Chapter 3

21 2 0
                                    

'Leave me Again...'

'Leave me Again...'

'Leave me Again...'

These words keep on bugging me! What does it mean? Ngayon ko lang sya nakita tapos sasabihin nyang Again?

And the funny thing is parang nasasaktan ako. Nasasaktan naman talaga ako. Hindi ko alam kung bakit. Siguro ay guilt dahil napaiyak ko sya. At nakakasira ng utak kung paano nagrereplay sa isip ko kung paano tumulo yung luha nya.

And I don't know which is worst.
To be broken?
Or to break another's soul?

May part sakin na gusto ko syang balikan para yakapin. At gusto kong alisin ang part na yun. Bakit ko naman gagawin yun? Eh ngayon ko lang sya nakilala di ba nga?

Naglalakad lang ako sa hallway. Kasi napagod na ako kakahanap ng tamang pintuan palabas. Nakakainis lang. Pero okay lang. Kasi ang ganda talaga dito as in! Carpeted ang sahig kaya ang sarap sa paa. Tas ang daming paintings na nakasabit at mamahaling mga vase.

'Sa kanya lahat to?'

"You're awake." Napasigaw ako sa gulat. Kasi yung lalaki bigla nalang lumitaw sa harapan ko. Narinig ko naman syang tumawa kaya tinignan ko sya ng masama.

Nananaginip pa rin ba ako?!

Bakit may gwapo na naman akong nakita?!

Matangkad sya. Kasi hanggang balikat nya lang ako.

Hindi ako maliit! Sadyang nasobrahan lang sya sa tulog!

Medyo gray ang buhok nya, tapos may butterscotch na mata. Ang hahaba din ng mga pilik mata.

Perfect jaw line! Jusko naman. Ang tangos ng ilong kainggit! Tapos ang puti nya! Pero mas maputi yung kanina. Tapos yung labi?

Pink na pink!

"Are you okay? Bakit ka lumabas sa kwarto nyo ni Sam?"

So Sam ang pangalan nya?

Time ko na to para magtanong!

"Taga dito ka din ba?" Kunot noo syang tumango. "Nasan ang pinto?"

"Pinto? Ng kwarto nyo?"

Bakit ba sya nyo ng nyo? Bakit kami baaaa?!

"Bakit ka ba kasi lumabas? Nasan na ba si Sam? 1 palang ng umaga dapat tulog ka pa. Magagalit na naman sya nito."

He seems so nice. Kasi yung Sam? Nakakatakot at kita mo sa kanya ang BOSSY side.

Ito namang isang to, palangiti at sobrang maaliwalas ang mukha.

"Ayoko na bumalik dun." Out of nowhere na sabi ko.

"Huh? Bakit? May nangyari ba?" Umiling naman ako. Walang nangyari, nagising lang naman ako ng walang matandaan. And it's bothering me!

"Tara ihahatid nalang kita sa kwarto mo." Seryosong sabi nya. Kelan pa ako nagkaroon ng kwarto dito?

"By the way. I'm Brandon Martinez." Ohhhh. Brandon?

"I'm Maxine." Ngumisi naman sya bago magsalita. "I know." Nangunot ang noo ko sa inasta nya. He knows?

"Pwede magtanong Brandon?" Sumeryoso ang mukha nya bago tumango. "P-paano ako napunta dito?"

Binagalan nya ng paglalakad nya at saka ako tinignan. "You don't know?" Kunot noong tanong nya.

Magtatanong ba ako kung alam ko? Duh!.

"I... I don't remember anything. Basta paggising ko nandito na ako."

"Ohhh. Siguro nabura because of that fucking accident." Bulong nya pero rinig ko naman. Timang lang.

"Anong accident? M-may nangyari ba sakin?" Tumango naman sya. What? Eh bakit wala akong.matandaan?

"Huh? Ano yun? Pwede mo bang sabihin sakin?"

"No. Hindi mo gugustuhing maalala ulit iyon." Ano bang nanyari? May amnesia na ba ako?


























"Pero nagpapasalamat kami kasi nangyari iyon."

My Forged Wedding [ON-GOING]Where stories live. Discover now