang pinto. Medyo rinig ko naman dito yung usapan nila.

"How is she?" Sinong she?

"She's awake. Kaninang madaling araw lang." Sabi ni Brandon. Ang pogi nya talaga. Pero di ko sya type.

'Ako ba yung pinag-uusapan nila?'

"Oh. I want to meet her." Ngiting ngiting sabi nya. Omygeee. Maligo ka na Max! At may kikilalanin kang isang adonis!

"Don't you dare to touch her or else...." Seryosong sabi ni Brandon. Ooooohh. Scary. Natawa naman yung lalaking kausap nya.

"Hell no. We have a contract here. I will not do that, you Jerk."

"Pinapaalala ko lang sayo. Dahil baka makalimutan mo." 

Papasok na sana ang lalaki nang biglang hinawakan sya sa braso ni Brandon.

"Don't tell anything to her. Just shut your mouth. Don't answer her damn questions." 

Binulong lang eh. Hindi ko na narinig.

*TOK TOK TOK.*

Biglang may kumatok sa pinto ko kaya napaayos ako ng tayo.

My Forged Wedding [ON-GOING]Where stories live. Discover now