Chapter 29

985 18 0
                                    

Gian POV

"Magkwento ka naman kuya .Halos lahat ng tungkol sa buhay ko nakwento ko na" sabi ni Catalina habang naglalakad kami pauwi sa bahay.Pinauwi ko na si Coala kanina pa.

"Wala akong ikwekwento .Isa pa mas gusto kong marinig kung ano na bang ginagawa mo sa buhay" sagot ko sa kanya

"Oo nga pala .paano kayo nagkakilala ni Cola?" Tanong niya bigla

"Nakilala ko siya sa isang bar.Hindi siya isang tao na inaakala mo kaya layuan mo siya" sabi ko sa kanya

"Bakit ?Anong meron sa kanya?" tanong niya

"Hindi ko alam.Nararamdaman ko lang" sagot ko sa kanya

"ahh .Naiintindihan ko kuya kung ayaw mong magkwento sa buhay mo" sabi ni Catalina saka ngumiti sakin

"Alam mo bang isa nako sa 5 shadow.Yung 5 shadow ay ang mga assassin sa Shadow Corp na pinakamagagaling.Hindi man ako naging pulis tulad nila Mom naging assassin naman ako na magproprotekta rin sa mga mamayan.Pangarap mo din naman ito" sabi niya.

Alam ko na ang tungkol don dahil lagi ko naman siyang sinusundan.Ilang buwan narin simula ng tumigil ako sa pagsunod sa kanya dahil sa tingin ko kaya na niya ang sarili niya.

"Salamat sa mga pinapadala mo sakin pero sa tingin ko kaya ko nading suportahan ang sarili ko dahil may trabaho at ipon nadin ako" sabi ni Catalina.Napangiti naman ako .Lumaki na talaga siya.

"Sa tingin ko successful ka na sa buhay Kuya hintayin moko dahil malapit nadin akong makapagtapos at maging ganap na successful .Sana lang alam ko kung saan kita pupuntahan pag namimiss kita" sabi ni Catalina.

"Magkita tayo minsan sa isang buwan.Same place same time" sabi ko sa kanya na ikinatuwa niya naman

"Tungkol pala kay Cola hindi ko pwedeng layuan siya dahil isa siya sa mga misyon ko.Sa tingin ko kasi isa siya sa Black Ace" Napatigil ako sa sinabi niya

"Itigil mo na ang pagiimbestiga mo sa kanya.Sa pagkakaalam ko mapanganib ang mga taong iyon" sabi ko

"Wag kang magalala sakin.Kaya ko na ang sarili ko.Ipagpaumanhin mo kung hindi ko masusunod ang sinasabi mo kuya may dahilan kasi" sabi niya

Tinignan ko siyang mabuti.Misyon niya nga ba ang tunay na dahilan kaya nakikipagkita siya kay Cola?

"Dito kana matulog kahit ngayon lang" sabi niya sakin pagdating namin sa bahay

Hindi naman ako sumagot at pumasok sa bahay .Ilang taon nadin ang nakalipas simula ng huli akong nakapasok dito.

"Magbibihis lang ako" sabi ni Catalina.

Tumango ako at dumiretso sa kwarto ko.Malinis parin kahit ilang taon nang hindi nagagamit.

Napatingin ako sa isang picture frame na nasa tabi ng iba pa .Picture ni Jane.Itinaob ko ito saka parang pagod na pagod na napahiga sa kama ko.Dati ko siyang girlfriend

Parang kahapon lang nangyari ang lahat.Sabi ko naman sa kanya wag na siyang tumuloy nung araw na iyon pero ang misyon talaga ay misyon.Hindi mo pwedeng talikuran.

Naaalala ko pa lahat ng nangyari sa nakaraan .Dumating ako sa isang abandonang factory at agad na hinanap si Catalina.Nagiiyakan ang mga tao non.Nakita ko si Catalina na humahagulgol sa tabi ng dalawang pulis na nakahiga.Gusto kong magawala ng mga oras na iyon pero hindi ko magawa.Nilapitan ko si catalina at pinatahan.Nagbuwis ng buhay ang magulang namin para sa mga nangangailangan ,hindi nila pagsisihan yon pero kami ang naiwang luhaan.Wala akong magagawa at kailangan na tanggapin ang lahat.Matapos ang nangyari kinailangan kong humanap na ng trabaho para masuportahan kaming dalawa ni Catalina.Napasok ako sa isang Shadow Corp kung saan magtratrabaho bilang assassin.Doon din nagtratrabaho si Jane naassign siya na patayin ang isang pamilya.Nung mga araw na iyon naglalaban laban sa posisyon kaya nauuso ang patayan.Sinabi ko sa kanya non na wag na siyang tumuloy pero hindi ko siya napigilan .Fail ang misyon nila lahat sila namatay.Hindi nila inaasahan ang lahat.Kilala ko kung sino ang pumatay sa kanya.Si Allen.Tandang tanda kopa sa mga building non kung paanong gumalaw ang taong iyon at nakipaglaban sa mga assassin.Bihasang bihasa ito at maski ako ay walang nagawa habang tinitignan sila.Wala akong nagawa...Wala akong masisi dahil trabaho nila yon.Hindi ko maalis sa isipan ko si Allen at kung paano niya patayin si Jane.Ilang lingo ako nagplano kung paano ko siya papatayin pero bandang huli hindi ko na itinuloy.Dahil pinagtanggol niya lang ang pamilya niya at sila Jane nagtratrabaho lang.Kailangan ko yung tanggapin.Ilang araw ang lumipas naassign ako na patayin mismo sa araw na iyon ang isang pamilya.

Ang pamilyang Reed .Walang ititirang buhay lahat sila papatayin.Hindi ko inaasahan na sila pala iyon.Nakatadhana?

Bumabagal ang paa ko habang papalapit sa babaeng halos kasing edad kolang din.Nagmamakaawa ito sakin habang humahagulgol.

Itinaas ko ang katana ko para patayin siya pero nagulat ako ng isang lalaki ang humarang at siya ang tinamaan.Mabilis ang pangyayari at hindi ko siya napansin.Pinatakas niya ang babae at sa tingin ko ay hindi ko na kayang habulin.

Nakatayo lang ako habang tinitignan siya ng lagpasan niya ko.Bakit niya ko nilagpasan?Nakita ko kung paano niya walang hirap pinatay ang mga assassin na kasama ko.

Nabitawan ko ang katana ko ng papalapit na ito sa akin.

"You have no control here. If you want justice be one of us" sabi nito at umalis na saka ako inabutan ng isang papel.Umalis nadin ako s a lugar na iyon.Nagresign ako sa Shadow Corp at hindi na bumalik pa.

At ngayon isa ako sa nagpapatakbo ng Black Ace.Sa grupong ito may katarungan at kontrolado mo ang lahat.Wala akong pakielam kung iba nag tingin nila samin ang mahalaga nagagawa ko ang gusto ko.Hindi kailangan ng pulis o assassin para prumotekta ng isang bagay.They are all just unfair and powerless.Hindi ko kailangan ng gobyernong kokontrol sakin.

Bigla kong naalala si Zhavria.Balita ko nahuli siya ng mga shadow.Buhay pa ba siya?Mahirap pumasok sa HQ nila at isa pa kilala nila ako doon.Pasensya na Reaper pero sa pagkakataong ito hindi kita matutulungan.

Catalina POV

Napasandal ako sa pinto saka napangiti.I miss him.I was so happy na nabigyan ako ng pagkakataon na Makita si kuya pero...sana lang mali ang ako...Ayokong tumalikod...Hindi ko sila maliligtas na dalawa pero hindi ko makakayang hayaan nalang ang mga bagay na yon.

Napahawak ako sa dibdib ko.Walang sumasaksak sakin pero napakasakit .Ganto ang pakiramdam kapag pinupunit ang pakiramdam mo .Iniisip mopalang ang mga mangyayari ay nasasaktan nako.Haist.

Assassinating  the Mafia BossWhere stories live. Discover now