Chapter 1

36 2 0
                                    

CHAPTER 1

Kakauwi ko lang galing trabaho. I am Margaux Maxine Dela Cruz. I am an assistant.

Pero huwag ka.

Assistant ako ng taong pinakamayaman sa bansa.

Who?

Si Sir, Samuel Jaxon Walton. The Founder of Walton Company. Assistant nya ako for 3 years.

Ang sabi nila....

Pangit

Matanda

Panot

Kulubot na ang balat

at

Malaki ang tiyan

Yan daw ang mga katangian ng may-ari ng kumpanyang pnagtatrabahuhan ko. Pero hindi ka maniniwala sa sasabihin ko.

Hindi ko pa sya nakikita.

Oo 3 years na nya akong assistant pero hindi ko pa sya nakikita. Never pa talaga. Eh anong magagawa ko? Mukhang mailap sya sa mga tao.

Nandito ako sa balcony ng second floor ko. Nakaupo at humihigop ng chocolate.

I don't care kung matanda na ako. kung paborito ko, paborito ko. hindi magbabago yun. I don't like coffee or tea. Yuck lang.

*DING* *DONG*

"Huh? Wala namang nagtext na may darating." As in, Unexpected. Pumunta na ako sa may pinto para tignan kung sino yung nagdoorbell. Nagdoorbell ulit ito kaya naman medyo nainis ako.

"Sandali lang!" Sigaw ko dito.

Pagbukas na pagbukas ko ng pintuan, biglang may yumakap sa akin.

"Namiss kita Girl!"

"Sheena? O my geee! Gabi na ah? Bakit nandito ka? Tara pasok ka."

Sheena is my classmate slash bestfriend noong college pa ako. medyo matagal na kaming hindi nagkikita kasi busy ako at busy din sya.

"Naku girl, Wag na. pumunta lang ako dito para ibigay ito." Nagtataka akong tumingin sa kanya. Hinalungkat nya ang bag nya saka inilahad sakin iyon.

Nanlalaki ang mata kong tinignan ko sya.

"I-Ikakasal ka n-na?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. Masaya syang tumango at saka niyakap ako. Omygod. She's getting married. Naiinggit tuloy ako.

"Congrats! Who's the lucky guy huh?" Biro ko pa sa kanya. Natawa naman sya habang nailing. "You'll meet him soon. Pero pasensya ka na girl, kailangan ko ng umalis, hinihintay nya na ako sa baba." She's biting her lips para pigilan ang pagngiti. Kinurot ko naman sya sa tagiliran kaya mas lalo syang napangiti.

"O sya! Sige na, Umalis ka na at baka gabihin na kayo."

"Thank you Max! I love you." Mukhang iiyak pa ata ang bruha hahaha.

"I love you too Shee, You better go now. Congrats ulit. I'm so happy for you." Hinawakan ko ang dalawang pisngi nya saka pininch ng mahina.

Nag-paalam na sya at saka tumalikod na. tumalikod na din ako at saka sinara ang pinto. Napabuntong hininga ako at saka binuklat ang invitation.

Sheena and Matthew wedding.

Wow. Sila din pala ang nagkatuluyan? Alam nyo kasi, babaero si Matt at bookworm naman yang si Sheena. Si Sheena ay hindi pinapansin si Matt habang si Matt nachallenge ata kaya niligawan ya si Sheena.hanggang sa nafall sila sa isa't isa.

Nakakita ako ng isang shooting star at saka humiling doon. Wala namang masama kung itatry ko di ba?

"Sana ikasal na din ako."

Napatingin ako sa relo ko. 7:30 pa lang at napag-isipan kong bumili muna sa labas. 

My Forged Wedding [ON-GOING]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang