The LRT Single Journey

192 14 36
                                    

The LRT Single Journey

“Kapag single ka, maraming lugar na magpapaalala sa ‘yo na nag-iisa ka.”



Noong inilunsad ang bagong ticketing system cheness ng trains natin, ‘yong Beep, a.k.a. tap-and-go, a.k.a. one-card-all-trains, nasa LRT Recto ako no’n para sumakay ng train papunta sa Cubao para sa meeting ko with my co-ambassadors sa Pinoy Lambs (ang fans club ni Mariah Carey dito sa Pilipinas). ‘Yon na nga, kailangan kong bumili ng ticket sa bagong ticketing system. At dahil baguhan, nagpa-assist pa ako. Sabay sabi sa ‘kin no’ng lalaking nag-a-assist, “Stored po ba o single?” Napatingin ako sa kanya. Grabe ka kuya, maka-single ka! Ang sakit, ha! Ang sarap sigawan sa mukha si kuya na ala Jennylyn Mercado, “Oo na, ako na, ako na ang nag-iisa!”

Kapag single ka, maraming lugar na magpapaalala sa ‘yo na nag-iisa ka. Isa na nga ‘yang LRT na ‘yan. Tapos nariyan din ang Luneta. Idagdag mo pa ang pizza houses. Bumibili ako noon ng pizza sa kiosk sa mall, sabi sa ‘kin no’ng tindera, “Single slice po ba?” Ang bilis ng sagot ko eh with conviction, “DOUBLE!” Alam na ngang single, tapos ipapaalala pang nag-iisa ka, na magiging single ka forever, na walang magmamahal sa ‘yo. Saklap ng buhay.

Single Journey lang ang binili kong ticket at sa inis ko kay kuya padabog akong lumayas sa harap niya at dumiretso sa pasukan. Akala ko tapos na ang delubyo ko. But wait, there’s more. No’ng nasa entrance na ako, may babae namang sumigaw ng, “’Yong mga Stored po sa left tapos ‘yong mga Single po dito sa side na ‘to.” Nagpantig na naman ang tainga ko sa narinig ko kaya pagka-tap ko ng ticket ko, sinabihan ko si ate ng, “Saan ba nakakabili ng dyowa? Sawa na kasi akong maging single, eh.” Napangiti lang si ate sa ‘kin. Badtrip!

Hindi ko naman maiwasang hindi sumakay sa LRT, eh, pero naiwasan ko ang sabihan akong “single” sa LRT. Ano’ng ginawa ko? Simple lang, noong sumunod na trip ko sa LRT, bumili ulit ako ng bagong ticket. At no’ng nasa entrance na ako, sumigaw ako, “Stored na ako, hindi na ako single!”

*****

BE FRIENDS WITH JAHRIC LAGO! ❤
Facebook: /JahricLagoOfficial
YouTube: /JahricLago
Instagram: @JahricLago
Wattpad: @JahricLago

Buti Pa Ang Leron Leron May Sinta by Jahric Lago (Published under TBC)Where stories live. Discover now