Chapter 24

981 25 0
                                    

Maxima POV

Hindi ko magawang tumingin sa kaharap ko ngayon.Nakakatakot at nakakapanglamig ang presensyang nagmumula kay Damon.

"You..." malamig na sabi niya

"Look at me" dagdag niya pa .Unti unti kong inangat ang tingin ko at tumingin ng diretso kay Damon.

"Do you know how worried am I to Carl?" Kalmado pero madiin ang pagkakasabi niya doon.Mukhang galit nga siya

"A-ang ...Ang OA mo naman Damon .Parang hinatid lang yung ka-"

"Who are you? It's not your responsibility to do that." putol niya sa sinasabi ko at parang pinipigilan niya lang ang sumigaw at magwala.

Bakit ba ganoon nalang ang galit niya .

"Kaibigan niya ko...Friends kami.Masama bana ihatid ko siya?!" sabi ko sa palakas na boses.

Napahampas naman siya sa lamesang nasa harap naming dalawa.

"Is that how desperate you are Ms. Maxima Reed na pati kapatid ko gagamitin mo" sabi nito .Napatahimik ako sa sinabi niya.

"Oo inaya kong ihahatid si carl para malaman kung saan kayo nakatira pero wala naman akong gagawing masama sa Kapatid mo hindi ako mandurukot o masamang tao!" sabi ko sa kanya

"No.Whatever you say that's how I see you now" sabi niya na parang disappointed sakin.

"Teka.Safe naman ang kapatid mo pinakain ko panga siya kung masama ako hindi mo na maabutan ng buhay ngayon ang kapatid mo" sabi ko at medyo nainis sa sinabi niya.

"Do you want to die now?!" Malakas na sabi niya at itinaob ang mesa sa harap.Ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko.Anong dahilan at sobra ang galit niya ngayon?Dahil ba kay Carl??Ganon ba siya nagaalala sa kapatid niya?

Inilabas ko ang katana ko sa gilid ko ng lumapit siya.Mukhang papatayin niya nako.

"Wag kang lalapit!" sabi ko saka hinawakan ng mahigpit ang katana .

"Hmm.How do you prefer to die?" tanong niya na parang normal na normal lang ang pagpatay.

Akala ko ba hindi niya ko sasaktan habang may contract kami?Ano kaba Maxima? Sa Mafia Boss ka nakipagkontrata malamang pwedeng pwede siyang sumalungat sa sinabi niya.

Inihampas ko ang Katana ko sa kanya ng lumapit siya pero hinawakan niya ang kamay ko at pinaikot sa kabilang kamay niya ang Katana kaya nabitawan ko ito at naagaw niya.Itinulak niya ko sa may dingding at sinaksak sa may malapit sakin ang katana.Tumama ito sa may dingding at konti lang ang awang sa pagitan ng leeg ko at ng Katana.Medyo bumilis ang hininga ko sa ginawa niya.

"Kapag gumawa ka ng bagay na ipapahamak ni Carl o pagtangkaan mo ang buhay niya hindi ako magdadalawang isip na patayin ka" bulong niya sakin na parang may kung ano akong naramdaman .

Lumayo naman siya sakin

Medyo nakahinga naman ako ng maluwag .Hawak hawak niya ang katana ko at hanggang ngayon ay nakatingin parin siya dito.Napakunot ang noo ko at tila may parte sakin na hinihintay ang sasabihin niya.

May naalala kaya siya dito?Yan yung katana ng naiwan ng taong humabol sakin non baka kilala niya.

Lumapit naman ako sa kanya.

"Kilala mo ba ang katana na yan?" tanong ko

Napatingin naman siya sakin

"Hindi" sagot niya

"Bakit tinitignan mo pa?" medyo disappoint na tanong ko

"Iniisip ko na baka ito ang bagay na papatay sakin " sabi niya at initsa sakin ang katana

Sinalo ko naman ito at napaisip sa sinabi niya

Napangiti naman ako ng konti pero sarcastic

"Siguro nga ... " sabi ko at itinago na ang katana

"Any report?" tanong niya

"Wala" sagot ko

"Tss.Baka maunahan pa kita .Napakabagal mong kumilos parang hindi ka assassin" sabi niya saka umupo at tumingin sakin.

Insulto ang dating sakin ng pagkakasabi niya

"Hindi lang ganon kadali ang gusto mong mangyari.Isa pa akala ko ba ikaw ang papasok sa HQ anong nangyari .Wala naman" inis na sabi ko

"Sa tingin ko nagagalit ka dahil hindi ako natuloy.Did you wait for me?" tanong niya

"Oo, malamang kasi sabi mo pupunta ka" sabi ko at napairap.

"Hmm yeah pero sinabi ko rin naman na cancel" sabi niya

Hindi na lang ako sumagot at kinuha ang bag ko.

"Bihira ka umatake .Nasa isip mo pa ba na patayin ako?" tanong niya

"Remember every second is a chance" dagdag niya.

Paano ko siya aatakihin kung may parte sakin na may pumipigil.Paano ko siya papatayin kung hindi pa nasasagot ang tanong ko sa kanya.Paano ko gagawin ang bagay na tila ikinatatakot ko.Paano ko gagawin ang lahat ng iyon sa taong parang nahulog nako.

"Pinagplaplanuhan ko pa kung paano ka mamatay " sabi ko sa kanya

"Aalis na ako" dagdag ko at mabagal na lumakad papunta ng pinto.Wala man lang hatid na kita tss.

Padabog kong sinarado ang pinto at umuwi na.

Damon Scheigner bakit sayo pa...Nahuhulog na nga ba ako sayo?Dahil ba iniisip ko na ikaw ang taong sumagip sakin non? Dahil ba ikaw talaga yon?

Kailangan ko talaga ng sagot sa tanong ko.

Napatingin ako sa phone ko ng magvibrate sinagot ko ito

"Hello?" bati ko sa kabila.

"Kilala ko na ang grupo na pumatay sa mga magulang mo" sagot ng nasa kabilang linya.

Napahawak ako sa dibdib ko ng marinig ang sinabi niya.

"Magkita tayo ngayon " sabi ko dito

***

"Isang grupo ng mga assassin ang mga taong pumatay sa magulang mo.Ayon sa research ko galing isang sikat na organization ang mga assassin na ito.Yun ay ang Shadow Corporation" sabi ng babaeng kaharap ko

Napatigil ako sa sinabi niya.

Assassins? Shadow?l

"Sigurado ka?" gulat na tanong ko

"Matagal ko itong sinasagawa at puro totoo at credible ang pinanggagalingan ng mga impormasyon na nakukuha ko kaya sigurado ako dito" sagot nito

Napakagat ako sa labi ko ,sinong magaakala na doon pala galing ang mga taong pumatay kila mom.

"Yung araw na iyon ay ang mga araw na panahon ng botohan sa kompanya na pinagtatrabahuhan ng magulang mo.Nalaman ko na sila ang dapat na mapropromote sa kopanya pero dahil sa nangyari iba ang pumalit sa kanila sa palagay ko yung taong pumalit at napromote sa posisyon ng mga magulang mo ay ang taong nagutos na patayin kayong lahat.Wala na kasing ibang impormasyon pa akong Makita dahil lahat burado pero isa lang ang sinisugarado ko kilala ng nakatakas na assassin ang taong iyon dahil ayon sa nakalap ko bago nila gawin ang misyon ay nakipagkita muna sila sa kliyente."

Mahabang salaysay ng kaharap ko

"Nahanap ko na ang assassin na ito.Si Gian Santivanez.Ang problema natin dito ay nawawala siya at hindi na siya Makita"

Dagdag nito.

Napahigpit ang pagkakahwak ko sa baso.Gian Santivanez...

Assassinating  the Mafia BossWhere stories live. Discover now