Leron Leron Sinta

685 31 45
                                    

Leron Leron Sinta

“Kung ‘di ka pinili, ‘di mo kawalan, sila ang nawalan.”



In this world, we’re surrounded by more people than ever. Yet, we often still feel alone. Lagi na lang tayong naghahanap ng “sinta” na makapipiling natin, na makapagpapasaya sa ‘tin, na magpaparamdam sa ‘tin na hindi tayo nag-iisa. Pero hindi mo alam na sa libu-libong taong nakasasalamuha mo ay nakasalubong mo na pala ang “sinta” na para sa ‘yo, ‘yong soulmate mo. ‘Di mo namamalayang siya na pala ‘yong nakabangga mo sa Quiapo, o siya pala ‘yong lalaking nakasakay mo sa jeep, o ‘yong babaeng tinulungan mong magbitbit ng shopping bags niya sa Greenhills.

Gaano ba talaga kaimportanteng makilala natin ang “sinta” na para sa ‘tin? Well for me, importante talaga ang pag-ibig pero hindi rin naman kawalan kung maging single ka forever. Kung ‘di ka pinili, ‘di mo kawalan, sila ang nawalan.

Well, if you think of it, ang pagiging old maid o matandang binata ay sadyang nakalulungkot. Hindi masayang mamatay mag-isa. Pero hindi lang naman kay “sinta” o sa pag-ibig sa isang lalaki o babae nababase ang kasiyahan ng isang tao, eh. Because being single or in a relationship has nothing to do with whether you need to feel loved or to be happy. Maraming puwedeng magpasaya at magmahal sa ‘yo. Nariyan ang mga kaibigan mo at ang pamilya mo. Everyone has a God-given yearning for complete and unconditional love in the context of all relationships.

Kung sinuwerte ka naman at nakita mo na ang sinta mo, the first thing you need to do is to be open. It’s good to always explode your feelings out for that person. Be honest to your own feelings. Say it aloud! Be proud of it. Sabi nga, enjoy it while it lasts. Treasure him or her and their love. Kasi hindi lahat ng tao ay katulad mo, meron pa rin kasing mga tao riyan na hanggang ngayon ay hinahanap pa rin at hinihintay ang mga “sinta” na tinakda para sa kanila.

*****

BE FRIENDS WITH JAHRIC LAGO! ❤
Facebook: /JahricLagoOfficial
YouTube: /JahricLago
Instagram: @JahricLago
Wattpad: @JahricLago

Buti Pa Ang Leron Leron May Sinta by Jahric Lago (Published under TBC)Where stories live. Discover now