Forty-nine ~END~

4.1K 124 65
                                    

Ganito pala pag graduate na no? Iba pala yung feeling. I don't know what to expect sa college life ko. Sana makatagpo ako ng katulad nina Charlie at Louie. Hayy, hayaan na nga muna.

Madaming nagsasabi sa akin na, college is where you will meet people who would change your life. Ano naman ang iche-change sa life ko? Sabi din nila, Elementary and High School prepares you for college, while college prepares you for life. Kung ano ka daw sa college, yun ang madadala mo throughout your lifespan. Ewan ko lang kung totoo. Sabi sabi lang naman yun eh.

In all honesty, I'm anxious, scared and excited at the same time. Siyempre I'm going to meet new people. Makikisama na naman ako. Isa pa, State University ang papasukan ko. There I'll meet people from all walks of life. Di ko alam kung paano magfi-fit in. Siguro pwede naman akong maging ghost student? Di nalang siguro ako magpapapansin masyado. Yung tamang pasok lang. Tama. Yun na nga.

"Chan-Chan... Chan-Chan!" dinig kong tawag sa labas ng kwarto ko na may katok ng katok. "Gising ka na ba?"

Buti nalang talaga nakalock ang pinto ng kwarto ko. Ang aga aga. Nakakainis. Bakit kasi pumayag si mama na makitulog yun dito eh.

"Chan-Chan gising ka na daw sabi ni tita!" 'Di pa rin ako sumagot. Umikot lang ako sa kama at tinitigan si Lang-Lang. Pinitik pitik ko din ang ilong nito.

Napabalikwas ako nang biglang nag-ring ang cellphone ko. Nang makuha ko ang cellphone sa desk ko at tiningnan kung sino ang tumatawag, napasabunot ako sa buhok ko at inuntog untog ang ulo ko sa unan. Ano ba problema nito?

Nakakabad trip!

Tumayo na ako at tinungo ang pinto.

"Chan-Cha—" napatigil siya halfway sa pagkatok at pagtawag sa pangalan ko nang buksan ko ang pinto. "Antagal mo namang magising. Kanina pa ako katok ng katok dito."

Hindi ko siya pinansin. Nilagpasan ko lang siya saka pinang-ikutan ng mata.

"Uy! Galit ka na naman ba?" tanong niya habang sumunod sakin.

Wala pa rin akong imik hanggang sa makarating ako ng banyo. At bago pa siya sumunod sakin, agad kong sinara ang pinto. Naghilamos lang ako at nagtoothbrush bago lumabas. Pero alam niyo ba, speaking of hilamos, effective ang Ponds pinkish white na facial wash. Yun kasi ang gamit ko eh. At bago kayo manghusga diyan, alam kong designed yun for women. Pero wala namang naka indicate na for women use only diba? And besides, maselan ang skin ko kaya ok na yung Ponds.

Paglabas ko ng banyo ay nandoon pa rin siya.

"Uy, naghilamos talaga siya at nag-toothbrush bago humarap sakin," tukso niya nang nakangiti.

Tinaasan ko lang siya ng kilay. "Ang aga mong mang badtrip. Promise."

"Joke lang Chan. Tagal mo kasing magising eh."

"Ano naman ngayon? Wala namang pasok."

A Man's LifeWhere stories live. Discover now