From Facebook to Book!

258 19 23
                                    

From Facebook to Book!

"Naranasan ko kung paano mapagtaksilan, ahasin ang syota mo ng bestfriend mo."



Umpisa ng taong 2015, hindi pa gano'n ka-high tech ang mga cellphone kung saan puwede kang mag-Facebook, etc. Kaya tuwing lunch ko noon sa dati kong work ang ginagawa ko ay umaakyat ako sa 8th floor kung nasaan ang recreation area namin na mayroong apat na computers kung saan puwede akong mag-Facebook habang nilalafang ang aking biniling hotdog sandwich o siopao sa 7-Eleven. Routine ko na ito everyday kapag pumapatak ang 4 o'clock at lunchtime ko na. Ngunit isang araw noong lunchtime ko, naranasan ko kung paano mapagtaksilan, ahasin ang syota mo ng bestfriend mo. Ang sakit sa feeling!

On my way to the 8th floor, tuwang-tuwa akong lumabas sa elevator at chineck kung merong vacant na computer, pagpunta ko sa recreation area, boom, may isa pang vacant na computer, tapos ginawa ko na ang usual kong gawain-bubuksan ang Facebook ko, at iiwan ang tumbler ko sa gilid ng computer para naman kung may magtangkang gumamit makikita niyang may pagmamay-ari na pala.

So, next thing to do, I went down to grab some siopao and cup noodles para sa lunch ko. Gutom na gutom na kasi ako that day. And I wanted to fill my tummy with happiness. 'Yon pala kahahanap ko ng ibang happiness, maaagawan ako. Pag-akyat ko sa 8th floor may chukaderang palaka na ang nakaupo sa station ko. Badtrip talaga ako sa babaeng 'yon. Mang-aagaw! Akala ko sa gubat lang ang mga ahas 'yon pala pati sa work ko. Sulotera! Wala na akong nagawa kasi miski ako ay nagulat. Ang munting nasabi ko lang ay, "Miss, excuse me lang, ha!" nang napakalakas at punong-puno ng poot at suklam sa kanya.

Grabe, bitter na kung bitter! Pero ang sama talaga sa pakiramdam na maagawan ka. Okay lang sana kung wala akong gagawing importante that day eh pero meron, meron, meron! Isi-send ko kasi sana kay Miss Mina V. Esguerra 'yong link ng nobela kong 20 Nights In Heaven para ma-check niya at baka maaprobahan for publishing. Ending, lumayas na ako at naglakad sa pantry nang nagdadabog, kinuha ang libro ko sa locker at nagbasa na lang habang ninanamnam ang lasa ng cup noodles na hindi ko rin na-enjoy dahil nga sa inis na inis ako.

Kahahanap natin ng tao o bagay na makapagpapasaya sa atin dahil hindi tayo kuntento sa isa, dahil gusto natin may pagpipiliin, dahil gusto natin mapasaatin ang lahat ng maaaring magpasaya sa atin, ang ending nawawala sa atin ang lahat. Katulad ng nangyari sa akin. Kung nag-computer na lang muna ako at ginawa ang dapat kong gawin bago maghanap nang magpapaligaya sa tiyan ko eh di sana na-satisfy ko pa sarili ko. Pero iba ang nangyari eh, nabuwisit na nga ako sa pang-aagaw sa akin ng computer na sinave ko for myself, nawalan pa ako ng ganang kumain. Olats! Totoo, you can do whatever you want but it doesn't mean na mapapasayo lahat ng gustuhin mo.

Fast forward to today. Kung may chance lang talaga, babalik ako sa dati kong work at dadalhin ko 'yong laptop ko o cellphone tapos isasampal ko sa babaeng mang-aagaw na chukaderang palaka na pinaglihi sa ahas na 'yon! Tandang-tanda ko 'yong mukha mo, ipapa-blotter kita! Snatcher!

*****

BE FRIENDS WITH JAHRIC LAGO! ❤
Facebook: /JahricLagoOfficial
YouTube: /JahricLago
Instagram: @JahricLago
Wattpad: @JahricLago

Buti Pa Ang Leron Leron May Sinta by Jahric Lago (Published under TBC)Where stories live. Discover now