Bumalik ako sa tinutuluyan namin. Pagdating ko nandon si Ate Rachel at Ate Bea. Akala ko kaming lima lang yung sasali sa pacontest nila dito. Makakasali din pala ang lahat. Inexplain nila kung ano ba ang mangyayari. Every Sunday pala ginaganap ang pa-contest na ganito. Kung ano ang napagdesisyunan kung sino naka-assign sa bawat contest ay hindi na magbabago unless kung may mangyaring masama. Dito naman walang parusa dahil sabay-sabay daw ang mga contest kaya baka lalong mapagod kung bawat game ay may parusa.

Paalala nang paalala si Ate Bea na ayusin namin ang laro kundi papahirapan talaga nila kami sa huling apat na buwan namin bilang trainees ng camp.

Napabuntong hininga ako. Aayusin ko pero aayusin kaya ng kasama ko?

"Tumabi ka nga dyan." napatingin ako sa likuran ko. Nasa pintuan kasi ako.

"Sorry naman." tumabi ako. Inirapan nya muna ako bago sya pumasok sa loob.

Yan? Yan ba ang magiging maayos ang laro namin? ugh!

Kinabuksan nagsimula na ang pa-contest nila. Dahil tatlo lang ang court dito. Inuna muna na ang iba. Isa na don ang 1v1. Syempre bilang girlfriend ni Japan. Pinanood ko sya at sinuportahan.

Isa sa makakalaban ni Japan si Peyt. Pero unang makakalaban ni Japan ay si Moss ng Qilin Empire. Isa din magaling na player si Moss. Pero syempre mas magaling si Japan lalo na sa 1v1. Hindi nya lang matalo si Steph pero kaya nya naman tapatan ang iba.

Panay ang cheer ko sa kanya kada nakakashoot sya, napapatingin na nga yung iba sakin dahil ang ingay ko. Paki ko, girlfriend ko yan eh.

"Ang galing mo bansa!" sigaw ko. Tumingin sya sakin at itinaas ang kamay. Kinikilig ako kaya panay ang sigaw ko.

Taena parang akong fans nya na kinikilig nung tumingin sakin. Shet!

"Uy si Alexa na sa kabila." pasiko ni Xenon sakin. Sya ang kasama kong icheer si Japan kasama ang ilan seniors.

Tumingin ako sa kabilang court. Naghahanda si Alexa na nasa loob ng court. Magkatabi lang ang court ng 1v1 at Dunk contest.

Nasa kabilang side naman sila Steph, Ivy at ibang kasamahan namin na nagche-cheer sa kanya.

Hinagis nya ang bola at tumakbo. Tumalon sya at kinuha ang bola gamit ang isang kamay tsaka sya umikot at diretsong dinunk nya 'yon sa ring.

Bigla akong napatayo sa nakita ko. Naghiyawan naman yung iba kasama nandon si Xenon na katabi ko.

"Ang galing mo!" sigaw nila don sa kabila.

"I love you Alexa!" napangiwi ako nung isigaw 'yon ni Steph. Nagkasungitan at nag-irapan tuloy sila ni Ivy.

Nagtaasan ng score board ang mga judges. Puro 10 ang score kaya lalong naghiyawan ang mga kasamahan namin.

"Next Astra from Mušḫuššu Empire!" sigaw ni Ate Juls.

Hinanap ko kung sino bang Astra na taga Mušḫuššu and there she is. Ang babaeng matagal ko ng gustong malaman kung ano ang pangalan nya. Bigla akong napakagat ng labi. Nagtatali sya ng mahaba nyang buhok habang palakad sa loob ng court. 

"Astra.." bulong ko lang na tanging ako lang makakarinig. Pero parang ewan lang na bigla syang napatingin sa gawi ko na para bang narinig nyang tinawag ko sya.

Saglit lang sya tumingin sakin at humarap sa ring. Drinibble nya muna ang bola tapos hinagis nya din tsaka sya tumakbo at tumalon. Kinuha nya ang bola sa ere gamit ang isang kamay tapos inilipat sa likuran nya papunta sa kabilang kamay tsaka nya dinunk habang nakatalikod sa ring.

"Wow." bigla ko na malamang nasabi kasabay ang hiyaw ng mga Mušḫuššu.

"Yung ang hot nya tapos ang galing nya pa. Hanep." sabi ni Xenon sa tabi ko.

Melting Ice Princess 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon