Three

11.3K 235 55
                                    

Sabi nila, being an only child have its perks. Pero, di ko alam kung matutuwa ako sa situation ko. Lalo na pagdating sa mga laruan ko.

Kung inaakala niyo na nakukuha ko ang lahat ng gusto ko, well nagkakamali kayo. Dahil ang nakukuha ko, any kung ano ang gusto ni mama. Yep, siya ang pumipili ng mga gamit ko. At pag siya ang pumipili, puro My Little Pony ang design. Natuwa ata dun masyado sa regalo sa akin nung second birthday ko.

Kung tatanungin niyo – or kahit hindi kasi sasabihin ko pa rin naman, wala akong yaya. Ayaw ni mama. Gusto niya kasing maging hands-on mom. Gusto niyang siya lang ang love ko. Gusto niyang siya lang ang tianatawag kong mama. Gusto niyang siya lang ang makagisnan kong ina.

Si papa? Ayun, nagtatrabaho parin overseas. Manager kasi si papa sa isang company doon sa Singapore. Ayaw niya kaming dalhin dun. Ayaw niya kaming mamuhay doon. Ang sabi daw kasi ni papa, Pilipino kami, kaya nararapat lang na sa Pilipinas kami nakatira. Mahal daw kasi ang cost of living sa ibang bansa. Sabi din ni papa, sayang daw ang buwis na ibabayad namin, dapat Pilipinas din daw ang makikinabang. Ang patriotic ni papa no?

Being an only child, lahat ng laruan mayroon ako. Ay mali. Hindi pala lahat. Wala ako nung mga laruang baril.

Naalala ko one time, nasa Pinas si papa. Binilhan niya ako ng laruang baril – yung pellet gun. Oo, nagkaroon ako nun. Kaso, pagdating sa bahay, nagwala si mama. Bakit daw ako binilhan ni papa ng ganung klaseng laruan. Bakit daw ako tinuturuan ni papa maging isang bayolenteng bata. Baka daw paglaki ko, sasapi ako sa mga rebelde, o di kaya maging isa akong criminal. Baka daw matuwa ako masyado sa baril-barilan at makatuwaan ko din na pagbabarilin ang mga tao. Masisira ang kinabukasan ko. Tapos sa tuwing makikita ako ng mga tao, isisigaw nila na isa akong criminal. Ipagtatabuyan nila akong lahat. Kakasuhan ako. Ikukulong. Papatawan ako ng reclusion perpetua. Tapos magagalit sa akin ang warden. Tapos sasabihin niya sa kinauukulan na isasama ako sa death row. Tapos isasailalim ako sa public execution.

Kaya nung narinig ko lahat ng yun, natakot ako. Ayoko maging criminal. Ayokong ipagtabuyan ng mga tao. Ayokong makulong. Ayokong mamatay. Kaya hindi na ako humawak kahit kalian ng laruang baril, ever.

Overprotective din pala si mama sa akin. Bawal akong lumabas ng bahay noon. At itinapon niya lahat ng toy cars ko. Kasi ganito yun, dahil sa bawal ako sa laruang baril, puro mga toy cars ang pasalubong sakin ni papa. Ayon sa kwento nila, naglalaro ako noon ng toy cars. Meron ako nung papaatrasin mo tapos pag binitiwan mo, tatakbo yung kotse. Ayun. So, laro laro daw ako. Ei masyado daw akong naaliw tapos isang beses, tuloy tuloy na lumarga ang kotse-kotsehan ko. Hinahabol habol ko pa daw. Tapos naapakan ko daw yung nakakalat na isa pang kotse-kotsehan ko kaya plakda ako. Nagkasugat ako noon sa noo. Nagdudugo talaga kaya naparanoid si mama. Kaya bawal na rin ang toy cars. Madidisgrasya daw ako.

Di rin ako binibilhan ni papa ng play station. Hindi raw yun magandang impluwensiya. Bawal ako ng computer games kasi nakaka-bobo daw at nakakasira ng mata. Tapos mga karumaldumal daw ang mga laro sa ganoon. Magiging masamang tao daw ako pag naglaro ako ng mga ganoon.

Dahil sa mga pangyayaring yun, nakulong ako sa mundo ng mga stuffed animals. Ang cute kaya nilang lahat. Ansarap pa yakap-yakapin. Lagi na lang ako sa kwarto noon. Kinakausap ko ang mga stuffed toys ko. Pinangalanan ko rin silang lahat. Pero ang pinakapaborito ko sa lahat ng mga stuffed toys ko ay si Basti. Binigay siya sakin ni lola. Third birthday ko yun.

Before kasi nun, gusting gusto ko magkaroon ng alagang aso. Nagsimula yun noong mapadaan kasi sa isang pet shop. Ang cute cute cute kasi talaga ng St. Bernard. Parang ang sarap sakyan tapos yakap yakapin. Kaya lang, sabi ni mama, di daw pwede. Mabalahibo daw kasi. Magkakasakit ako at mamamatay. Pero wala akong pakialam gusto ko pa rin ng alagang aso. Iniyakan ko yun ng isang lingo pero walang epekto kay mama. Nakita ni lola kung paano ako nagtangis kaya binulungan niya ako.

“Chan-Chan apo, wag ka nang umiyak. Sayang ang ganda este gwapo mo. Ahehehe!” sabi ni lola.

“Yoya naman eh! Guto ko po yun dog! Bidyan niyo ko dog! Huhuhu,” sagot ko nang napapapadyak padyak pa.

“Tahan na Chan-Chan, sige ganito gawin natin. Bibigyan ka ni lola ng aso,” alo ni lola. Pinahid niya rin ang luha ko.

“Tayaga yoya? Mag *hik* kaka *hik* dog ako?”

“Oo kaya tahan na. Pero dapat secret lang natin to ha?”

“YEY! Opo yoya. T’let lan po natin. Yabyu yoya!”

Sobrang saya ko talaga noon. Kinuwento ko sa lahat ng mga stuffed toys ko yun. At masaya din sila. Araw araw kong kinukulit kung kelan niya ibibigay sakin yung aso. Sabi niya, sa birthday ko daw. Kaya naman sobrang excited ko. Araw araw akong nakangiti at kinakausap ang mga stuffed toys ko.

Dumating ang kaarawan ko. At dinala ako ni lola sa kwarto ko.

“Yoya yoya, asan na po yun dog?” excited kong tanong.

“Antay-antay din pag may time apo. Ahehehe. Close your eyes,” sabi ni lola. Pinikit ko din ang mga mata ko.

“Basti po pangalan ko sa kaniya,” sabi ko habang nakapikit. “Mabait po yan yoya? Di nag arf arf.”

“Open your eyes!” masayang tugon ni lola.

Pagmulat ko, isang stuffed toy na aso ang bumulaga sa akin. Nag buffering ako.

10% loading…

75%...

87%...

99%...

100% loading complete.

“EEEHHH? Di naman yan dog eh! Di yan maka arf arf yoya. Yoya naman eh! I WANT DOG!” Na-depress ako bigla. Akala ko talaga totoong aso na.

“Chan-Chan, isipin mo nalang na real dog to. Di ka pwede bigyan ni lola ng real dog kasi sisgawan ni mama mo si lola. Gusto mo ba yun? Papa-alisin ni mama mo si lola at di mo na makikita si lola kahit kelan gusto mo ba yun? Aalis na si lola.”

“AYAW! Wag ka po ayis yoya!”

“Di mo naman gusto gift ni lola eh.”

“GUSTO KO PO! GUSTO KO PO TAYAGA! Peyowit ko na to yoya. TATABIHIN KO PO KE MAMA DI KA AYIS!” Umiiyak na ako nun at pinipilit kong lumabas ang luha ko.

Mula noon, hindi na nawalay si basti sa piling ko. Lagi ko nang kasama si Basti kahit saan man ako magpunta. Iniingatan ko din siya na huwag masaktan. Tinuring ko din siya na totoong aso.

A Man's LifeWhere stories live. Discover now