Thirty-seven

4.6K 85 13
                                    

Hanggang tenga ang ngiti ni Louie sa ibinulong ko sa kaniya. Hindi ko naman mapigilan ang maasiwa. Hindi naman niya ako tinukso pa. Hinayaan niya nalang na manaig ang katahimikan sa amin. Bumalik naman siya sa pagkain ng sliced fruits. Ako naman, nakaupo ng tuwid at nakapatong ang dalawang kamay ko sa hita at nakayuko ng konti. Pakunway napatingin ulit ako sa kinaroroonan ni Charlie. Napangiti nalang ako nang makita ko si Charlie na itinaas ang tinidor nito na may nakalawit na fettuccini. Itinapat niya ang dulo noon sa bibig niya na nakaambang sumalo bago dahan-dahan na ibinaba hanggang sa maisubo lahat.

“Pero aminin mo Chang maga—”

“Oo na!” putol ko kay Louie.

“HAHAHAHAHA. Wala pa nga akong sinasabi,” tugon nito.

Tiningnan ko siya ng masama. At iniangat naman niya ang kanang kamay niya. “Of course, I promised.”

Nagpakawala nalang ako ng isang buntong hininga.

“Let us all give a round of applause for the next performance. We present to you, Charlie Pelaez and Nile ---.”

Sabay kaming napaharap ni Louie sa stage. Halos hindi naman magkarinigan sa loob sa lakas ng hiyawan. Siyempre nakikisigaw rin kami ni Louie. Alangan namang papatalo kami sa pagsuporta sa bestfriend namin. Maganda ang pagkakakanta nilang dalawa. Si Charlie napapapikit pa. Hindi ko tuloy mapigil ang pagngiti at mapabuntong hininga. Naalala ko nanaman ang sinabi ko kay Louie. Crush ko ata si Charlie. ATA ha! ATA LANG YUN! Tsaka to make things clear, i-elaborate natin ang meaning ng crush. It is a temporary admiration to a person. Sa tagalog, panandaliang paghanga. PAGHANGA. Pero ngayon habang tinitingnan ko silang dalawa, parang natutuwa ako. Of course andun pa rin ang protectiveness ko kay Charlie pero nakakatuwa talagang makita siyang masaya. Kaya susuportahan ko siya dun. At isa pa, andito naman kami nina Louie at ang mga kuya ni Charlie upang protektahan at kilatisin ang sinumang lalaking aaligid sa kaniya eh.

Nang matapos ang performance nina Charlie ay niyaya ko naman si Louie na sumayaw. Agad naman siyang sumama. Alam ko kasing may iniiwasan yun. Tsaka, ayokong palampasin ang prom na hindi ko naisasayaw ang mga bestfriend ko. Inakbayan naman niya nako habang papunta kami sa gitna.

Napag-usapan din namin ang tungkol sa Prom King and Queen. Baka daw ako. Pero alam kong malabong mangyari yun. Sigurado akong si kuya Mason ang Prom King. Bakit? Kasi, marinig pa lang nila ang pangalang Mason, halos maglaglagan na ang mga panty ng mga kababaihan dito. Anlakas kasi ng karisma ni kuya.

Sinabi ko din na baka si Louie ang maging Prom Queen. Ang ganda ganda kasi talaga ni Louie ngayon. Kanina ko pa nga napapansin ang matalim na tingin sa akin ng mga kalalakihan dito dahil kasayaw ko si Louie. Malamang inggit na inggit ang mga yun. Pero sabi ni Louie, malabo daw na siya. Parang di naman. Pero nung tinuro niya si ate Clarisse yung Secretary ng SC, napa sang-ayon din ako. Pansin na pansin ang balingkinitang katawan ni ate. Mukhang matinding labanan nga ang magaganap sa Prom Queen. Kung hindi si Louie ang mananalo, malamang si ate Clarisse nga. Pero kay Louie parin ang boto ko siyempre.

Nang makabalik kami ni Louie sa upuan namin ay nagpaalam ako na pupuntahan ko muna ang mga kasama kong officers. Baka kasi kailanganin ako. Pagdating ko sa backstage ay naabutan kong abala sila. Inihahanda na ang sash ng tatanghaling Prom King and Queen. Mukhang ok naman sila kaya nagpasya akong bumalik nalang sa table ko. Wala akong Louie na naabutan. Baka nag-CR siguro. O kaya natuntun siya ni Ray at nagtatago.

A Man's LifeDonde viven las historias. Descúbrelo ahora