Eighteen

6.4K 130 15
                                    

Alam niyo bang mahilig si Krystal sa butterfly? Paano ko nalaman? Ganito yan.

Sa biology class namin, pinadala kami ng insects. Before nun, nakwentuhan na ako ng mga seniors namin tungkol sa mga ganyan. Masaya daw kasi yung iba nagtatakutan ng mga dala. Yung iba nagdadala ng gagamba, salaginto, salagubang, anay, alakdan, langgam, bubuyog etc. Kaya naman nag-isip ako ng magandang dadalhin. Ayoko naman sa mga nakakatakot na insekto kaya naman naghanap ako ng caterpillar. Inalagaan ko yun. Dahil sa calculated ko naman ang life-span ng butterfly, saktong sakto ang final stage of metamorphosis ng butterfly ko sa klase namin ng biology.

Pagkatapos ng klase, siyempre nagpakitaan kaming tatlo nina Louie at Charlie ng mga insekto namin.

Si Charlie may dalang saginto. Si Louie naman, gagambang ekis. Nanayo ang balahibo ko sa inilabas ni Louie. Nakakatakot ang itsura ng gagamba. Ang hahaba pa ng galamay tapos anlaki ng mandible. Parang anytime tatalon at mangangagat. Kaya naman lumayo-layo ako ng kaunti. Baka kasi tumalon sa akin…g butterfly at kainin ito. Diba? Mas mabuti nang sigurado.

Pinaglaruan pa nina Charlie at Louie ang gagamba nang bigalang tumalon papunta sa uniform ni Charlie ang gagamba. Napasigaw tuloy ak… si Charlie. Tapos nawalan ng malay at nilagnat. 

Ako naman, ibinigay ko yung butterfly ko kay Krystal. Tinanggap naman ni Krystal ang butterfly. Kaya naman nalaman ko na mahilig siya sa butterfly. Di naman niya yun tatanggapin kung di siya mahilig dun diba?

Nang gumaling si Charlie sa lagnat, nagkaroon na siya ng arachnophobia.

Minsan, niyaya ko silang kumain sa Goldilocks na malapit lang sa Uste para humingi ulit ng tulong.

“May naisip pa ba kayo?” tanong ko sa kanila ni Charlie at Louie. mukha kasing di pa rin ako napapatawad ni Krystal. Di pa siya nagrereply sa mga text ko eh.

“Ano na ba status niyo non? Tsaka ano’ng plano mo ba?” tanong ni Louie.

“Di pa rin ata niya ako napapatawad eh. Kaya kailangan ko pa ng maraming idea,” sabi ko.

“HAAA? Gaano ba karami ang idea na kelangan mo? Andami naman!” sabi ni Charlie habang ngumangasab ng mammon.

“Kahit ilan. Basta dapat sigurado nang magtatagumpay. PLEAASSEEE! Teka, Charlie diba matagtal na kayong magkaibigan ni Krystal? Ano pa ba ibang hilig niya?”

“Ahhh.. di ko alam eh. mahilig daw sa cute?” tugon ni Charlie kamot-kamot ang ulo. Cute naman ako ah!

“Ayain mo na lang kumain sa labas. Madami ka namang pera,” suhestiyon naman ni Louie.

Bigla namang nagningning ang mga mata ni Charlie at napunta ulit sa amin ang attensiyon niya. “Oo!! tama!! Walang tatanggi sa pagkain!! Hehe.” Sumubo naman siya ng puto.


“Ikaw lang naman hindi tumatanggi sa pagkain eh! Pero, anong pagkain ba gusto niya? Baka magaya dati na di niya kinain cookies ko,” litanya ko.


“Si Charlie tanungin mo, alam niya yata mga hilig ni Krystal eh,” sabi naman ni Louie bago humigop ng pearl cooler.


“A-ahhh... hmm... mahilig siya sa Chinese o kaya sa Japanese food?? Di ko maalala. Ako kasi lagi ang pinapakain niya noon eh.” Ipinagmayabang pa talaga eh.

A Man's LifeWhere stories live. Discover now