Chapter 8

9 1 0
                                    

Chapter 8 - Revealed

Naglalakad sya sa hallway ng may lumapit sa kanya na isang hindi katandaang babae. Mga thirties lang siguro. Ngayon nya lang ito nakita.

"Good morning po ma'am. Naghihintay na po sila sa baba." Tumango naman siya at ngumiti dito.

"Ang ganda nyo po Ma'am. Hindi po maikakaila kung bakit sila nagkagusto sayo." Natigilan naman sya sa sinabi nito.

Hindi nila ako gusto. May kailangan lang sila sakin.

Biglang sumikip ang dibdib nya sa naisip. Tama naman talaga sya. Hindi nila ito gusto. May kailangan lang sila dito.

Maybe it's all about business. Lahat talaga gagawin yumaman lang no? Hindi nila alintana kung may natatapakan ba sila o ano.

"Nakuuu. Huwag nyo na akong tawaging ma'am. Bisita lang ho ako dito." Ngumiti naman ang matanda sa kanya. May pagkakahawig ito sa kanyang tiya.

"Hindi pwede. Bisita ka ng mga master ko kaya dapat ay may ma'am iyon."

"Ehhh. Si ate naman. Wag na po. Magkalapit lang po yung edad natin. Max nalang po." Natawa naman ang ginang at saka nakangiting tumango.

"Kung iyan ang gusto mo Max." Ngumiti naman sya pabalik.

Nakarating sila sa pinto ng living room. Dalawa kasi ang pinto dito. Ang isa ay para sa ay direkta sa balkonahe at ang isa naman na pinasukan nila ay para sa mga bisita na hindi pamilyar sa bahay. Aish basta!

Sa kabilang banda...

"Aish. Bakit ang daya mo Sam?!" Reklamo ni Warren. Nandito sila ngayon sa living room at nag-uusap.

"Wala kang magagawa Warren." Tugon nito habang nagbabasa. Hinihintay kasi nito si Max.

Ang tagal naman ng babaeng yon.

"Akala ko ba pag-uusapan pa natin? Eh bakit nauna ka na?" Tanong ni Pat sa kanya. Naiinis kasi ang mga ito dahil may pupuntahan na ang dalawa ngayong araw.

"Because it's urgent. Wala na akong mahanap na babaeng isasama sa event. Maraming pupunta at hindi pwedeng kung sino sino nalang." Mahabang paliwanag nito. Hindi sya pwedeng magsinungaling. At wala syang dahilan para magsinungaling.

"So sino ang susunod?" Tanong ni Brandon. Yung about sa krimeng ginawa nya--- krimen yun. Oo krimen sa kanila. Ibig kong sabihin, hindi na nila naalala pa yung ginawa ni Brandon.

"Anong sunod?" Kunot noong tanong ni Justin.

"Sunod kay Sam. Hindi naman pwedeng si Sam nalang palagi." Sabi nito habang umiinom ng kape.

"You mean... Si Sam ngayon, ako bukas? Ganon?" Pagkukumpirma ni Warren. Tumingin naman ng matalim ang iba sa kanya. Napatikhim naman sya ng marealise na di nya dapat sinabi iyon.

"Anong ikaw? Baka ako?" Sabi ni Patrick. Minsan lang hindi magkasundo itong dalawang ito. Kaya siguradong matagal pa nilang pag-aawayan iyan.

"Ako nakaisip nyan. Kaya ako ang susunod." Nagsimula na ang away. Nag-uunahan sila kung sino ang susunod kay Sam at kung sino naman ang mahuhuli.

"Ganto nalang. Anong araw ngayon?" Tanong ni Pat. "Monday." Simpleng sagot ni Kenneth.

"Okay. Tuwing Monday ay si Sam. Ang Teusday ay si Brandon. Tuwing Wednesday naman ay si Justin. Thursday ay ako. Friday ka Kenneth. At panghuli ka bro." Mahabang paliwanag nya at saka tinuro si Pat na huli daw. Tiningnan nya naman ito ng masama at isa dinuro.

My Forged Wedding [ON-GOING]Where stories live. Discover now