Twenty-eight

5.2K 90 20
                                    

Words hurt hundred times fold than knives do. Masakit kaya! Hindi kasi physical. Emotional yun. At masakit sa kalooban pag nakasakit ka ng kapwa.

October noon at busy-busyhan na naman kami sa school. Actually, lagi naman kaming busy eh. Kasalukuyang nagmemeeting ang faculty ng HS department kaya naman naisipan naming magpahinga nina Charlie at Louie sa favorite place namin sa school. Si Louie, nagbabasa ng Deception Point. Si Charlie naman, busy sa paglalaro sa cellphone. Ansaya ng bonding time namin no?

 

Me:

Ulap ka no?

 

Destiny <3:

Bakit?

 

Me:

Para kasi akong nasa langit pag kasama kita.

"Bespren ano yan?” tanong bigla ni Charlie at napa-angat naman ako ng tingin.

“Oy…” yun lang ang nasabi ni Louie in an attempt na pigilan si Charlie na hablutin ang isang green na sobre na sa tingin ko ay nalaglag mula sa binabasang libro ni Louie.

“WAAAW! Punta tayo dito bespren!” sigaw ni Charlie.

“Bakit? Kilala mo ba yan?” balik ni Louie.

“Oo naman! Siya si…” tiningnan ni Charlie ang envelope card na hawak niya. “Cecil!”

“Binasa mo lang eh!” sabat naman ni Louie at akmang baabtukan ito. Ngumiti naman si Charlie at nag-peace sign pa.

“Ano ba yan?” tanong ko sa kanila.

“Bakit? Di ka nakatanggap? Kawawa ka naman!” sabi ni Louie. “Ahaha. Ano yan birthday invitation ni Cecil.”

“Ahh.”

“Punta tayo punta tayo!” pangungulit ni Charlie.

“Oo na! Ay teka. Bilhan natin siya ng gift. Next week na yan eh! Para di ko makalimutan.”

Dumaan kami sa mall ng uwian para ibili si Cecil ng gift. Bumili kami ng isang malaking card at tatlong cute na bookmarks. Si Louie na ang nag-uwi ng mga gift namin dahil siya na rin ang magra-wrap nun. Tsaka, mas artistic si Louie. Kaya siya na bahala dun.

Kinabukasan, nagkaroon ng meeting with the council. Kasama mga presdent ng lahat ng section at pati na rin Student Orgs. Nagkaroon ng team-up para sa activities sa November. At nakasama ko sa team si Cecil. Kinuha namin ang number ng bawat isa para maging updated ang lahat sa plano. Para alam namin ang advancement ng activities.

SCouncil_Cecil:

may naisip ka pa bang idadag-dag na activity?

A Man's LifeWhere stories live. Discover now