Chapter 12

14 1 0
                                    

"Where have you been?" Seryosong bungad ni Sam sa kanya pagkaupo na pagkaupo nya.

"It's none of your business." Cold na sabi nito. Si Sam naman ay naguguluhan sa inakto nya ngayon.

"What's wrong?" Nagtatakang tanong nya. Tinignan naman sya ni Max ng masama.

"Nothing. Gusto ko ng umuwi. Kahit wag mo na akong samahan. Maiwan ka dito at uuwi ako mag-isa." Tatayo na sana ulit ito nang bigla syang hawakan ni Sam sa Braso.

"Let's talk." Hinila naman sya nito papalabas ng walang sabi sabi.

Kapag galit ako, galit din sya?! Wow! As in wow!

"Aray! Masakit na Sam! Bitawan mo nga ako!" Binitawan naman sya ni Sam noong makarating na sila sa walang taong lugar.

"Bakit bigla nalang nagbago yang inaakto mo Max?" Inis na sabi niya dito. Natigilan naman si Max sa sinabi nya.

First time nya akong tinawag na Max.

"Wala. Gusto ko ng umuwi." Cold na sabi nya dito. Napapikit naman sya ng mariin sya bumuntong hininga.

"Edi sana sinabi mo agad sakin di ba?! Hindi yung nagmumukha akong tanga kakahula kung bakit ka naging ganyan ng biglaan!" Sigaw nya dito. Hindi naman sya makapaniwala na sinigawan sya nito.

Sya pa ang may ganang magalit?! Sya pa?!

Ngunit imbis na sumagot, tinitigan nya lang ito. Hindi nya inaakala ang mga nangyayari. Bakit ganito?

"Uwi na ako." She said out of the blue. Hindi galit ang tono nito. Hindi din masaya. Kundi wala itong ekspresyon.

Bakit ba lagi nalang akong sinisigawan?

"Max... Max... Look, I'm sorry okay? I didn't----" hindi nya natuloy ang kanyang mga sasabihin dahil pinigilan sya ni Max.

"Alin dun ang hindi mo intensyon, Sam?"

"Max..." Tumango si Max na para bang naiintindihan nya na ayaw nitong sabihin sa kanya.

"Okay lang. Uuwi na ako." Sabi nito at biglang naglakad paalis. Hindi na nya hinintay pang makasagot si Sam dahil galit na galit sya dito.

Bumalik sya sa loob at saka sya uminom ng marami.

Naglalakad palabas ng kumpanya si Max. Hindi nya gustong magpahatid. Ayaw na nyang bumalik doon. Kaya naman uuwi na sya sa tinutuluyan nya.

Naalala nya naman ang kanyang mga magulang. Siguro ay nag-aalala na ito sa kajya dahil hindi sya nakakatawag nitong mga nakaraan.

*BEEP* *BEEP*

Isang kulay itim na vintage car ang huminto sa gilid nya. Nagtataka syang tumingin dito at pilit jnaaninag ang tao sa loob.

Sana hindi si Sam to.

Dahan dahang bumaba ang bintana at saka tumambad ang mukha ng lalaki. Bigla syang napairap ng wala sa oras.

Hindi nga si Sam. Itong walang hiyang lalaki naman ang sumunod dito.

"Hi."

Nginitian sya ni Logan pero inirapan nya lang ito saka nagpatuloy na ulit sa paglalakad.

"Uy. Pansinin mo naman ako." Ngunit hindi nya ito pinansin muli at mabilis na naglakad.

"Bakit mag-isa ka? Nasan ang kasama mo?"

My Forged Wedding [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon