Chapter 2

28 2 0
                                    

"Tulooong!"

"Help me Pleaseee!"

Naalimpungatan ako dahil sa masamang panaginip. Nahihirapan din kasi akong huminga dahil sa may kung anong nakadagan sa tiyan ko. Nagmulat ako ng mata at saka inilibot ang paningin ko.

'This is not my room!'

Aalis sana ako sa kama pero napatigil ako nung may marealize ako na hindi tama.

Tumingon ako sa mabigat na bagay na nasa tiyan ko.

'Braso ng isang lalaki.'

Mabilis ang pagtibok ng puso ko. hindi ko alam ang gagawin ko. ginalaw ko ang mga hita ko at laking pasasalamat ko nang hindi masakit ang gitnang bahagi ng katawan ko.

'Thanks God.'

Nararamdaman ko ang paghinga ng lalaki sa may batok ko. My Goodness! nasaan na ba ako? bakit nakayakap sakin tong lalaki na ito?! Wala akong boyfriend for pete's sake!

O my gooood! Hindi ko gusto ito. Ang alam kong huling nangyari ay binigyan ako ni Sheena ng invitation. And then Boom! Viola! Paggising ko nandito na ako sa malaki at malambot na higaan na ito. Kayakap ang isang lalaking hindi ko naman kilala.

Sa sobrang takot ay napaiyak nalang ako dahil sa mga nangyari na hindi ko matandaan! Anong nanyari? Bakit hindi ko matandaan?

Hanggang sa may malambot na kamay ang humawak sa aking braso. Natigil ako sa pag-iyak at saka hindi na ako nakahinga pa. I can feel his breathe in my ear. Nakatalikod pa din ako sa kanya at hindi ko makita ang mukha nya.

"Thanks god you're awake!" masayang sabi nya pa. Syet lang! tanggalin mo yang kamay mo sa braso ko! Goodness! Bakit nakasando lang ako?! Naka t-shirt ako bago umalis!

"H-Hey? Why are you crying." Wala akong tinugon, sa halip ay tumahimik lang ako. pero syet! Ayan na. Pilit nya akong hinaharap sa kanya.

But His voice... is so sweet. It made my heart beats fast.

"Babe?" Pota! Tuluyan na akong nawindang! Mabilis kong tinabig ang kamay nyang nakapatong sa braso ko saka mabilis umalis ng higaan. Tumayo ako at kinuha yung lampshade na nakalagay sa may table na katabi ng lamesa. Mabilis akong humarap sa kanya at ihahagis sana ang hawak ko nung matigilan ako.

He's staring at me coldly. But I can see the sadness and pain in his eyes.

Natulala ako habang nakatitig sa mukha nya.

He's.... He's so...

Gorgeous...

Pero hindi maiaalis sa akin ang takot na nararamdaman ko ngayon. Mabilis kong ibinaba ang hawak ko at saka tumakbo.

'Nasaan ba ang pinto?!'

"Where are you going?" he said in a cold tone, dahilan iyon para mapatigil ako. narinig ko ang mga yapak ng paa nya na papalapit sa akin. napapikit ako ng mariin nung naramdaman ko ang presensya nya sa likod ko.

"Saan ka pupunta?" Nanghihina ang tuhod ko dahil sa hininga nyang tumatama sa tenga ko.

"A-ayoko dito. Gusto ko ng umalis." I said between in my sobs. "Wala ka ng pupuntahan. Dito ka lang. We're going to sleep together." Hinila nya ang kamay ko at saka bumalik sa kama.

Agad akong nagpumiglas at saka umatras dahil masama na ang tingin nya sa akin.

"H-Hindi! I Don't want to be with you! N-no! This is Bullshit!" at sa ikalawang pagkakataon, Ayun na naman ang mga mata nyang nagungusap. Nasasaktan at nalulungkot.

"Not now, Let's sleep please Max?" p-paano nya nalaman ang pangalan ko?

"I Don't even know you! I-ilabas nyo na ako dito. Please? Please? Just... just let me... Go." I begged.

Nagtangis ang bagang nya bago suklayin ang kanyang mga buhok gamit ang kanyang kamay.

"Then Go. Leave me Again, Max." parang may kung anong tumusok sa puso ko. sa simpleng salitang binitawan nya, nasaktan ako ng husto. Who are you?

Mabilis akong tumalikod at saka binuksan ang pintuan. Bago ko pa maisara ang pinto napatingin ao sa kanya.

He's...
















Crying. 

My Forged Wedding [ON-GOING]Onde as histórias ganham vida. Descobre agora