Chapter 4

1.4K 33 0
                                    

Maxima POV

Napailag ako ng bigla akong dambaan ng pinakamalaki sa kanila.Sinalo ko naman ang sipa ng isa saka siya sinipa sa mukha.Agad akong umatras at bumwelo paakyat ng pader saka umikot at nilagpasan sila saka hinampas sa likod.

Tatlo agad ang napatulog ko.Napatingin ako sa paligid ko .Good thing at wala silang mga pakialam. Walo pa ang natitirang nakatayo pang siyam ang leader nila.

Sumugod sakin ang dalawa agad ko namang sinangga ang suntok nila saka hinawakan ang dalawa nilang kamay at binaliktad sila.Napainda sila sa sakit.Nabali ko ata ang buto nila.

"Magaling ka ha tignan natin." sabi ng leader nila at saktong pagalis ng nakaharang sa harap ko ay ang nakatutok niyang baril ang tumambad sakin.

Mabilis kong hinugot ang katana ko.

*bang * *bang* 

Agad kong hinarang ang katana ko para hindi matamaan  ng bala.Apat agad ang sumugod sakin habang may hawak na mga patalim .Sinangga ko ang bawat saksak nila ng katana saka pinatamaan ang mga vital point nila.Umikot ako sa sa ere saka sinipa palayo ang apat pero saktong pagkalapag ko ay hindi ko namalayang malapit lang sakin yung leader nila at malakas akong sinipa sa dibdib dahilan para lumagpas ako sa may harang ng second floor at palaglag sa first floor.Damn ..Marami namang tao doon sigurado hindi ako maiinjure ng ganon.Nagulat ako ng biglang may humawak sa kamay ko at pinigilan ako sa pagkakalaglag.Hinatak ako ng taong ito papunta sa kanya saka ito bumwelo at sinipa ang leader ng mga dambuhala.Sa lakas ng pagkakasipa ay napatilapon ito at nahulog sa first floor.

Agad kong tinignan ang taong ito.Nakamaskara ito katulad ko ng kulay itim.Nakatitig siya sakin.Inilayo na niya ang sarili niya sakin.Nakasuot siya ng all black.

Malakas ang tibok ng puso ko at kahit medyo umingay sa baba ay rinig ko parin ang tibok nito.

Kakaibang presensya ...Nakakaramdam ako ng takot ngayon...Ngayon lang ako nagkaroon ng takot sa kaharap ko.Presensya niya palang parang dudurugin ka na ng buong buo.

Pagkatalikod na pagkatalikod niya ay bumungad sa akin ang simbolo ng isang Black Ace. 

Tama nga sila ...Makita mo palang siya alam mo na agad.

Agad akong kumonekta kila silent at death  shadow

'Nakita ko na siya' sabi ko.

Napatingin ako sa kamay ko.Medyo nanginginig ito.May kung ano akong nararamdaman lalo ng tinignan ko muli ang lalaking kanina ay niligtas ako.

Nakahinto ito pero hindi malayo sa akin.Napahawak ako ng mahigpit sa katana ko ng tumingin ito sakin at ng humarap sakin ay tuluyan konang itinutok sa kanya ang katana ko.

'Nasan na siya ?B.S' tanong ni D.S sa kabilang linya.

'He's infront of me' mahinang sagot ko

'Don't do anything B.S wait for us.Open your location'  sabi ni D.S .Pinindot ko naman ang button sa may headset ko para maopen ang location ko

Napaatras ako ng nagsimulang maglakad palapit sakin ang Black Ace Mafia Boss

"Is that how you thank someone who save you?" cold na tanong nito sakin 

Para naman akong natauhan at biglang kinalma ang sarili saka itinago ang katana.

Hindi niya pwedeng malaman na isa akong shadow assasin.

"Yes that's how I thank someone.I owe you one" sabi ko sa kanya .

"Then pay it now" sabi nito at bigla nalang akong hinatak paalis sa lugar nayon

*dug* *dug* *dug* *dug*

Damn.

Death Shadow POV

Agad akong umakyat sa second floor at hinanap si Maxima.Tinignan ko ang location niya.Malapit na siya.Pagkarating ko sa kinaroroonan niya ay isang wireless headset nalang ang naabutan ko.Agad ko itong pinulot.Bakit naiwan niya dito ito?Inikot ko ng paningin ko ang paligid.Hindi ko siya makita .wala siya dito! Tumakbo ako kung saan saan pero wala siya.Pilit kong pinakalma ang sarili ko.

"D.S. nasan na si B.S?" salubong sakin ni Catalina 

Pinakita ko naman sa kanya ang hawak kong headset.Agad niya itong kinuha.

"Nasan siya??!" panic na tanong nito

"Hindi ko siya naabutan" sabi ko at napasuntok sa may lamesang kaharap ko.

Pag may nangyari kay maxima I'll make sure that I'll torn the black ace into pieces .

Black Shadow POV

Humahawi ang mga gangster sa dinadaanan namin.Hawak hawak niya ang kamay ko .Nasa likuran niya lang ako.Nakita ko na may takot at mangha sa mga mata ng mga taong nadadaanan namin.

Nagbubulungbulungan din sila.pero hindi ko marinig dahil sobrang hina.Pagdating namin sa may mga naghihiyawang mga tao ay bigla itong tumahimik at umupo sa isang gilid .Ang mga nagwawala kanina ay akala mong maaamong tupa ngayon.

Alam ko ang lugar na ito.Dito may nagkakarera kanina.

May isang Black Lamborghini Veneno sa may gilid .May babaeng nakatalikod at sinisipat ang kotse.May tatak din na Ace sa likuran niya.See through Back top ang suot nito.Pagharap nito samin ay nakamaskara din ito.

"Who is she?" tanong nito sa kasama ko.

"My girlfriend" cold na sabi nito. Nanlaki ang mga mata ko at agad na napatingin sa kanya.

"Are you kidding me now?" iritang tanong ng babae 

"Do I look like a joke to you" sagot naman ng kasama ko saka hinawi siya at pinasakay ako.

Dalawang Black Ace ang kaharap ko ngayon.Hindi ako pwedeng magkamali.

Napatingin ako ng biglang itutok sakin ng babae ang isang pistol.Kahit nakatutok ito sakin ay wala akong nararamdaman na takot.

Parang wala namang pakielam ang mafia boss at sumakay lang sa driver seat.Ikinasa nung babae ang baril.Napatingin ako sa lalaki .HInatak niya ko dito tapos wala siyang pakielam sakin.

"That's my seat .Alam mo ba kung ilang babae na ang binaril ko sa inuupuan mo ?" tanong niya .Bobo ba siya pano kong malalaman nandito bako lagi.

"Pang labing isa kana bitch" sabi nito saka kinalabit ang baril damn.

*BAng*

Assassinating  the Mafia BossWhere stories live. Discover now