Berdeng Panyo

98 8 8
                                    

Berdeng Panyo

“Hindi talaga ako malandi minsan, kung ‘di malandi ako parati.”



Sure akong napanood n’yo na sa mga teleserye o movies ang eksenang kapag nalaglagan ng panyo si girl, dadamputin ito ng isang maginoong lalaki at magkakatinginan sila, and little did they know, sila na. Ang bilis ‘no? Galawang higad talaga!

Isang araw, sumakay ako sa LRT ginawa ko ang breezy move na ‘to. Pagpasok ko sa tren, mahilig muna akong mag-observe. Titignan ang mga taong nakasakay, magbi-birdwatching. At kapag may poging nakita, ipagsisiksikan ko ang sarili ko mamasdan at mapadikit lang ako sa kanya. Ehem. Paalala lang ha, conservative talaga ako, strict ang parents ko. Char! Hindi talaga ako malandi minsan, kung ‘di malandi ako parati. Haha!

So, heto na nga, may nakita akong pogi sa loob ng tren kaya pagpasok ko sa tabi niya agad ako umupo. Pa-sweet-sweetan kunwari at pasulyap-sulyap. Ang pogi at puti ni kuya, inisip ko agad baka Atenista siya. Gano’n kasi ang kutis ng mga nasa top schools like Ateneo at La Salle.  Pero may alla kutis artista rin naman na galing sa mga local colleges and universities… katulad ko. Char!

Well, kahit ‘di talaga ako mahilig sa mapuputi, iba ang karisma ni kuya kaya naman pinagsiksikan ko ang sarili ko sa upuan. Ang suwerte ko nga kasi simula V. Mapa station at sa huling bababaan naming station ay kasama ko siya. Nang malapit na kami sa Santolan station ay inilagay ko ang aking berdeng panyo sa aking hita para kapag tumayo ako ay malalaglag ito sa sahig at dadamputin niya para sa ‘kin alla Maria Clara ang pine-peg ko katulad ng mga teleserye at movies na napanood ko. Yes, dalagang Pilipina on the loose.

Noong nasa Santolan na kami ginawa ko na ang plano, pagtayo ko nag-landing nga ang aking berdeng panyo sa sahig ng tren, pero imbis na damputin niya ito tinawag niya ako, tinuro ang panyo ko sa sahig sabay sabing, “Pare, panyo mo!” ‘Yon lang, saklap. Pinadampot na sa akin ang sarili kong panyo, tinawag pa akong pare. Kalerks!

*****

BE FRIENDS WITH JAHRIC LAGO! ❤
Facebook: /JahricLagoOfficial
YouTube: /JahricLago
Instagram: @JahricLago
Wattpad: @JahricLago

Buti Pa Ang Leron Leron May Sinta by Jahric Lago (Published under TBC)Where stories live. Discover now