Voltaire 5

15 3 0
                                    

Voltaire 5

Tama bang pinabayaan kong magmukha ako tanga dahil ‘yong taong minsang minahal ko ay hindi na ako kilala?



Nandito ako ngayon sa Food Express ng Gateway para sa CPAIPS Elite Reunion at habang naghihintay sa Taco Bell may dumating na hindi ko inaasahan… si Voltaire! ‘Yong super duper crush ko no’ng nag-aral ako ng caregiving ay nandito sa harapan ko ngayon. I’m trying to hide my face, pero mukha namang hindi niya ako naaalala. Well, it’s like, seven, eight years ago no’ng nag-share kami ng iisang classroom, no’ng alam ng lahat ng tao sa school namin na patay na patay ako sa kanya. Siguro hindi na niya ako namumukhan o nagpi-pretend lang siyang hindi ako kilala kasi may kasama siya that time, but me, I will never forget his face. Those sexy jaws, chiselled nose… hay, siya pa rin ‘yong poging minahal ko dati.

Ang sakit isipin na hindi niya ako naaalala, ano biglang nagka-amnesia? Pero ang mas pinakamasakit ay ‘yong makita ang crush mong may kasamang iba. Tae, ex-crush lang ‘to pero nasasaktan na ako, pa’no pa kung ex-boyfriend ko pa ‘to baka nag-eskandalo na ako. Nasa harapan ko na siya ngayon, ang bilis ko nang nagta-type ngayon. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Sakto pang magsusulat ako ngayong nakita ko sila, sila tuloy ang laman ng kuwento ko. Maganda naman ‘yong kasama niya at mukha silang masaya. Nag-order sila ng tacos at sinusubuan niya ‘yong girl. Ang sweet nila, ang sakit sakit. Tipong nasa isa kaming palabas sa sine ako ‘yong ex na pinalampas ang opportunity na maging kami ng taong mahal ko kaya ‘yon siya ang aking “the one that got away”, ang TOTGA ko. At dahil pinabayaan ko lang ang feelings ko towards him at hindi ko lang man pinaglaban ayan nakahanap tuloy ng iba. Kung galawang higad lang ako dati eh di sana ako ang kalampungan niya ngayon.

After 15 minutes, umalis din sila. Hay. What do you think I should’ve done? Tama ba na hindi ko lang man pinansin si Voltaire at nanahimik na lang ako? Tama bang pinabayaan kong magmukha ako tanga dahil ‘yong taong minsang minahal ko ay hindi na ako kilala? O dapat ba tinawag ko siya at nag-hi? Para malaman ko talaga kung nakalimutan na niya ako o hindi. Hindi ko talaga alam kung ano’ng gagawin ko nang mga oras na ‘yon. Hindi ako na-inform. Walang pa-orient ang tadhana na magkikita pala kami ngayon. Isipin mo sobrang tagal mo nang hindi nakikita tapos bigla kayong magkakasalubong. Ikaw, what will you do kapag nakita mo ang dati mong mahal after 10 years tapos mukhang hindi ka na niya nakikilala?

*****

BE FRIENDS WITH JAHRIC LAGO! ❤
Facebook: /JahricLagoOfficial
YouTube: /JahricLago
Instagram: @JahricLago
Wattpad: @JahricLago

Buti Pa Ang Leron Leron May Sinta by Jahric Lago (Published under TBC)Where stories live. Discover now