Chapter 26

991 14 0
                                    

Zhavria POV

Wala nang natitirang lakas sakin.

"Death Shadow ikaw naman ang magpaamin sa kanya " sabi ni Roger at inabot dito ang latigo.Tsk Napatingin ako sa ID nito sa bulsa . Kahit na Malabo ay sigurado akong Roger Montez ang pangalan nito.

Hindi ko na magawang tumingin kay Tanner.Nahihiya ako sa lagay ko ngayon.Pinipigilan ko ang pagtulo ng mga luha sa mata ko.Hindi ako pwedeng umiyak .Bawal akong tumingin sakanya dahil baka may maalala niya ko.

"Tama na.Kailangan umabot pa siya ng bukas" sabi ni Tanner sa cold na boses.

Oh How I miss his voice.

"Naitawag ko na ito sa head sinabi ko na sa kanila na walang balak umamin ang reaper .Ang utos ay ang patayin na siya dahil mahirap na pagtagalin pa sa mundo ang mga katulad niya" sabi ng babae

Tsk

"Hindi na bale ako na ang bahalang kumitil sa buhay niya" dagdag pa nito

" Sa lagay niya ngayon mamatay na din siya kaya bakit hindi nalang natin hayaang mamatay siya sa ganyang paraan.Mamatay siya habang naghihirap " sabi ni Tanner

Ang sakit...Masyadong masakit ang mga salitang iyon pag galing sa kanya.

"Mas maganda nang sigurado" sabi ng babae habang hawak hawak ang karit niya.

Sumugod ito sakin at iwinasiwas ang karit niya.Agad kong pinilit ang sarili ko na makagalaw kaya tumama sa may tali ang karit niya at nakawala ang isang kamay ko.Sinipa ko siya at naagaw ko ang karit saka ko pinutol ang iba pang tali.

Sumugod ako dito saka itinaas siya at sinuntok pero hindi ganon kalakas dahil nanghihina nako.Sinipa naman niya ko dahilan para matanggal ang kwintas ko.Nahulog ito sa sahig agad ko itong kinuha saka sinipa ng buong lakas ang babae.Nakita ko ang nilabas na baril ni Roger kaya initsa ko sa kanya ang karit kaya nabitawan niya ito at bumaon sa kamay niya ang dulo ng patalim.Tumalikod ako para umalis sa lugar na iyon pero nakita ko si Tanner na nakatayo habang nakatingin sakin.Napatitig ako sa kanya.

"T-tanner" mahinang lumabas sa bibig ko .

Automatic na lumakad ang paa ko papunta sa kanya.Medyo nagbago ang ekspresyon niya.Nanginginig na itinaas ko ang kamay ko para maabot siya ng malapit nako.Hindi ko mapigilan ang sarili ko .Miss ko na siya...

*bang* *bang* *bang*

Napaluhod ako at tuluyang bumagsak bago ko siya mahawakan dahil sa tatlong bala ang bumaon sakin.Ito na nga siguro ang katapusan ko.Isang hindi magandang kamatayan.

Naramdaman ko ang malamig na kamay na humawak sa leeg ko

"She's already dead" sabi ni Tanner

"Muntik na siyang makatakas" sabi ng babae

Napakalamig ng tiles at napakalapot ng dugo na nakapaligid sakin.Napatingin ako sa kamay ko na nasa malapit sa mukha ko.Naroon ang kwintas kung saan nakasabit ang singsing namin.

"Ipalinis na natin yan .Pupunta lang ako sa clinic para sa injury ko" rinig kopang sabi ni Roger

"Sasama ako" sabi ng babae

"Ok but shoot her again to make sure that she is dead" sabi ni Roger

Narinig ko ang kasa ng baril

"Stop .I already told you she's already dead .Ako na ang bahala dito" rinig ko na sabi ni Tanner.

Nararamdaman ko na ang pagtulo ng luha ko at ang paghina ng tibok ng puso ko

Mga ilang minuto ang dumaan ay naramdaman ko na parang may bumuhat sakin.

Nanlalabo ang paningin ko pero kilala ko ang taong may buhat sakin.

"You should live and you will tell me everything " sabi nito sa medyo durog na boses.Umiiyak ba siya?

"I ...love.-" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil hindi ko na kaya .

Third Person POV

Nahulog ang pares ng singsing sa semento kasunod non ang pagpatak ng dugo na nanggaling sa nakalaylay na kamay ng nakapikit na babae.

Buhat buhat siya ni Tanner habang tumutulo ang mga luha sa mata na hindi niya malaman kung ano ang dahilan ng sakit na nadarama.Basta ang alam niya lang ito ang matagal na niyang hinahanap .Ang kulang lagi sa bawat araw niya.Ang pirasong nawawala sa puso niya pero hindi niya maalala kung bakit ang babaeng ito iyon.Siguradong kasamang nawala ito kasabay ng pagkawala ng alaala niya ilang taon na ang nakalipas.

***

Maxima POV

Napatingin ako kila Deira na kalalabas lang ng clinic.

"Patay na ang Reaper.Pinatay na siya kanina" bungad nila sakin

Tumango nalang ako .Kanina pa nabalita yan.Madaling kumalat sa HQ ang balita tungkol dito.

Lumabas ako ng HQ para umuwi na ng bahay .Wala na ang hawak naming ng miyembro ng Black Ace.Nabawasan na sila ng isa ngayon oras na uli para hulihin sila.

Napatigil ako sa paglalakad ng masalubong ko si Damon.Nakatingin lang ito sakin.

"Patay na si reaper" sabi ko

Sabi na at wala nanaman itong reaksyon

"Hindi kaba magagalit o malulungkot?" Tanong ko

"Nung oras na mahuli siya ay oras narin ng kamatayan niya.Kapag miyembro ka ng Black Ace alam mo sa sarili mo na ano mang oras pwede kang mamatay" cold na sabi nito

"Oo nga pero hindi kaba magluluksa man lang para sa miyembro mo?" tanong ko.Kasi kahit ano naman miyembro niya parin ito

"We think differently.Hindi kami katulad niyo." Sabi nito

"Tsk wala ka talagang puso" sabi ko sakanya

"Masyado nakong damage para makaramdam pa ng bagay na sinasabi mo." sabi niya at naglakad na paalis

Parang may pinagdaan siya .

Hinabol ko naman siya

"Saan ka pupunta?" tanong ko

"It has nothing to do with you" cold na sagot niya.Napairap naman ako

"Para kang bato sa ref alam mo yon sobrang lamig at manhid mo" sabi ko sa kanya

Hindi naman nito ako sinagot at sumakay sa kotseng nakapark.

Psh ano kayang ginawa niya dito?

Assassinating  the Mafia Bossजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें