Chapter 10

1.2K 30 0
                                    


Maxima POV

Hindi ko parin malimutan ang nangyari kahapon.Una yung warning at pangalawa si Damon.Hindi ko alam kung pupunta bako sa lugar na nakasulat sa papel o hindi na .5:30 ng hapon ang nakalagay doon.Malakas ang pakiramdam ko na siya ang Mafia Boss.Dahil narin sa pinakita niya kahapon.Yun yung presensyang naramdaman ko nung Makita ko ang mafia boss sa may underground.

*Ting* *Ting*

Napatigil ako ng marinig ko ang doorbell.Agad akong pumunta sa may pinto para pagbuksan ang taong nandon.Sino naman kaya ang bisita ko ng ganitong oras. Alas tres palang ng madaling araw.Nagulat ako ng Makita ko si Tanner na may malungkot na mukha.Dati naman lagi siyang nakangiti pagnakikita niya ko pero ngayon ibang iba ang mukha niya.

"Tanner" tawag ko sa pangalan niya

"May problema ba?"

Dagdag ko.

Nagulat ako ng bigla niya kong niyakap.Amoy alak siya at siguradong nakainom.

"Hey .May problema ba?" ulit ko sa tanong ko sa kanya.

"Can we just escape here and forget everything and just live happily?"

Malungkot niyang tanong sakin at kumalas sa pagkakayakap

"Just say you want it and I'm ready to give up everything" dagdag niya pa

Medyo naguluhan ako sa sinasabi niya.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko

Nakita ko na namumula ang mga mata niya at parang umiyak.

"Pack your things ...Let's go...Let's leave this country.Forget them and live with me " sabi niya at hinatak ako sa may kwarto.

"Wait Tanner what do you mean?" hanggang ngayon ay naguguluhan ako sa sinasabi niya.

Napahinto naman siya at tumingin ng diretso sa mga mata ko.

"Do you love me?" diretso niyang tanong.

Napatigil ako.

Alam naman ng lahat ang sagot niyan noon pa man but from this moment bigla nalang ako nagdalawang isip sa isasagot ko.

Hindi ko alam kung bakit.

Do I love him??

"Yes " matipid kong sagot at tila nagliwanag ang mukha niya saka ako niyakap muli.

"But please explain everything" dagdag ko

***

Arrange marriage??Tila may tumusok sa puso ko ng narinig ko ang sinabi ni Tanner.

"Bakit hindi mo nalang sabihin sa kanila na ako yung taong gusto mo?" sabi ko okay tanner.

Hindi naman siya nagsalita ng sabihin ko yon.

"All I need is your answer Maxima.Are you going with me?"

Tanong niya sakin.

Napapikit ako at saka tumango.

***

I'm selfish at sa tingin ko dahil kay Tanner kaya ako naging ganto.Iiwan ko ang lahat para sa kanya.Pati yung pagiging assassin at mga pinaiimbestigahan ko kalilimutan kona.Tinatahak na namin ang daan papuntang airport.At hindi ko alam kung tama ba ang lahat ng ito.Lahat ng pinaghihirapan ko ngayon ay bibitawan kona.

Mag aala siyete na ng gabi at walang bituin sa langit.Mukhang uulan pa.

Napatingin ako kay Tanner .Ramdam niya siguro ang pagtingin ko kaya ngumiti siya.

"Thank You" sabi niya at hinawakan ang kamay ko.

Ngumiti din ako sa kanya.

Ok lang ito si Tanner naman ang kasama ko.Pero may konting kaba parin akong nararamdaman.

Napatingin ako sa kotseng biglang humarang sa may unahan.

Biglang bumaba doon ang isang babae.Unang tingin ko palang dito ay alam konang hindi siya ordinaryong tao lang.

"Kim" narinig kong mahinang sabi ni Tanner.

Dumiretso sa may tapat ko yung babae at binuksan ang pintuan .

Bumaba naman ako .Nakita ko na lumapit agad sakin si Tanner sakin.

"Stay away from her and please let us go" sabi ni Tanner

Kim... Siya yung taong nakatakdang pakasalan ni Tanner.

"No ." sabi ni Kim at hinawakan sa kamay si Tanner.

"Please Kim " sabi ni Tanner at lumayo sa kanya.

"I guess ito rin yung ginawa mo nung ikakasal kana dati.So tell me Tanner same person pa rin ba ang dahilan?"

Sarkastikong sabi ni Kim.Napakunot ang noo ko sa sinabi ng babaeng kaharap naming.

"What do you mean?" kunot na tanong na sabi ni Tanner

"oh really ? acting innocent infront of that girl?Diba may tinakasan kanang kasal dati" sabi ni Kim at napasmirk.

Napatingin ako kay Tanner.Meron nga ba? Palagi niyang sinasabi sakin na parang may kulang sa buhay niya.Siguro yun yung babaeng tinakasan niya

Kita ko na parang naguguluhan si Tanner.

"No .I'm not as long as I remember kahit kailan wala pakong babaeng inayang pakasalan o iniharap sa altar .Dont be a storymaker Kim"

Sabi ni Tanner.

Nakita ko na ang noo naman ni Kim ang napakunot.

"Impossible.A wrong information?"

Rinig ko na bulong ni Kim.

Nakita ko na napahawak si Tanner sa ulo at parang may inindang sakit.

"Let's go" sabi ni Tanner at hinawakan ang kamay ko at hinatak papunta sa taxi.

"How about your parent? You're dream and the memories of your sister"

Napatigil si Tanner ng sabihin yon ni Kim.

"Choose now Tanner. Don't waste your sister sacrifices"

Sabi ni Kim.

Nagkaroon ng katahimikan sa gitna naming tatlo.

Maya maya pa ay naramdaman ko ang pagluwag ng pagkakahawak sa kamay ko ni Tanner kaya napatingin ako dito.

At tuluyan niya itong binitawan.

"I'm sorry.Nabigla ako" sabi ni Tanner sakin.

"Please wait for me aayusin kolang ang lahat." dagdag pa niya at mabagal na sumakay sa kotse ni Kim.

Napatingin ako kay Kim pati rin siya.

"Wise choice." Sabi ni Kim at umalis narin sa harapan ko.

Napatingin ako sa kotseng papalayo sa harap ko.

Ang bilis...

Naramdaman ko ang pagpatak ng ulan.Palakas ng palakas.Ramdam ko din ang mainit na likidong tumulo mula sa mata ko.

"Maam sumakay napo kayo sa Taxi baka magkasakit po kayo"

Rinig ko na sabi nung taxidriver

Bakit...?

***

Third Person POV

Napatingin ang lalaking nakaitim at nakamaskara sa may relo niya. 10 pm na ng gabi. Mag aanim na oras na siyang naghihintay at kanina pa siya at tatlong oras na siyang nakababad sa ulan.Umalis siya sa pagkakasandal sa may poste sa may gilid.Sa lakas ng ulan at lalim ng gabi ay wala na ang mga tao sa paligid.

Tanging ang kahel na ilaw sa poste nalang ang nagbibigay liwanag sa madilim at malabong paligid.

Humakbang siya palayo sa may liwanag at ngayon ay hindi narin siya makikita kahit may taong dumaan pa.

Tinanggal niya ang kanyang maskara saka tumingala at pumikit.Dinama niya ang malakas na ulan.Mga ilang minuto lang ay huminto nadin ang ulan kasabay non ay ang mabilis na pagkawala ng nakatayong lalaki sa kanina.

Assassinating  the Mafia BossNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ