Twenty-five

5.3K 110 29
                                    

Bakas ang pagkagulat sa mukha ni Krystal sa sinabi ko. Eh sa puno na talaga ang pantog ko eh. Pangatlong milk tea ko na kaya ito. Nagpakawala si Krystal ng isang malalim na buntong-hininga saka ako pinahintulutang magbanyo. Napaka-considerate talaga niya. sana i-consider din niya ang future namin together. Ayiee.

Bago ako bumalik ay nagpulbo muna ako at nagpabango. Para naman fresh pa din ako. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin.

“Kaya ko to!” sabi ko sa sarili ko sa salamin bago tumango at nakakuyom ang kamao. “Magiging successful ang date namin ni Krystal ngayon. EEE!!! Ehem. Go for the gold!”

Pagkabalik ko galing CR, isang nakakabinging katahimikan ulit ang aming pinagsaluhan. Ayoko ng ganito. Paano ako magugustuhan ni Krystal kung ganito kami? Hindi puwede. Sabi nga ni kuya Mason, Break the ice. It is a bit hard to do but once done effectively, it can keep the conversation going and would eventually build up good rapport. A good laugh is always a smart way to break the ice.

 

Ano naman kaya ang pwede kong sabihin? Alangan namang ikwento ko sa kaniya lahat ng kahihiyang pinagdaanan ko noon. Hayst. Bahala na. Gabayan Niyo po nawa ako sa gagawin ko.

“Krystal,” tawag ko sa kaniya. Napaangat lang siya ng mukha habang walang kagana-ganang hinahalo ang milktea niya.

“Hmm?” tanong niya bago humigop sa straw.

“Maganda ba ako?” tanong ko.

Muntik nang maibuga ni Krystal ang iniinom niya pero nasamid siya. Ubo siya ng ubo habang pinapag-pag ang baga niya.

“O-okay ka lang ba Krystal?” tanong ko. Patuloy pa rin siya sa pag-ubo. Lumapit na ako sa kaniya at hinimas-himas ang likod niya baka sakaling guminhawa ang pakiramdam niya.

“O-Okay *cough* lang ako *cough cough*. EErrm! Saan ba kasi galing yun? Ba’t may ganoon?” tanong niya.

Mukhang nabigla ata sa tinanong ko. Akala ko kasi matatawa siya. Malay ko bang mabibilaukan pala siya. Pero may dahilan talaga ako kung bakit ko tinanong yun.

“Ano, ano kasi.” Bahala na. “ Alam mo ba? Nung bata ako, lagi akong pinagdidiskitahan nina mama. Lagi nila akong pinagdadamit ng babae. Eto o!”

Pinakita ko sa kaniya ang mga pictures ko. Bahala na talaga! Sana lang huwag akong iwasan ni Krystal pagkatapos nito. Kitang-kita ko kung paano lumaki ang mga mata niya. pakurap-kurap pa siya na ibinabaling ang tingin niya sa mga pictures ko at sa akin. WAAAA. Eehh! Nahihiya na ako. Waaaaa!

“Ser-seryoso? Ikaw to?” tanong niya.

“O-Oo,” mahinang sagot ko.

“Ahahahahaha! Ikaw talaga to? Ahahahaha,” tumawa siya. Tumawa siya. Napatawa ko siya.

Nakisabay na din ako sa tawa niya.  Minsan may naitutulong din pala ang kahihiyan ko.

“Oo eh. Haha. Actually marami pa niyan sa bahay…” at nagsimula na akong ikwento sa kaniya ang adventures ko sa mga kamay ng mama ko noong batang-bata pa ako. Yung lahat ng pinag-gagawa nina mama, tita Charlene at mga kapatid nila. Natatawa naman si Krystal at ramdam kong nawiwili siya sa kwentuhan namin. Sa totoo lang, medyo napasarap ang pagkukwento ko sa kaniya at di na namin namalayan na past 12 na pala.

A Man's LifeDonde viven las historias. Descúbrelo ahora