Twelve

7.8K 128 11
                                    

All is well.

Sana.

Di ko alam kung gumana ba yung pagbubuhat ko ng sariling bangko kay Krystal. O baka naalibadbaran siya sa mga pinagkukwento ko. O nagawa nyang magtiis. Pero at the end of it all, naging magkatext kami.

Nagtaka siya kung bakit number ko daw (as Chan-Chan) ang ginagamit ko (as Shan-Shan). Wala daw ba akong cellphone (as Shan-Shan). Ang sabi ko naman wala (as Shan-Shan) pero gagamitin ko ang number ko (as Chan-Chan) kasi di ko naman masyado nagagamit ang cellphone ko (as Chan-Chan) kasi wala akong masyadong hilig magtext (as Chan-Chan).

Tinext ko agad siya pagkauwi ko.

Me: Thank you sa kanina. Nag enjoy ako. :)

Nagreply din naman siya.

Destiny: Ako din. :)

 

Me: Sana maging mas close pa tayo. :))

 

Destiny: Sure.

 

Me: Ingat lagi. ^_^

 

Destiny: Ikaw din!

This is it. It's a start of something special between us.

Kaya lang may problem ako. Paano ko aaminin sa huli na si Chan-Chan at Shan-Shan ay iisa? Alam ko na. Siguro pag narealize na ni Krystal ang worth ko as Chan-Chan ay makakalimutan din niya si Shan-Shan. Sabihin ko nalang na namundok at di na bababa pang muli.

Pero... ayoko din namang lokohin si Krystal. Hindi rin naman siguro magtatagal diba? Siguro mga one week lang. Tingin niyo?

Nga pala. Diba naikwento kong may crush si Charlie kay kuya Nile? Kasi, one time nagkabukuhan. Nalaman ni Charlie... namin... na may gf na pala si kuya Nile.

Ako kaya? Kelan ko kaya magiging gf si Krystal? Di naman siguro magtatagal diba?

Balik tayo sa kwento ko kay Charlie. Wag kayong magtanong sakin kung bakit buhay ni Charlie ang ikukwento ko. Walang masayang pag-usapan eh. Kaya pagpiyestahan muna natin ang buhay niya. Wag kayong mag-alala. May lesson na maiimpart satin to.

So yun. Dahil sa nalaman namin. Na-heartbroken si Charlie. As in. Yung masayahing Charlie na bestfriend namin ni Louie biglang naglaho. Napalitan ng gloomy at matamlay na Charlie. Yung dating masiba at matakaw na Charlie, laging walang gana.  Ginawa namin ni Louie ang lahat ng paraan para mapasaya lang siya.

Kung sana kaya lang iiyak ni Charlie yun, mababawasan yung sakit ng dinadamdam niya.

Yun ang kaibahan namin ni Charlie. Si Charlie kasi, di mo talaga makikitang umiiyak. Or mas nararapat sabihing hindi siya umiiyak. Yun daw ang natutuhan niya sa mga kuya niya. Para sa kanila, weak daw pag umiiyak.

Yun ang bagay na sinasalungat ko. Ang sabi sa akin ni mama, hindi weak pag umiyak ang isang tao o ang isang lalaki. Pag umiiyak daw kasi ang isang tao, patunay yun na may damdamin siya. May puso. At saka, sign daw yun ng katapangan kasi hindi siya nahihiyang ipakita ang tunay niyang nararamdaman.

Tsaka pag umiiyak ka daw, kahit gaano kabigat ang nararamdaman ay mababawasan yun. Tears washes ayaw the hurt. Para yung disinfectant. It alleviates the negative feeling.

Siguro kahit papaano ay alam ni Charlie yun. Sinubukan din kasi niyang maiyak gamit ang sibuyas. Di ko nga alam kung matatawa ako o maaawa eh.

Pero pansin ko lang, bakit kaya sinasabi nila sibuyas lang daw yung gulay na nakakaiyak?

Hindi kaya totoo yun. Ayaw niyong maniwala? Eto gawin niyo. Kumuha kayo ng upo at ihampas niyo sa katabi niyo. Ewan ko lang kung di iiyak yan. O kaya kumuha kayo ng kalabasa tapos ihagis mo ulit sa kasama mo. Iyak din yan. O diba? Kaya hindi totoong sibyas lang ang gulay na nakakapagpapaiyak.

So ayun na nga. Dahil nga depressed si Charlie, nahahawaan kaming dalawa ni Louie. Hindi talaga ako sanay sa ganoong wisyo ni Charlie. Nakakpanibago na nakaka-ewan.

Ito pa pala. Andami kong kwento ngayon no? Ganyan talaga. Makinig nalang kayo.

Dahil nga sa ginawang pagpapaasa ni kuya Nile kay Charlie. Di maiwasang magalit kami ni Louie kay kuya Nile.

Ang kwento nina Louie at Charlie sakin, hinamon ng basketball ni Louie si kuya Nile tapos sinapak. Kung warfreak din ako tulad ni Louie malamang nasapak ko din so kuya Nile. Kaya lang naniniwala ako na ang lahat ay madadaan sa demokratikong pakikipag-usap.

Dahil sa mainit ulo ni Louie at depressed si Charlie, para mapabuti ang lahat, nagkayayaan nalang sa Timezone.

Kelangan namin lahat mag-unwind. Yung sabi ko kasi na 1 week na pag papanggap na Shan-Shan, inabot na ng tatlong linggo. Naguguilty na talaga ako. Oo. masaya ako kasi nagiging close kami ni Krystal.

Pero ang nagiging ka-close niya, ako bilang Shan-Shan at hindi ako bilang Chan-Chan. Alam kong darating ang panahon na magkakabistuhan. Pero sana pag dumating na yung panahong yun, ok na kami ni Krystal. Sana mapatawad niya ako.

A Man's LifeWhere stories live. Discover now