Chapter 27

989 29 0
                                    

Maxima POV

Agad akong bumaba sa taxi ng bumaba at pumasok si Damon sa isang pasilyo.Nakita ko na nakatingin pa sakin mabuti ang driver habang binabayaran ko siya at may takot sa mukha.Sino ba naman ang matatakot kung ang pasahero mo ay may dalang M14 rifle.Pasensya na manong dahil madalian kolang ito makuha sa HQ at hindi ko na nagawang itago para maabutan ang kotse ni Damon na naistuck sa traffic.

Pumasok nadin ako sa may pasilyo.Medyo mabaho dito at madilim.Nagpupunta pala ang tulad niyang arogante dito?Ano naman ang gagawin niya dito?Agad akong sumiksik sa may gilid ng lumingon ito.May mga dala itong malalaking eco bag na mga naksarado.Ano kayang laman nito? Hindi kaya mga droga?Wag mong sabihin na siya mismo ang magdedeliver.Napasilip ako at sinundan muli siya.Umakyat ako sa may puno ng makitang umupo ito sa isang tabi at napainom sa bottled water na dala dala nito.

Napakainit kasi.Lumingon lingon pa ito sa paligid at parang tinitignan kung may sumusunod sa kanya.

Sinasabi ko na nga ba .Dito siya makikipagdeal sa mga binebentahan niya ng droga.Iba talaga ang mga black ace mga malaanghel ang itsura pero mga demonyo pala.Hinanda ko na ang M14 rifle na dala ko para asintahin siya .Hindi ko alam kung ganon talaga siya kagaling para mailagan ang bala nito.Kung nailagan niya dati ang bala ng nakatalikod siya may posibilidad din na mailagan niya ito.Itatago ko ang presensya ko at ng baril na nakatutok sa kanya para hindi siya makaramdam.

Tumingin ako sa may rear sight ng rifle.Kung hindi siya makakailag tatama ang bala ko sa parte ng katawan niya na inaasinta ko.Ilang ilag lang ang pwedeng niyang gawin at kng papuputukan ko ang lugar na iilagan niya ay siguradong may isang siguradong bala na tatama sa kanya.

San ko siya aasintahin ngayon? Sa puso ?Para malaman natin kung bato talaga ito? Sobrang cold niya kasi at parang walang awa sa mundo.Titignan ko din kung sino ang laman ng puso niya at kapag lumabas si Kim don babarilin ko din siya .Hindi pwedeng siya ,ako dapat.Tinuktukan ko ang sarili ko pakiramdam ko nababaliw nako dahil sa mga naiisip ko.Anong ako dapat?Ano bang pinagsasabi ko?Nababaliw na nga talaga ako.Maxima tandaan mo,ang lalaking yan ay si Damon Scheigner ang Mafia Boss at Pinakaleader ng Black Ace.Kasama sa kilala at most wanted na grupo sa mundo.Mapanganib siyang tao hindi ka dapat mahulog sa kanya dahil kailangan mo siyang patayin.Kaya ka lumalapit sa kanya dahil sa misyon mo.Misyon na patayin ang Mafia Boss.

Napakagat ako sa labi ko at inasintang mabuti ang baril gamit nag rear sight ng rifle.Kaya mo bang protektahan ang sarili mo ngayon Damon?

Naramdaman ko ang panglalamig at panginginig ng kamay ko habang hawak hawak ang gatilyo.

Anong nangyayari?Bakit parang hindi ko kaya?Diniinan ko ang pagkagat sa labi ko.

1....

2....

3....

Napatigil ako ng makitang may ngiti na gumuhit sa mukha ni Damon ng mapatingin ito sa gilid.Agad kong tinignan ang direksyon nayon.Nakita ko ang mga madre at mga batang naglalakad papunta sa kinalalagyan ni Damon.

Pagdating nila ay binuksan ni Damon ang mga eco bag at nilabas doon ang mga laruan at mga pagkain .May mga damit pa.

Is he really the Mafia Boss ? Siya nga ba talaga ang hinahanap ko na leader ng Black Ace o baka hindi talaga siya yon.Baka naman siya na ang matagal ko nang hinahanap na nagligtas sakin.

Bakit ba ginugulo moko Damon.Lahat ng iniisip ko gumugulo na.Tignan niyo nga ?! Papaanong hindi ako tuluyang mahulog sa taong ito?Bad side pangalang gusto ko na siya pano pa pagnakita kona ang good side niya.Damn!

Hindi ako pwedeng mahulog sa isang tulad niya.Tama! Niloloko kalang ng mata mo Maxima.Siguro ay planado ang lahat ng ito at alam niyang sinusundan ko siya at ginagawa niya to para malinlang ako.

Third Person POV

Napakunot si Damon at ibinaba ang karga niyang bata.Pakiramadam niya ay may nakamasid sa kanya.Tumingin tingin ito sa paligid ngunit wala itong nakita.Lumapit ito sa madre para iabot pa ang ibang bitbit niya.

"I think I should go." paalam nito

"Maraming salamat.Pagpalain ka" sabi ng madre dito

Ngumiti naman saglit si Damon at tumingin sa mga bata.May dahilan siya kaya niya ginagawa ito at tanda narin ito ng pasasalamat niya.

Sa kabilang banda ay muling inaasinta ng babaeng nasa puno ang lalaking nasa malayo.Isa ang nasa isip niya kailangan patayin niya na ito ngunit malaking parte sa kanya ang pumipigil.Hinawakan niya ang gatilyo ng hawak hawak niyang rifle.Medyo nagaalangan siya na paputukin ang baril dahil sa mga bata at madreng nakapaligid at sa bansang huli ay nawala na ang lakas ng loob na paputukin ito.

Sa tingin niya ay hindi niya na kaya.

Napatingin si Damon sa may puno at kumislap doon ang isang bagay at alam niya ang bagay na ito.

"Umuwi nadin kayo" utos ni Damon sa mga Madre .Nagsitanguan ang mga ito at muling nagpasalamat.

Samantala ay nadulas si Maxima sa pagkakasandal sa puno at aksidenteng nakabit ang gatilyo ng baril.

----

BANG

----

Dapat ay sa may mga galon ng gasolina sa bandang likod ng mga bata tatama ang bala pero..

Maxima POV

Nanlaki ang mga mata ko ng dumulas ang daliri ko at nakabit ang gatilyo ng rifle.

Agad akong napatingin sa lugar kung saan naroon sila Damon at nakita ko na nakatayo si Damon at parang napahinga ng maluwag habang nakahawak sa balikat.

NAkita ko na mga gulat ang mga nandon.Nakahinga ako ng maluwag ng makitang walang tinamaan.

Nakita ko na nagsisialisan na ang mga taong nandoon at nagpaalam na kay Damon.

Ngumingiti talaga siya pero bakit pag ako ang kaharap nakasimangot.

Dahan Dahan akong bumaba ng nakalagpas si Damon sa may puno pero nagulat ako ng lumingon ito sa kinalalagyan ko at nakita ako.

Wala nanaman itong emosyon.

"Hindi ko balak na iharm sila.Nadulas lang ang kamay ko" sabi ko.Mukhang magagalit nanaman ito dahil sa nagawa ko.

"Sabihin mo isa kaba sa mga magagaling na assassin?" tanong nito.Hindi naman ako nakasagot agad

"Para ka kasing beginner tsk" dagdag nito sa cold na boses saka tumalikod.

"Wala naman tinamaan ha" sabi ko pero hindi na niya ko pinasin at nagpatuloy na sa paglalakad.

Damon POV

Pagkapasok ko sa kotse ay tinanggal ko na ang pagtatakip ko sa may balikat ko at tuluyan ng tumulo doon ang dugo.

If I was not that alert baka kanina pa nagkaroon ng pagsabog doon kasama ang mga inosenteng bata.

Dinukot ko ang bumaong bala sa balikat ko at napapikit .Malalim ang pagkakabaon ito.Tsk

Assassinating  the Mafia BossWhere stories live. Discover now