Seafood All You Want!

5 1 0
                                    

Seafood All You Want!

"In my mind, "Pinoy din naman ako ha bakit kahit ni isang hot guy walang yumakap at humalik sa 'kin ng gano'n sa Bora?" Nasaan ang hustisya?"



I've been to Boracay a couple of times and it seems the same. Well, except sa mga nadagdag na mga buildings and establishments. Talaga nga namang nagiging populated na ang Boracay not just with new and newer properties but with hot and hotter bodies. Yes, hot bodies! 'Yong mga hot bodies na nakita ko ngayon are still the hot bodies I saw before. Nothing has changed.

We arrived sa Boracay ng hapon na. So, we decided na magpahinga na lang at bukas na maggala. Bago ako matulog, there was this thought circling inside my head, "magkaka-boyfriend na kaya ako rito?" I mean, I know, it's not the end of the world at marami pang importanteng bagay na dapat pinagtutuunan ng pansin pero I had never in my life experienced to have a relationship with a guy. Kaya please, pagbigyan n'yo na ako. Sana nga magkatotoo ang iniisip ko. Sana.

Sa dinami-rami ng lamang-dagat hindi mo na maisip kung ano ba ang unang kakainin. Parang sa pag-ibig din, sa dinami-rami ng tao sa Boracay ni kahit isa wala man lang lalaki ang nagkamaling makipagkaibigan sa 'kin. Iniisip ko tuloy kung pangit ba ako. Sana nga pangit na lang ako. You know, why? Here's why. Bago kami umalis ng Boracay ay nag-lunch kami sa isang seafood restaurant. Ang daming choices na nakalatag sa lamesa: may alimasag, lobsters, clams, hipon, at oysters. Habang kumakain, naisip ko ang ilang mga pangyayari sa maiksing pag-stay ko sa Bora. Noong pumunta kami sa the best place (for me) na lugar sa Bora, ang Puka Beach, doon ko nasaksihan ang unang huli ko ng seafood.

Habang naglalakad kami sa dalampasigan, nakita ng peripheral vision ko ang isang babae at lalaki na nagse-selfie. Bigla akong napa-second look, eh. Si kuya kasing Pinoy na maitim pero ma-muscle ang katawan (at mukha) nakadali ng bangus. Ang ganda ng ka-selfie ni kuya, Amerikana yata 'yon. Basta ang puti at ang ganda ng mukha. Naloka pa ako lalo nang si ate pa mismo ang yumayakap-yakap kay kuya at hinahalik-halikan sa labi. Sweetness na medyo ewwness, eh! Haha!

Isang malaking shocker para sa 'kin! In my mind, "Pinoy din naman ako ha bakit kahit ni isang hot guy walang yumakap at humalik sa 'kin ng gano'n sa Bora?" Nasaan ang hustisya?

Sa pinuntahan naman naming party place, may nakita akong matabang beki na may kasamang OMG sa pogi na hot guy. Kamukha ni Taylor Lautner na parang si Ian Somerhalder 'yong mukha. Enjoy na enjoy sila, laughing at each other's jokes, drinking beer. They were having so much fun.

Perfect sana kami ni OMG Hot Guy! Pero 'yon ang ending niya ay kay matabang beki. Inggit na inggit ako. Aabot na sa Universe ang inggit ko. Iniisip ko na lang na siguro may putok si OMG Hot Guy. Karma's a bitch! Salbahe 'no? Char! Grabe lang talaga pagka-bitter ko. Well, again, I was like, "mataba naman ako ha at beki din. Why not me? Bakit doon pa siya na-fall sa matabang beki na 'yon?"
Minsan iniisip ko tuloy, kulang ba ako sa ganda o nasobrahan? Chos! Hindi ko alam kung ano bang bet ng mga foreigner na 'to, mga seafood lovers, eh! Pero kahit gaano man karami tayong lumalait sa mga relasyong "si maganda at si pangit", we can never erase the fact na at least sila happy together. Eh ikaw, nganga sa pag-ibig. Mamatay ka sa inggit!

Oo, inggit ako to the max. But there's also this side of me that feels happy for those couples I told you about kasi nga nakita na nila ang ikaliligaya ng puso't isip nila.

Dahil gusto ko ring makita ang aking pag-ibig, sabi ng friend ko when he knew na magbo-Boracay ako, mag-Grindr daw ako. Eh hindi ko rin naman nagamit 'yong Grindr app ko sa iPad ko kasi napaka-reliable ng WiFi connection namin, eh. Ang bilis ng internet connection, super! Hay, ka-stress! Kaya 'yon, umuwi ako mula Boracay na single pa rin. Well, gano'n talaga siguro. You can't have it all. Binigyan ka na nga ng Diyos ng beauty and brains gusto mo may lovelife ka pa. Abuso na.

I'm not looking for a foreigner naman na maging first boyfriend ko. I'm looking for true love. Kahit anong lahi basta mahal ko at mahal ako. Siguro lahat naman tayo ang hanap ay ang tunay na magmamahal sa atin, right? Pero saang dagat ba kita makikita? Nasaan ka na ba? Anong klaseng isda ka ba?

*****

BE FRIENDS WITH JAHRIC LAGO! ❤
Facebook: /JahricLagoOfficial
YouTube: /JahricLago
Instagram: @JahricLago
Wattpad: @JahricLago

Buti Pa Ang Leron Leron May Sinta by Jahric Lago (Published under TBC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon