Chapter 13

14 1 6
                                    

"The f*ck! Nasan ka na ba Max?!" Sabi ni Sam habang paulit ulit sinusuntok ang manibela. Hindi nya dapat ito iniwan. Hindi alam ni Max kung paano umuwi.

Kanina pa sya paikot ikot at nagbabakasakaling naglalakad pa din si Max sa kalsada. Hindi nya nga maimagine na naglalakad sya pauwi habang nakasuot ng gown. Worst, naka heels pa ito.

Baka pagtripan sya ng mga lalaki sa daan.

Bakit ba kasi ang tanga nya? Nadala na naman sya ng emosyon nya at nangyari na naman ang kinakatakunan nya....

Ang iwan sya at posibleng hindi na sya nito balikan pa.

Nakakatawa... Ako na ang naghahabol ngayon sa taong di naman ako kilala.

"Max... Please? Bumalik ka na sa akin. Please." He's now crying. Hindi nya lubos maisip na iiyak sya ngayon sa taong iniyakan sya noon.

Kung tutuusin ay wala syang karapatan para pabalikin ito. Dahil una, sya mismo ang nagtulak dito palayo.

*Ring* *Ring*

"Sam?" It's Kenneth. Halata sa boses nito ang hindi makapali.

"Oh? Why?" Cold na sabi nito.

"Hindi ka maniniwala sa sasabihin ko Sam!" Nangunot ang noo nya habang hinihintay ang susunod na sasabihin nito.

"Spill it, Ken." Iritadong sabi nito. Nakarinig sya ng buntong hininga sa kabilang linya at saka nagsalita ulit si Ken na ikinagulat nya.

"Nakita ko na si Max." Biglang sumaya ang puso nya sa narinig. Buti naman ay nakita na nya ito. Dahil hindi nya mapapatawad ang sarili kung napahamak ito dahil sa katangahan nya.

"Kasama si Logan." Bigla nalang syang nagbreak dahilan para makarinig ng isang matinis na tunog na nanggaling sa gulong ng kanyang sasakyan.

Sa dinami rami ng lalaki... Bakit kay Logan ka pa sumama?!

Napatiim bagang nalang sya sa naisip. Logan is his enemy. In business... And in love.

"Okay sige. I'm on my way." Mabilis syang nag- U turn at saka pinaharurot ang kanyang bagong bagong kulay pulang Ferrari.

Napahigpit ang hawak nya sa manibela habang paulit ulit nagrereplay sa utak nya ang sinabi ni Kenneth.

"Nakita ko na si Max.... Kasama si Logan." Paulit ulit syang bumusina dahil sa inis. Bakit ba hindi umunlad unlad ang pilipinas?!

"I will cut your Head Logan! Asawa ko pa ang napili mong lapitan! Ngayon magbabayad ka." Ng makita nyang go na ito, mas mabilis pa sa kidlat nyang pinatakbo ang kanyang kotse.

Hindi mo alam kung paano magalit ang isang Sam Walton.

Mabilis syang nakarating sa location na binigay ni Kenneth. Nang magpark sya, nakita nyang nandon na silang lahat at sya nalang ang kulang.

"Sam..." Hindi na nya pinansin si Justin na tinawag sya sa halip ay dire-diretso syang pumasok sa loob ng Starbucks.

"Sam... Wag kang padalos dalos. Kuhanin mo lang sya saka natin ito pag-usapan." Paalala sa kanya ni Brandon. Si Patrick, Warren at Kenneth naman ay hindi mapakali. Kanina pa nila gustong pumasok at sugurin si Logan. Pero dahil BOSS nga si Sam, hinintay nila ito.

"I know. Stay here." Pinalibot nya ang kanyang mata at nakita niya si Max.

Si Max na tumatawa...

Si Max na masaya...

Si Max na mahal na mahal nya...  Napapasaya ng iba.

Unti unting nadudurog ang puso nya sa nakita. Sa isang buwang kasama nya ito, hindi nya pa ito nakitang naging masaya sa puder nya. Hindi ito ngumingiti kapag nakikita sya gaya ng ginagawa nya noon.

My Forged Wedding [ON-GOING]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz