Chapter 9

12 1 0
                                    


"I-ikaw yung B-boss ko?" Hindi makapaniwalang tanong nito. Ngumiwi naman si Sam at saka naiinis na tumingin dito.

"Yes. I'm. your. Boss." Agad naman syang tumalikod para maiwasan ang tingin nito.

O my... God. He's... He's my boss? Seriously?! Bakit pinapahiya ako ng tadhana?!

"Stop overthinking. We are late. Napakakupad mo." Sabi nya saka walang pakundangang hinila sya.

"Enjoy!"

Psh! Paano ako mag-eenjoy? Kinakabahan ako. Ano nalang ang sasabihin nila sa akin pag nakita nila ako? Na kasal pala ako sa Boss ko? Paano kung magtanong sila?

"Get in." Bigla syang napabalik sa katinuan nung biglang magsalita si Sam.

"A-ano?"

"I said. Get in. Baka gusto mong tagalugin ko?" May kung ano sa boses nya na para bang mapapasunod ka nalang sa utos nya. Kaya naman dali daling pumasok si Max sa kotse.

Nakakatakot naman to. Kala mo kung sino makapag-utos. 

Umupo naman si Sam sa tabi nya. Magtatanong sana sya ng makita ang loob ng kotse.

Nasa limousine ako!

"Is it your first time riding at this kind of car?" May pang-iinsultong sabi nito kaya naman biglang napaupo ng maayos si Sam.

"Yeah." Sumandal naman si Sam at saka umakbay sa kanya. Agad namang nabuhay katawan ni Max sa ginawa nya.

My god. Tuwing dumidikit sya sakin bakit parang may kung anong dumadaloy at ginigising ang diwa ko?

Agad nyang tinanggal ang kamay nitong nasa balikat nya at saka lumipat ng upuan. 

"What's your problem? Anong masama?"

Ano nga bang masama? Umakbay lang sya. Pero bakit ganito ako magreact?! Gumana ka nga ng maayos utak!

"S-sabi mo... No skin c-contact di ba? E-eh ano yang g-ginagawa mo?!" She tried not to stammer pero hindi ata umayon ang kanyang bibig.

Tinignan naman sya ni Sam ng masama.

"I'm your husband. It doesn't matter to me."

Sakin meron, Moron!

Imbis na sumagot ay tumahimik lang sya. Ng maramdaman nyang gumalaw na ang kotse ay sumandal sya at saka pinikit ang mata.

Sa kabilang banda naman. Sam is staring in her with a shine in his eyes.

I wish I could turn back the time so If it'll happen again. I'll choose you this time...

Tumayo sya upang tumabi kay Max na ngayon ay tulog. Natutumba na kasi ang ulo nito.

You're still you. You've never change a bit.

Nakita nyang tulog na tulog na ito kaya agad nyang sinalo ang ulo nitong bumagsak na ng tuluyan. Kinuha nya ang unan na nasa gilid at saka nilagay sa kanyang hita. Dahan dahan nyang ihiniga si Max at pinatong ang ulo sa kanyang hita.

She caress her cheek gently. This girl doesn't know a thing. She doesn't know how much he loves her.

Biglang nyang naalala ang mga nangyari 10 years ago.

Isang binatang lalaki na nagbabasa ng libro ang nakaupo sa bench ng parke na nasa loob ng kanilang village. Lagi itong mag-isa at tahimik. Hindi niya alam kung paano makisalamuha sa iba.

My Forged Wedding [ON-GOING]Where stories live. Discover now