Chapter 25

1K 17 0
                                    

Maxima POV

Sa tingin ko narinig ko na ang pangalan na Gian Santivanez pero hindi ko lang maalala kung saan.Siguradong buhay pa siya o nagtratrabaho parin siya bilang assassin dahil wala ang ibang impormasyon tungkol sa kanya.Pero bakit wala na siya ngayon sa Shadow Corp? Hindi na siya nagtratrabaho doon at wala narin siyang masyadong record.

Napatingin ako sa kadadating lang na si Catalina.Napansin ko na lagi siyang nakangiti nitong mga nagdaan na araw.

"balita ko wala paring impormasyon na nakukuha kay Reaper" bungad ni Catalina

Tama siya tatlong araw na siyang nasa white room pero hanggang ngayon wala parin

Tumango naman ako

"Masaya ka ata lagi" sabi ko sa kanya

Napatingin naman siya bigla sakin

"Ako?Mukha ba kong Masaya?" gulat na tanong niya

"Oo mukha ngang inlove ka" sabi ko

"Ha?! Anong inlove ?? Hindi pwede yon!" sabi niya

"Oo nga pala naalala ko Santivanez ang apelyido mo baka may kilala kang GIan Santivanez" sabi ko sa kanya na parang ikinatahimik niya .

"Bakit?" Tanong niya

"Ah wala iniisip kolang kung saan ko narinig ang pangalan na yon" sabi ko at napakagat ng labi saka napatingin sa taong dumaan.Parang pamilyar sakin ang mukha pero hindi ko alam dahil nakasuot ng face mask.

"Nakalimutan mo na ba? Kuya ko yon diba nakwento ko na sayo siya dati" sabi niya

Napatingin naman ako agad sa kanya.

Kuya niya?Damn oo nga pala naalala ko.Pero anong mangyayrari sabi niya wala na siyang koneksyon o ano mang balita sa kuya niya. may posibilidad na magkapangalan lang sila ng hinahanap ko.

"ahhh oo nga pala.Wala ka naba talagang balita sa kuya mo?" Tanong ko

"Wala na " Malungkot na sagot niya

"Ahm meron kabang picture niya?" tanong ko

"Oo naman" sagot niya

"Ok lang ba na Makita ko?" tanong ko.Mukha namang nagtaka siya

"Ah sure pero nakatago kasi siya ,hahanapin kopa .Ibibigay ko sayo pag nakita ko na" sabi niya

Ngumiti naman ako

Malapit nako sa katotohanan...

Someone POV

Napatigil ako at napatingin sa babaeng nadaanan ko.May kausap itong isa pa.She already grew up .Napangiti ako that's black shadow.

Sorry dahil hindi ko sila naprotektahan I was too late but don't worry wala narin naman na ang mga taong may gawa noon.

Kamukhang kamukha mo talaga siya Allen.

***

Napatingin ako sa may bintana ng office ko.Nasan na kaya ang dalawang anak nila?Magaling at nagawa nilang itago agad ang identity ng dalawa bago sila mawala tsk.Napatingin ako sa baba kung saan nagkukubli sa poste ang dalawang lalaki.Tama nga ako may sumusunod sakin mukhang wrong move na dumiretso agad ako dito.

Naramdaman ko ang biglang lakas ng kabog sa dibdib ko.Maaari kayang isa sa anak nila ang gumagawa ng imbestigasyon sakin?Mukhang nasira na nila ang depensa ko pagdating sa impormasyon.Tsk at kung hinahanap nila ako siguradong hinahanap nadin nila ang nakatakas na anak ng pamilyang Reed...Si Maxima...

Roger POV

Napatingin ako sa taong kapapasok lang at may dalang karit. Si Deira.Ngumiti ako sa kanya saka siya niyakap ng makalapit siya sakin.

"Oras na" sabi niya

Tinutukoy niya ay ang simula ng mga huling araw ni Reaper sa mundo.Simula ngayong gabi ay gagamitan na siya ng dahas para sa impormasyon.Hindi siya titigilan hanggang mamatay siya that's how it works madudumihan nanaman ang puting kwarto.Simula na ng parusa sa lahat ng mga kasalanang nagawa niya.Ang araw na ito ay ang araw kung saan unti unti na siyang mabubura sa mundo.

Tumayo nako.

"Good Let's go?" aya ko sa kanya

***

Pagdating namin sa white room ay nakita namin si Tanner na nakatayo sa loob ng secret room sa loob.Nakatingin ito sa nakayukong si Reaper.

"Sa tingin mo ba magkakilala sila?" tanong bigla ni Deira .

Napatingin ako kay Tanner.Malalim ang iniisip nito at malungkot ang mata

"Hindi ko alam" sagot ko

"Simula ng dumating si Reaper sa HQ nagbago bigla si Tanner .Naging tahimik at laging nandyan sa secret room at take note lagi siyang nakatingin kay Reaper" sabi ni Deira na ikinakunot ng noo ko

That's weird.Si Deira naman ang nakaassign dito

"Baka naman inoobserbahan niya lang mabuti at umiisip ng paraan para mapaamin agad si Reaper" sabi ko sa kanya

"I don't think so.Tignan mo kung ano ang reaksyon ni Reaper kapag nakita niya si Tanner mamaya.Kakaiba ang reaksyon niya nung Makita niya si Tanner nung una" sabi ni Deira at tuluyan nang pumasok sa White Room.

Sumunod naman ako sa kanya .Nakita ko na lumabas narin si Tanner sa Secret Room kaya agad akong napatingin kay Reaper pero napakunot ang noo ko lalo ng makitang blanko lang ang mukha nito .Napatingin ako kay Deira na nagkibit balikat lang .Mukhang nililinlang lang kami ng babaeng ito.

Lumapit ako kay Reaper para higpitan pa ang tali niya.Nakita ko ang bakas ng tali sa balat niya.

"Ikaw yung taong bumaril sakin diba? Psh higpitan mo ang tali at siguraduhin mong hindi ako makakawala dahil pag nakawala ako dito ikaw ang mangunguna sa listahan ko Mr. Roger Montez" bulong nito na ikinagulat ko .Paano niyang nalaman ang pangalan ko?

Tumayo naman ako

"Makakalabas kalang ng kwartong ito kapag patay kana" sabi ko saka kinuha ang latigo sa may lamesa.

Zhavria POV

Tama nga ako naghihinala na sila na magkakilala kami ni Tanner.

Napasuka ako ng dugo ng hampasin ako ng latigo.Ramdam ko din ang pagtulo ng dugo ko sa dibdib .Mukhang muli nanamang magbubukas ang sugat ko .Napahawak ako ng mahigpit sa tali.Gusto ko siyang tignan pero hindi ko magawa.Hindi pwede dahil mas lalong maghihinala lang sila sa kanya.Gusto ko siyang yakapin ng mahigpit at sabihin ang lahat ng gusto kong sabihin sa kanya.

Nakalimutan mo na siguro ako Tanner baka dahil sa aksidente na nangyari noon pero sana nga at hindi mo na ako maalala baka may gawin kapa na ikapahamak mo okay na sakin na malaman na buhay kapa.

"Sino pa ang mga nasa grupo niyo?San kayo nagtatago?!" Tanong ng babae sa gilid ko

Ngumiti ako ng nakakaloko sa kanya

"Mamatay ako ng wala kayong nakukuhang impormasyon" sabi ko dito.

Tinadyakan naman niya ako sa dibdib kaya napayuko ako sa sakit

"Mukhang wala na kaming mapapala sayo kaya dapat ka nanang mamatay sa masakit na paraan" sabi nito at saka ako hinampas ng hinampas

Kahit pigilan ko ay patuloy na tumutulo ang dugo sa bibig ko.

Masyadong malupit sakin ang tadhana...

Assassinating  the Mafia BossWhere stories live. Discover now