Chapter 2

1.8K 35 1
                                    

Maxima POV

"HUHUHUHU MY CAT !!ATE PAKUHA NAMAN PLEASEEE"

Napatingin ako sa elementary ata na estudyante.Hindi ko alam kung umiiyak ba siya o sinisigawan ako.

Teka bat ako ang kukuha .Ate ako hindi kuya.

Lumapit ako sa may bata.

"Shhh..Wag ka nang umiyak ...Hayaan mo na yung pusa mo bababa din yan mamaya" sabi ko at ngumiti.

"HUWAAAA!!!"

iyak nito

susmiyo marimar

"shhh....shhhh.. wag kanang umiyak bababa din yan" sabi ko at pilit na pinapatahan yung bata

"HUWAAAAAH!!!" iyak nito at mas nilakasan pa.

Tumingin tingin ako sa paligid buti nalang at walang estudyante.Iwan ko nalang kaya to?Haist

"Wag kanang umiyak little boy kukuhanin na ni Ate" sabi ko.

Bigla namang tumahan yung bata.

Nagkibit balikat ako .At napahinga ng malalim .Dapat kumakain nako sa canteen kung hindi lang ako naharang ng batang ito.

Lunchbreak ko kaya.

Napatingin ako sa may puno.Medyo mataas nga siya.Dapat talaga sa isang path nalang ako dumaan.

Lumapit ako sa puno at nagsimulang umakyat.OK nakapalda pa naman ako .Buti nalang at nakashort ako sa loob.

"GO ATE YOU CAN DO IT!!" cheer sakin nung bata.Parang kanina lang umiiyak siya.

"Ming ming ming minggg" tawag ko sa pusa.

"Come on ming ming " sabi ko at medyo lumapit ito sakin.

Konti nalang at maabot ko na siya.

Gotcha!

Ang taba naman ng pusa na to kaya hindi makababa eh.

"YEHEY!!" Rinig kong sabi nung bata.

Tumingin naman ako sa kanya at iniwagayway yung mataba niyang pusa.

Tumingin ako sa baba.Tatalunin ko ba? hindi wag na mabato baka masugatan lang ako.

"Magdiet ka minsan matabang pusa" sabi ko at naghanda na pababa

"MEOWW!!" napaout of balance ako dahil sa naglikot yung pusa dahil may daga pala doon sa may butas ng puno .Damnn.

Hindi ko pa nahuhuli yung mafia boss mukhang maiinjured nako.Sinubukan ko humawak sa sanga na malapit sakin pero naputol ito.

"ATEE!!" Rinig kopa na sigaw nung bata.

At ayon tuluyan nakong nahulog.Naramdaman ko pa ang gasgas sa kamay ko.Likod ko pa ang tatama sa mga bato.

Ako na nga ang tumulong ee bat may karma.

Naramdaman ko ang smooth na pagbagsak ko.MAy sumalo sakin. Dalawang kamay...Napatingin ako sa taong sumalo sakin.

Sinalo ako ng anghel..Joke lang ..Tao pala mala anghel lang.Teka san to galing? Hindi ko siya nakita kanina

Sobrang galing ng pagkakasalo niya sakin.MAtaas yung binagsakan ko pero nang masalo niya ko hindi man lang ako nakaramdam kahit

anong sakit.Pro Catcher bato?

Napatitig ako sa mga mata nito.Kulay abo at bagay na bagay sa kanya...Akala ko si Tanner na ang pinakagwapo meron palang

papalag.

Ibinaba niya nako.

Tumakbo naman papalapit samin yung bata.

"What is it again Carl.?" tanong ng lalaking sumalo sakin.Estudyante din siya dito

"My cat" cute na sagot ng bata na ang pangalan ay Carl.

Nasa puno padin yung matabang pusa tsk tsk

Napatingin ako sa lalaki ng umakyat ito ng walang kahirap hirap at mula sa itaas ay tinalon niya lang pababa.

Kakaiba yung pagtalon niya.Sukat na sukat.

"Here.I told you not to bring it here" sabi nito kay Carl

"Ok" matipid na sagot ni Carl at parang nalungkot.

"Anong masama kung dalhin niya dito yung pusa" bulong ko

"Nakakaperwisyo ng ibang tao" cold na sabi ng lalaking katabi ko.

Mahina nayon narinig niya pa

"Thanks ATEE!" sabi ni Carl sakin

"tsk" rinig ko na sabi nung katabi ko.

Sungit pala nito.

Hinawakan ko yung matabang pusa.Kulay puti at ang cute cute.

"Kaano ano mo ba yang masungit na lalaki?Kua mo ba?" tanong ko medyo may hawig sila sa ibang anggulo

"He's my brother.Hindi lang halata because im more handsome " sabi ni Carl.

Napatawa naman ako ng mahina.

Isang Cute at Isang gwapo

Napatingin ako sa katabi ko pero wala na ito.Napatingin ako sa paligid ko .Wala nang bakas niya.Ang bilis hindi koman lang naramdaman

Nagpaalam na sakin si Carl dahil may klase pa daw sila.Buti hindi siya katulad ng pusa niyang mataba.sakto lang.

Dumiretso nako sa canteen.At naabutan ko na kumakain na si Catalina.

Umupo nako sa tabi niya.

"Saang bansa ka pumunta at nag Cr? Kala ko bukas ka na babalik" sabi ni Catalina sakin.

Hindi naman ako kumibo at napatingin kay Tanner na nasa tapat namin ngayon.

"Baka mamatay na yan sa gutom" sabi ni Catalina

"Bakit?" tanong ko

"Kasi kain siya ng kain " pilosopang sagot sakin ni Catalina

Napachuckle naman si Tanner.

Kumain nalang ako at hindi na kumibo.

Assassinating  the Mafia BossWhere stories live. Discover now