"Stop it. Inaantay ka na sa loob." Sabi nya dito ng hindi tumitingin.

"Hindi lang ako. Pati na rin ang asawa ko." Nakangising sabi nito.

Now I'm crazy!

Nauna syang lumabas ng kotse at saka sya nakangiting naglahad ng kamay para alalayan sa paglabas. Noong una ay nag-aalinlangan syang abutin ito. Pero dahil iba ang takbo ng kanyang puso at utak, sa huli ay tinanggap nya ito.

Alam ko namang nandyan sya sa kung ano man ang mangyari.

"Ready?" Nakangiti naman syang tumango dito.

Unti unting bumukas ang pinto. Lahat ng mata ay nakatutok sa kanila. Kaya naman humigpit ang hawak ni Max sa braso ni Sam.

"Don't be afraid. I'm here." Seryosing sabi nito kaya naman unti unting kumalma ang kanyang dibdib.

Nagpalakpakan ang mga tao ng pumasok na sila sa loob. Ngumiti naman sya sa mga bumabati sa kanila.

"Sino sya?"

"I don't know."

"Magaling pumili itong si Sam ah."

"Yeah. She's pretty."

"Hala. Si Max?"

"Si Max yan?"

"Hala oo nga!"

"It's okay." Bulong sa kanya ni Sam. Umupo sila sa unahan kung saan malapit sa stage.

Iniikot nya ang kanyang mata at saka tinignan ang buong paligid. May sari sariling mundo ang mga tao. Merong nag-uusap tungkol sa personal na buhay at ang iba ay tungkol sa business.

May lumapit sa kanilang mag-asawa na medyo katandaan na.

"Good Morning Mr. Walton. Long time no see." Masayang bati nito kay Sam. Kaya naman tumayo sila at Kinamayan nya naman ang lalaki.

"Thank you for coming Mr. Gonzaga."

"My pleasure..." Tumingin ito kay Max saka ngumiti saka bumaling ulit kay Sam.

"Napakaganda naman ng binibining kasama mo iho. What's her name?" Mas lalong ngumiti si Sam at saka tumingin sa kanya. Hinapit sya nito sa beywang bago magsalita.

"She's Maxine Dela Cruz. My Wife." Taas noong sabi nito. Si Max naman ay namumula na ang mukha dahil sa hindi malamang dahilan. Kilig ba o hiya? Pero mas lamang ang kilig.

"Nice to meet you Maxine." Sabi ng ginang na kasama nito. Nakipagbeso beso naman sya dito at nakipagkamay sa lalaki.

"Nice to meet you too Madam." Nakangiting sabi nito. Nagkwentuhan naman ang mga ito. Sya naman ay umiinom lang ng ice tea. Ni hindi nga sya makagalaw ng maayos dahil hawak ni Sam ang kanyang kamay. Buong oras ganon ang gawa ni Sam sa kanya. Kung hindi hawak sa kamay, ay nakaakbay ito sa kanya. Madalas ay nakahapit ito sa baywang nya.

Naging kalmado naman si Max dahil hindi talaga sya nito pinabayaan. Maging sa pagpunta nya ng restroom ay nag-aabang ito sa labas.

"Sleepy?" Tanong nito sa kanya. Umiling naman sya upang sabihing okay lang pero hindi umayon sa kanya ang kanyang katawan dahil bigla nalang syang napahikab.

Mahinang tumawa si Sam saka hinigpitan ang hawak sa kamay nya.

"Let's go?" Bulong nito. Hinarap nya naman ito saka sya tinignan ng masama.

"Kumpanya mo to Sam. Kaya dapat nandito ka at ikaw ang mag-asikaso sa kanila. Dito lang ako. Okay lang ako." And then she gave him an assuring smile.

Bigla namang may lumapit sa kanila. And it was her friends.

Wala akong kaibigan. Mga kakilala ko lang sila.

"Uy Max! Ganda natin ah?" Masayang bungad ni Jasmine na katrabaho nya. Tinanguan naman sya nito.

"Salamat."

"Ang tagal mong di pumasok. Anong nangyari sayo?" Nag-aalalang tanong nito. Bigla tuloy syang nagtaka.

Matagal? Gaano katagal?

"Ha? Ahh ehh. Ilang araw ba akong nawala?" Tanong nito. Bigla na namang bumalik ang kyuryosidad sa kanyang katawan. Nawala kasi ito sa kanyang isip at hindi na nya ito naalala pa dahil sa mga nangyayari.

"Anong araw? Isang buwan ka ng wala. Nagbasyon ka daw sabi ni Boss." Bigla naman syang nabigla at ang kanyang baso na iniinuman ay natumba. Bigla tuloy nabasa ang kanyang gown.

Napatingin si Sam dito.

"Are you okay? Samahan kita sa Restroom?" Hindi naman umimik si Max. Hindi pa din sya makapaniwala na isang buwan syang wala. Parang noong isang linggo lang ay binigyan pa sya ni Sheena ng invitation.

"I-I'm fine. E-excuse me." Mabilis syang tumayo at saka dali daling kinuha ang purse na kanyang dala. Nagmamadali syang maglakad palabas ng pinto.

B-bakit di nila sinabi sa akin?

Malaking bagay para sa kanya na malaman kung ano ang nangyari sa kanya nitong mga nakaraan. Kaya naman gustong gusto nya itong alamin. Maganda man o hindi ang dahilan.









*~*~*~*~*~*~

Yey! Update na naman.

Libre lait...








Si Seo Woo nagparayaaaaa. WAAAAH. Naiyak ako dun.

Cinderella and the four Knights❤







Note: Expect typos and Grammatical errors.














~ Sky❤

My Forged Wedding [ON-GOING]Where stories live. Discover now