Chapter 10

14 1 0
                                    

"Uy. Uwi na kaya ako?" Sabi ni Max habang nakahawak sa braso ni Sam. Natatakot kasi syang baka kung ano sa sabihin ng mga kasamahan nya. Like, assistant and boss affair?

"No. Stay." Kanina nya pa ito pinipilit na payagan sya. Duh! Di naman nya kasalanan na mga dakilang echosera ang kanyang mga katrabaho. Hindi sya natatakot para sa sarili niya. Kundi para sa imahe ng kaniyang kumpanya.

"Sam naman eh. Di mo kasi ako naiintindihan." Inis na sabi nito. Nakatitig lang ito sa kanya na walang ekspresyon.

Paano nya ba nagagawa yun?

"We're here. Wala nang maghahatid sayo. But if you want to go home, then go. Magcommute ka mag-isa." Cold na sabi nito. Bigla namang natigilan si Max. Ayaw na ayaw nya kasing magcommute mag-isa. Ayaw na ayaw nya.

"You have no choice but to come with me. I don't want you to leave with that situation. Look. You're wearing gown. Sa palagay mo papapayagan kita?" Napalunok nalang sya. Ngayon ay wala na talaga syang pag-asang mapapilit ito. Kanina pa sila nakarating sa paggaganapan ng event. Ang kaso ay kanina pa sila nasa loob ay nagtatalo.

"Look. K-kaya ko naman s-sigurong magcommute. Okay na yun kesa pag-usapan tayo sa loob." Sabi nito habang nakatitig sa mata nito.

"Kaya mo?" Yun nga eh. Bukod sa ayaw nya, hindi nya kaya. And he knows about it. Everything about her. Kaya naman di nalang sya sumagot.

Desperedo syang makaalis... Dahil ba kasama nya ako?

Napabunting hininga naman sya aa naisip. Ang sakit pala.

"Then give me one acceptable reason to let you go."

To let you go...

To let you go...

Parang tumigil sa paggana ang kanyang utak at kanyang puso. Ngayon lang ata nagkasundo ang dalawa.

Yun naman ang gusto mo di ba? Ang makauwi?! Eh ano pang inaarte arte mo dyan at nasasaktan ka pa?!

"Natatakot ako sa sasabihin ng mga tao sa loob." Mahinang sabi nito. His brows furrowed.

"Why?"

"K-kasi... Kilala ako bilang secretary mo, Sam. Tapos ngayong makikita nila ulit ako... A-asawa na kita. Ano nalang sasabihin nila? Hindi ako natatakot sa sasabihin nila sakin. Syempre mas natatakot ako sa Image mo. Founder ka ng pinakasikat na kumpanya tapos papatol ka sa isang... Secretary?" Hysterical na sabi nito. Kaya naman hindi mapigilan ni Sam na ngumiti ng patago.

All this time akala nya ayaw sya nitong kasama. Yun pala concern lang sya sa kapakanan ng kumpanya. At nya...

Hinawakan nya ang kamay nito na ikinagulat ni Max.

Naghuhumirantado na naman ang aking puso. Matagal tagal na nung muli ko itong naramdan.

Bigla itong ngumiti na hindi nya inaasahan. 

Sam.

"You're not just a secretary. Wala akong pakialam sa mga sasabihin nila. " Sabi nito habang hinahaplos ang kanyang pisngi. Agad namang nag-init ang kanyang mukha kaya umiwas sya ng tingin.

God. He's driving me crazy!

"You're cute when you are blushing." Sabi nito habang hinahalikan ang kanyang buhok. Nagsitayuan naman ang kanyang balahibo dahil sa kakaibang sensasyon na binibigay nito sa katawan nya.

Bakit ba lagi nalang ako nagrereact sa mga maliliit na bagay na ginagawa nya?

Agad nya itong tinulak at saka tinignan ito ng masama.

My Forged Wedding [ON-GOING]Where stories live. Discover now